James Reid dreams of being paired with Heart Evangelista

James Reid on why Heart Evangelista is his dream leading lady: "I just think she’s beautiful and she’s a lovely lady.”


Isa si James Reid sa mga kaibigan ni Anne Curtis na dumalo at nagbigay ng suporta sa red carpet premiere night ng pelikulang Blood Ransom na ginanap sa Newport Mall ng Resorts World Manila kagabi, October 25.

Ang pelikulang ito ang kauna-unahang indie Hollywood movie ng Viva contract star, kung saan ang katambal niya ay ang upcoming Hollywood actor na si Alexander Dreymon.

Bukod kay James, nagbigay din ng suporta ang boyfriend ni Anne na si Erwan Heussaff, ang kapatid nitong si Solenn Heussaff kasama ang boyfriend na si Nico Bolzico. Pumunta rin si Vhong Navarro, Ryan Bang, Isabelle Daza, Phoemela Barranda at marami pang iba.

Bago pa man pumasok sa main theater si James ay kinunan muna ito ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng kanyang mga saloobin tungkol sa pelikula at sa unang pagbida ni Anne sa isang international film.

Bungad niya, “Oh, I’m really excited to watch the film and to see Anne for the first time with international producers.

“I know she will be compared, but... also, because I love Anne.

“I also watched the premiere of The Gifted, and she was incredibly amazing, she’s so good.”

Ang The Gifted ay ang pinakahuling movie ng Kapamilya actress na ipinalabas sa mga sinehan at napuri ang kanyang acting dito.

Aminado naman si James na isa siyang tagahanga ni Anne.

Handa ba siyang maka-partner ito sa isang pelikula kung magkaroon ng pagkakataon?

Nakangiting pahayag ng singer-actor, “Oh, that would be a dream come true!

“Why not? Maybe, it’s because of age gap or generation gap.

“But who knows... who knows?”

MOVIES. Sa puntong ito ay inalam namin kay James kung tuloy na ba ang sequel ng hit movie nila ni Nadine Lustre na Talk Back And You’re Dead na ipinalabas nitong Agosto lamang.

Pagkumpirma ng PBB Celebrity Teen grand winner, “Yeah, that would be pushing through.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But, I can’t give a date or anything else.”

Bukod dito, tuloy pa rin daw ang pagrolyo ng kamera para sa pelikulang Para Sa Hopeless Romantic na pagsasamahan nilang muli nina Nadine, Julia Barretto, at Iñigo Pascual.

Saad niya, “That would be next year pa, it’s parang a romantic movie.

“You should check out the movie ’cause it’s gonna be like a movie within a movie. It’s a fairytale, and then there’s real life.

“So Nadine and I take the real life, and Julia and Iñigo will take the fairy tale.

“It requires two different kinds of acting and fantastic looks.”

NOT WORRIED ABOUT OVEREXPOSURE. Dahil sunud-sunod ang team-up nila ni Nadine, hindi ba siya natatakot na baka ma-overexpose na ang JaDine loveteam?

Hindi ba siya nangangamba na baka pagsawaan na sila ng mga tao?

Biglang napaisip si James, sabay sabi ng, “Hindi ko masyadong naisip yun.

“Ah, oo nga, ’cause it’s our third movie for the year.

“We’ll see, we’ll see, if we could still pull off this stuff, a blockbuster movie of the same loveteam for this year.”

Hindi rin naman kasi kaila na ilang loveteams na ang nawala dahil sa pinagsawaan ng mga manonood na paulit-ulit nilang nakikita sa pelikula o telebisyon.

Kung nangyari yun sa iba, hindi malayo na mangyari rin yun sa JaDine.

Punumpuno ng conviction na sinabi ni James, “Well, we will ride it until the end.

“We will push it to the limit.”

DREAM LEADING LADY. Bukod kay Nadine at Anne, sino pa ba ang gusto niyang makapareha bilang leading lady sa upcoming movie o television shows niya?

Nakangiting rebelasyon niya, “Heart Evangelista."

Bakit si Heart ang napili niya?

“I just think she’s beautiful and she’s a lovely lady.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN