John Prats reveals details of upcoming wedding to Isabel Oli

John Prats on wedding to Isabel Oli. “I’m saving up for her big day, which is the wedding. I want to give her the best wedding gown, I want to give her the best food, the best wedding na puwede kong ibigay sa kanya.”


Ibinahagi ni John Prats ang mga plano nila ng fiancée na si Isabel Oli sa paghahanda nila sa kanilang kasal, pati ang pagpapamilya.

Sa Mayo ng susunod na taon gaganapin ng showbiz couple ang kanilang kasal.

“We’re still thinking if first week of May or second week of May,” kuwento ni John sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa opening ng Kuya J Restaurant sa SM Novaliches, October 25, Sabado.

“It’s a garden wedding, so hinahabol namin na sana hindi masyadong soon and hindi masyadong late, kasi sa farm namin sa Batangas, so outdoor siya.

“After second week of May, or third week of May, maulan na, e. And we want a short engagement.”

Isa-isa na ngang inaasikaso nina John at Olive ang mga preparasyon sa kanilang pagpapakasal.

Napagtanto rin ni John kung gaano kahirap ang wedding planning.

“Sabi ko nga kay Liv [palayaw ni Isabel], ’Grabe pala ’to!’ Akala ko nga ang dali magpakasal, ’Tara na, kasal na,’ hindi pala gano’n.

“We have a meeting with our wedding coordinator next week. Kasi we have two weddings; we have Catholic, [and] we have Christian,” paglalahad ng actor-dancer.

“Kailangan ayusin ang marriage contract, license, everything... kaya kailangan namin ng wedding coordinator kasi ang hirap.

“At of course, sa Christian side naman, we have to go through seminars, yun yung para makatulong [sa pagsasama namin].”

Kuwento pa ni John sa konsepto ng kanilang kasal.

“She wants rustic... rustic yung feel ng wedding. Nagri-research kami.

“Iniisip pa namin ang pre-nup[tial] pictorial namin. Basta we’re really exciteed about everything na mangyayari para sa amin.”

Biniro pa ng PEP si John na tila napaka-hands-on niya sa pag-aasikaso ng wedding.

“Hindi naman. We plan together, kasi kami ni Liv yung relationship namin, kung ano gusto niya, vocal siya, so I know kung ano gusto niya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa ngayon, ang sigurado na raw ninong at ninang ay si Boy Abunda, Cathy Valencia, at ang handler ni John na umalalay sa kanya sa loob ng maraming taon.

BEST WEDDING FOR ISABEL. Aminado si John na malaking pagbabago na ang nangyari sa kanya simula nang mag-propose siya sa kanyang girlfriend.

Ibinahagi rin ng Kapamilya actor ang mga pagbabago simula nang mag-propose siya sa girlfriend.

“Yung life changing... whenever I see her in the morning pag papasok—kasi sa office na rin namin siya, so we work together sa business—every time I see her, [I think] ’This is gonna be my wife. Siya na yon.’

“Life changing pa rin are my priorities, [they’re] really different. I used to shop, I used to go out with Sam [Milby]. Ngayon iba na, e.

“I’m saving up for her big day, which is the wedding. I want to give her the best wedding gown, I want to give her the best food, the best wedding na puwede kong ibigay sa kanya ’cause siyempre that’s gonna happen once in our lives.”

Handang-handa na ba talaga siyang magpakasal?

“Sobra. Wala akong dalawang isip, wala akong takot. Maybe because right timing talaga.

“Simula bata ako, I’ve had my moments. I enjoyed life, so andami ko na rin nakarelasyon na hindi nag-work, and finally the search is over.

“Eto na yung gusto kong mangyari sa buhay ko, I wanna settle down and I wanna enjoy life on a different level.”

Nang usisain siya tungkol sa honeymoon, ang sabi ni John, “Mas excited yung tita ko sa States kung saan kami magha-honeymoon.

“We’ll see. I have to focus on the wedding first. Madali na lang siguro ’yon.”

Pagkatapos ng kasal, kailan nila balak magkaroon ng anak?

“Kids agad,” mabilis na sagot ng aktor. Dahil nasa 30s na raw sila ni Isabel, handang-handa na silang magkaroon agad ng anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Inusisa rin si John kung balak ba nilang bumukod pagkatapos nilang magpakasal ni Isabel.

“Of course, siyempre.” Pinagtutuunan na raw nila ang pagbili ng bahay.

“Siyempre isang reyna lang dapat sa isang bahay. Hindi puwedeng dalawa, magulo ’yon.

“Kung ang nanay ko ’tsaka siya [Isabel] magsama, may conflict.

“But they’re good. Sobrang gusto siya ng mom. But siyempre you want to experience, to live in one house with your own family.”

HOUSEWIFE. Tinanong ng PEP si John kung titigil ba sa showbiz si Isabel pagkatapos ng kasal.

“She wants to be a housewife. At the same time, business partners kasi kami. Kaya ko siya gusto, kasi supportive siya.

“Hinahayaan niya ako to provide and siya ang nasa bahay and that’s what I need.

“’Cause I grew up with my mom as housewife who really took care of us, and na-value talaga namin yung values ng isang bata and I want her to be like that also.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN