PBB All-In alumnus Manolo Pedrosa on his newfound stardom: “Sobrang iba na po ang buhay ko, but it’s worth the experience po.”

PBB All-In alumnus Manolo Pedrosa strives to improve his talents now that he’s a full-fledged Kapamilya star: “Kasi noong nasa PBB pa po ako, compared sa ibang housemates, parang wala akong talents like singing and dancing. I’ll try to prove rin po na kung noong una, wala akong talent, I’ll try to prove po na I’m improving.”


Kung meron mang isa sa mga PBB All-In housemates na naging sobrang busy mula nang lumabas sa PBB house, ito ay walang iba kung hindi ang tinaguriang “Wonder Son ng Quezon City” na si Manolo Pedrosa.

Marami ang humula noong nasa loob ito ng PBB house na posible raw na ito ang tatanghaling big winner, pero, hindi man siya ang pinalad na manalo, sa mga magagandang oportunidad na nangyayari sa career ng 17-taong-gulang na si Manolo ay masasabing waging-wagi na rin siya.

Noong Biyernes ng gabi ay nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa ABS-CBN compound si Manolo ilang minuto bago ito magpunta sa isang engagement sa eskuwelahan sa Pasay.

Nakangiting snagot ni Manolo ng “Sobrang happy po,” nang kumustahin namin siya, makalipas ang ilang buwan na wala na nga siya sa loob ng bahay ni Kuya.

Sabi pa niya, “Masaya po talaga, pero at the same time, nami-miss ko rin po ang PBB. Pero yun po, sobrang happy po ako kasi, maraming dumating na blessing po.”

Pagkatapos ng PBB, mukhang wala na yata siyang naging pahinga?

“Opo nga, kay Kuya Jun [Reyes, his manager/handler] po, medyo fully booked na po. Hanggang December po, naka-book na po,” dugtong niya.

NEW LIFE. Ibang-iba na nga ang naging takbo ng buhay niya noong hindi pa siya pumapasok sa loob ng PBB house. Bagamat nakakagawa na siya ng ilang TV commercials noon, ibang-iba ngayong artista na nga siya.

Lahad niya, “Sobrang iba po talaga, because of PBB, hindi na po ako nag-i-school. Sobrang iba na po ang buhay ko, but it’s worth the experience po.

“I’m testing it also if it’s for me.”

Ano pa ang mga nabago sa kanya?

“Yun nga po, hindi na po ako nag-i-school. Yung support din po ng mga tao,” nakangiti niyang sabi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi niya nami-miss yung buhay niya na nag-aaral lang siya sa La Salle?

Ani Manolo, “Nami-miss po, lalo na yung mga batchmates ko.”

Pero mas masaya ba siya ngayon?

Saad niya, “Opo, pero in a different [way].”

STILL HONING HIS TALENTS. Isa nga si Manolo sa masasabing bagong teen star ng Kapamilya network na halos lahat daw ng mall shows o out-of-town na puntahan nito ay marami ang nagkakagulong fans.

Anong pakiramdam niya sa ganun?

“Yun po, artista na po ako,” natawa niyang sabi.

“Pero I try to still be the same as I was before PBB.”

Ano pa ang pangarap niya ngayong sabi nga niya, artista na siya?

Pakli niya, “Noong una po, noong bago pa mag-PBB, gusto ko po talagang maging businessman. Pero ngayon po, iba na po ang circumstances, hindi ko na po alam.

“I’m finding out what’s good for me. Ngayon po, sana magtagal pa po ako sa showbiz.”

Pero paano niya maipapakita sa lahat na hindi lang siya “another pretty face” sa showbiz?

Pahayag ni Manolo, “Siguro po sa attitude, I’ll try my best na hindi maging mayabang. Sa talent naman po, kasi noong nasa PBB pa po ako, compared sa ibang housemates, parang wala akong talents like singing and dancing.

“I’ll try my best to hone my singing and dancing din po and of course, to improve my acting. I’ll try to prove rin po na kung noong una, wala akong talent, I’ll try to prove po na I’m improving.”

HAWAK-KAMAY EXPERIENCE. Nakasama rin siya agad sa primetime series na Hawak-Kamay, silang dalawa ni Maris Racal.

Ayon kay Manolo, “Actually po, noong makapasok po ako sa Hawak-Kamay, sobrang kinakabahan po ako.

“Yun nga po, primetime show, tapos nandoon si Piolo Pascual. Sobrang kinakabahan po ako but at the same time, sobrang happy, blessed po ako na may opportunity po ako sa show na yun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi ba siya nailang na ang mga katrabaho o kabatuhan niya ng linya ay sina Piolo Pascual at Iza Calzado?

Sabi niya, “Mabait po sila. Minsan, nahihiya po ako sa kanila, pero sila pa rin ang pumapansin sa akin kahit na nahihiya ako sa kanila.”

Sa Hawak-Kamay, silang dalawa ni Maris ang masasabing magka-loveteam. Pero marami pa ring Kapamilya girls ang nali-link sa kanya.

May Janella Salvador, meron na rin Miles Ocampo, at iba pa.

Kung siya ang tatanungin, sino sa mga ito ang mas pipiliin niyang maging ka-loveteam?

Tugon niya, “Si Maris po, kasi magkasama kami sa Hawak-Kamay at nag-bond na rin kami sa PBB.

“Pero si Janella naman po, nakasama ko na po sa Maala-ala Mo Kaya.

“Pero medyo naiilang pa rin po ako noong MMK, kasi experienced actress na po siya, ako naman po, baguhan pa lang po.”

Kinumpirma na rin ni Manolo na may gagawin nga silang teleserye ni Janella. Dahil sa mataas na ratings na naitala ng episode nila sa MMK, posibleng naisipan na bigyan na sila ng sariling serye ng network.

Ang posibleng title raw ng serye nilang dalawa ay O.M.G. na magsisimula nang mag-taping ngayong November.

BASHERS. Dahil marami ngang naipapareha sa kanya at nali-link, may kanya-kanyang bugso rin ng tagahanga na gusto siyang makita bilang loveteam.

May mga nangba-bash na rin dahil mas gusto si Maris para sa kanya. Meron namang mas gusto si Janella.

Anong reaksiyon niya sa ganoon?

“Siguro ano po, ganoon talaga ang showbiz, marami talagang loveteam-loveteam.

“It’s up to the show na lang po sana kung sino ang ka-loveteam ko pero sana po, kahit sino, sana po, suportahan,” hiling niya.

THANKSGIVING. Kahapon naman, October 25 ay nagkaroon ng birthday/thanksgiving si Manolo kasama ang pamilya, kaibigan, at mga tagahanga niya.

Simula raw nang lumabas ito sa PBB, parang yun pa lang ang magiging pagkakataon niya na magpasalamat sa lahat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi nga niya, “Siyempre sa PBB, hindi ko alam na ang lakas ng suporta nila sa akin, so it’s time to give back.”

Ano ang birthday wish niya?

“Siguro po, more opportunities to come and with all those opportunities, sana po, humble pa rin ako, down-to-earth throughout the years,” panalangin ng bagong Kapamilya star.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN