Judy Ann Santos on plan to have another baby: "...hopefully, makahabol kami this year."

At dahil apat na taon na si Lucho, pinaplano na ng mag-asawang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo na magkaroon ng isa pang baby. Ani Juday, “Puwede nang sundan..."


Bukod sa mga proyekto nilang mag-asawa sa pelikula at telebisyon, isa rin sa pinaka-aabangan sa mag-asawang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo ay ang muli nilang pagkakaroon ng anak.

Nine years old na ang panganay nilang si Yohan at four years old ang bunso nilang anak na si Lucho.

Kailan ba nila susundan si Lucho?

“Siguro pagkatapos ng event ko mamaya,” biro niya nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) pagkatapos ng premiere ng T’yanak noong October 23, sa SM Megamall.

Matagal na rin daw na nasa plano nila ito.

“Oo naman, oo naman. Nakaplano naman siya.

"Hindi lang ako...honestly, after I gave birth, siguro mga after six months, sabi ko nga kay Rye [Ryan’s nickname], ‘Halika na, magbuntis na ulit tayo.’

“Para isang payatan na lang.

“Pero come to think of it, inisip ko, parang siguro, para namang pinahirapan ko nang husto ang sarili ko.

“Na bakit naman magkasunod na bagets yung gusto kong alagaan, hindi ba?

“Bakit hindi ko muna palakihin?

“’Tapos ngayon, nung nakikita namin na yung mga bata na malalaki na sila, puwede na silang utusan, puwede nang maghugas ng pinggan, puwede nang magbayad ng bills e puwede na,” biro pa ni Judy Ann.

“Puwede nang sundan, puwede ka nang lumarga papuntang ibang bansa nang kayu-kayo lang.

“So ayun, pina-project namin. At saka kailangan kasing i-timing dahil may mga na-oo-han kaming projects, and kailangan ding mag-ipon—mga pasukan, andiyan ang enrollment, may mga maintenance ng bahay.

“So maraming considerations na kailangang i-take bago gumawa ng isa pang baby.

“Pero ngayon na malalaki na sila, pini-pray namin na sana, hopefully, makahabol kami this year,” dalangin niya.



T’YANAK. Sa pagiging aktres naman ay bida si Judy Ann sa indie horror movie na T’yanak kung saan kasama niya sina Solenn Heussaff, Sid Lucero at Tom Rodriguez.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dito ay gaganap si Judy Ann bilang si Julie, si Solenn bilang si Maddie, si Tom bilang si Mark, at si Sid naman ay gumanap bilang si Joben.

Ang T’yanak reboot ay sa direksyon nina Peque Gallaga at Lore Reyes na sila ring gumawa ng orihinal na Tiyanak movie noong 1988.

Nasa 2014 movie version rin sina Adrian Cabido, Chinggay Riego, Lorenz Martinez, Channel La Torre, at Ms. Liza Lorena.

May cameo appearances sa pelikula sina Janice de Belen, Alessandra de Rossi, Paolo Contis, Ricky Davao, Yayo Aguila, at Lotlot de Leon.

Ipapalabas ito sa SM Cinemas mula October 29 hanggang November 4.

Kasali ito sa Sineng Pambansa Horror Plus Film Festival ng Film Development Council of the Philippines.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN