Arnel Pineda launches search for Asia’s best musicians via regional music competition

Arnel Pineda narrates how he got the inspiration to start Asian Music Camp: “Bakit hindi kaya magkaroon ng ganitong contest para mas magkaroon tayo ng dekalibreng Asian musicians, singers... magkaroon ng exposure internationally. Ang dami natin dito, nakatago lang. So ’eto yung kakalkalin natin ngayon at malalaman natin kung sila na nga yung next big thing.”


Isang malaking music competition ang binuo ng Journey lead vocalist na si Arnel Pineda para sa mga aspiring at mahuhusay na Asian musicians, upang gaya niya ay magkaroon sila ng pagkakataong makilala sa international music scene.

Binansagan niyang Asian Music Camp, ang contest na ito ay magsisimula sa submission of entries ng raw videos ng mga bandang nais lumahok. At sasabayan na rin ito ng online voting mula sa mga viewers mula January 1 hanggang March 31, 2015.

Ang lahat ng interesado ay maaaring maglog-in sa www.asianmusiccamp.com. Dito rin gagawin ang pagboto ng viewers sa paborito nilang banda.

Nasa naturang website ang lahat ng rules and requirements sa kumpetisyon.

Tumataginting na one million US dollars ang mapapanalunan ng unang mapipiling AMC champ.

Nakapaloob na dito ang cash prize, recording deal at concert tours. Dito sa Pinas gagawin ang finals next year na dadaluhan ng mga sikat na band players at singers mula sa American at Asian music scene.



INSPIRATION BEHIND COMPETITION. Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Arnel matapos ang presscon proper ng AMC kahapon, October 25, sa Garden Ballroom ng EDSA Shangri-La Hotel, inilahad nito ang naging inspirasyon niya sa pagbuo ng nasabing malaking music competition sa Asya.

Kuwento nito, “Alam mo, naglaro ito no’ng pagsimula ko sa banda, sa Journey.

“Sabi ko, na-expose ako sa international nang ganun-gano’n lang, through YouTube dahil sa kaibigan ko.

“So sabi ko, bakit hindi kaya magkaroon ng ganitong contest para mas magkaroon tayo ng dekalibreng Asian musicians, singers... magkaroon ng exposure internationally.

“Yung galing nila talagang ma-expose sa buong mundo.

“Hindi ko sinasabi na wala pa tayo doon, pero ang dami natin dito, nakatago lang.

“So ’eto yung kakalkalin natin ngayon at malalaman natin kung sila na nga yung next big thing.”

May mga naging inspirasyon ba si Arnel na mga banda kaya niya rin naisip na tumuklas ng mga bagong talent?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi niya, “Ah, Eraserheads, ’yan sina Bamboo, Rivermaya sa local. Tapos, unknown na magagaling na banda na naririnig ko sa Japan. Saka sa Indonesia, Singapore, sa Shanghai, sa Korea.

“So na-inspire ako.

“Sabi ko, bakit gano’n? Parang naka-limit lang sa buong Asia yung market nila e, puwedeng-puwede sila as long as bago yung music nila at hindi pa nai-record or na-expose sa radio, hindi pa bumebenta.

“Yung mga nakatago sa baul nila na kanta na hindi pa nailalabas, puwede.”

Ayon kay Arnel, dapat raw ay English ang compositions na ilalahok ng mga band contestants sa competition.

Uudyukin din ba ni Arnel sina Ely Buendia, Bamboo at ang Rivermaya na sumali sa competition?

Aniya, “Ay, hindi. Nakakahiya naman kasi parang sobrang professional na sila at iniidolo ko sila bilang mga songwriters. So, teka.

“You know, let the concept speak for itself. Yun na lang ang mag-offer sa kanila. If they like it, they’re welcome to join.”



SHARING HIS BLESSINGS. Isa ba ito sa mga paraan para ibalik ni Arnel ang blessings na natamo niya sa kanyang career?

Agad niyang pag-amin, “Oo, naglaro ito sa akin noong 2008. Tapos, I met Rene Walter and Laura [Sanchez, of Sanre Entertainment] three years ago. Ito yung sinabi ko sa kanila. May ini-offer sila sa akin.

“Sabi ko, you know what? This is a much better concept na kailangan nating magawa.”

Nabanggit ba ni Arnel ang ideya na ito sa mga kasamahan niya sa Journey?

“Alam nila ito, they’re aware. They also know na three years ago pa, kinu-cook-up ko na ito. I think they were actually happy about it. They’re giving their support.

“Baka sumama ang Journey para mag-judge dito,” saad pa niya.



FAIR JUDGING. Dahil Pinoy si Arnel at concept niya ang contest, hindi ba siya nag-aalala na baka masabihan na may bias sa kumpetisyon lalo’t kapag umangat ang isang Pinoy contestant?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paliwanag niya, “Alam mo, tao talaga ang boboto sa kanila, e. Walang tweaking ito.

“Kung sino ang... halimbawa kung tumatagilid ang isa dahil mas malakas sa amin yung isang band. Walang gano’n.

“Kailangan talaga ang tao ang mag-decide kung sino ang malakas at kung sino ang powerful ang music and appearance talaga.”

May bearing rin ba ang judges sa pagpili ng winner?

“Ay, naku, magmula sa umpisa hanggang sa huli. May mga judges for the First 50 Most Voted.

“Meron din tayo for the 20 Most Voted hanggang makarating tayo sa 10. Yung 10 na yun, kahit saang lugar pa galing, paliliparin natin for the final live performance,” pahayag pa ni Arnel.



SOLO EFFORTS. Nabanggit ni Arnel na hanggang 2016 ang pananatili niya sa Journey. May mga lumalabas na espekulasyon na lilisanin na raw niya ang banda para sa kanyang solo career.

Paliwanag ni Arnel tungkol dito, “Kasi magkakaroon ng long hiatus ang banda. Tapos after that, kung meron pang demand sa market for Journey appearance sa stage siguro, we’ll go on and play more.”

During that hiatus will he do a solo recording?

“Yes, actually, I’m doing it now,” tukoy niya sa Christmas album na nasimulan na raw niya at ire-release rin agad sa market pagkatapos.

Dugtong pa niya, “Actually, lahat naman kami ng member sa Journey we are allowed to do it. Okey naman.

“Nauna na nga si Mr. Neil Schon [guitarist]. Meron na siyang album out there. Ako naman ang susunod at Deen [Castronovo, drummer] is working on his own [album].”

Iniisip pa raw ni Arnel kung sa sarili niyang record label ipapangalan ang solo album pero aniya, siguradong sa isang local record label niya ito ipapa-release para mas madali.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN