Ex-PBB housemate Manolo Pedrosa admits he’s still a virgin

Seventeen-year old Manolo Pedrosa admits he’s never had a girlfriend: “Hindi pa po ako nagkaka-girlfriend, never pa po. Sa tingin ko po kasi, too young pa po.”


Ipinahayag ni Manolo Pedrosa na sobra siyang overwhelmed sa nangyayari ngayon sa kanyang showbiz career matapos maging bahagi ng Pinoy Big Brother (PBB) All-In ng ABS-CBN.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang tsinitong binatilyo sa 17th birthday celebration niya na ginanap sa Club Filipino last Saturday, October 25, kunsaan ipinahayag ni Manolo ang kagalakan niya sa mga blessings na dumarating sa kanya ngayon.

“Sobrang saya po sa blessings, na binigyan pa po ulit ako ng opportunity sa O.M.G. na dito’y makakasama ko ulit si Janella [Salvador],” panimulang kuwento sa amin ni Manolo na ang tinutukoy ay ang bagong TV series ng ABS-CBN kunsaan isa siya sa mga lead stars.

“Bale second [team-up] namin ni Janella together, yung una po yung sa MMK [Maalaala Mo Kaya] po.

“Overwhelmed po ako talaga sa nangyayari sa career ko at hindi ko po talaga ito inaasahan,” dagdag pa niya.

BIRTHDAY/THANKSGIVING CELEBRATION. Ano ang birthday wish niya?

“My wish po na… I will continue po to have a good life na kahit nasa showbiz na ako, na I’m getting more opportunities, ay magiging humble pa rin ako, magiging down-to-earth pa rin ako. Iyon lang po.”

October 20 talaga ang birthday ni Manolo, pero ngayon lang ginawa ang celebration.

Nagpahayag din siya ng pasasalamat sa kanyang fans sa matinding suportang ibinibigay nila.

“Sobrang happy po na yung naririnig ko yung mga positive comments, sobrang nata-touch po ako na… grabe!

“Parang… ang worth it pala na yung mga ginawa ko sa PBB, worth it lahat sa mga sinasabi ng mga fans ko. So, sobrang happy po ako,” nakangiting pahayag niya.

COURTING MARIS? May balak ba siyang ituloy ang panliligaw niya kay Maris Racal sa labas ng PBB?

“Ah, hindi naman po ako nanliligaw sa kanya sa loob, e. Ano lang, like-like lang po, gano’n po.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kumusta naman ang friendship nila ni Maris ngayong nakalabas na sila sa Bahay ni Kuya?

“Ayun, sa Hawak-Kamay po, kami po yung love team. So we bonded more po.

“Noong nasa house (PBB) we bonded so much, tapos sa Hawak-Kamay, we bonded more po.”

Nasabi rin ni Manolo na sobrang masaya siya sa opportunity na makatrabaho si Piolo Pascual sa naturang show.

“Sobrang proud po ako na nakasama ako sa isang primetime show. Iyon po kasi ang show na paglabas ko sa PBB ay nakasama ako.

“Sobrang nagulat talaga ako, kasi po primetime ito, at kasama ko pa si Piolo [Pascual].

“Kaya sobrang happy and blessed po ako.”

Kung sakali, gusto ba niyang sundan ang yapak ng isang Piolo Pascual sa showbiz?

“Siguro po, kapag binigyan ako ng opportunity na ganoon, katulad kay Piolo, opo.

“Kasi maganda ang career ni Piolo at magaling siya and sobrang sikat po ni Piolo.”

NETWORK FAVORITE? Anong feeling ni Manolo na among the housemates, mukhang siya talagang pinu-push ng ABS-CBN?

“Hayun po, sobrang happy po ako, blessed po ako.

“’Di ko na-realize na [dahil] sa PBB, mabibigyan po ako ng mga opportunities na ganito. So sobrang happy po ako,” sabi pa ng binatilyo.

Kung tutuusin, parang naunahan pa niya si Daniel Matsunaga na magkaroon ng regular show.

“Opo, pero si Daniel po ay artista na naman siya. So parang mayroon na po siyang show before.”

Hindi ba nanibago si Manolo sa paglabas niya noon sa Bahay ni Kuya?

Sabi niya, “Sobra po, kasi sobrang hirap po yung acting. Mahirap po talaga siya, maraming requirements, maraming kailangang gawin po.

“So it wasn’t what I was expecting when I was inside po.”

Nasabi rin niya na pansamantala muna siyang huminto sa pag-aaral.

Pagkumpirma niya, “Opo, this year po. Kasi late enrollee na po ako. So my mom filed a leave of absence for one year po. Pero next year, I’ll go back.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Manolo ay fourth year high school sa La Salle Greenhills.

WILLING TO LEARN MORE. Sinabi rin niya na medyo kulang pa talaga siya pagdating sa acting, pero handa naman daw siyang matuto pa.

“Opo, totoo naman po yun, kasi kalalabas ko lang naman po ng PBB and tapos ’di po ako nag-workshop before PBB.

“So It’s normal for me. Sa tingin ko I tried my best (MMK) and kahit hindi na-meet yung expectation ng fans ay okay lang po sa akin. Kasi I’ll do my best to learn more talaga.”

May nag-usisa rin kay Manolo kung naramdaman ba niya na type daw siya ni Fifth Pagotan—ang PBB housemate na umamin sa kanyang pagka-bisexual.

“Type po ba niya ako? Hindi ko po alam, hindi ko po alam,” nakatawang saad ni Manolo.

Kung halimbawang type siya nito, tuloy pa rin kaya ang friendship nila?

“Opo, opo!” Nakangiting sagot niya.

Kung may kaibigan siya na nagsabi na, ‘Pare, mahal mo ba ako?’ Ano ang gagawin niya?

Tumawa muna si Manolo, bago sumagot.

Aniya, “Siguro po, mahal in a friendly way. Siyempre hindi naman po yung ano… and hindi ko naman po lalayuan.”

DREAM LEADING LADIES. Pagdating naman sa mga gusto niyang makaparehang young stars bukod kay Janella, ito ang sinabi ng six-footer na young actor.

Ani Manolo, “Iyong mga teenagers po na tulad nina Julia Barretto at Kathryn Bernardo.

“Kasi po, sila iyong mga ka-age ko po, kaya sila iyong mga gusto ko makatrabaho po.”

Inamin din ni Manolo na bago siya pumasok sa showbiz, crush daw niya talaga si Julia Barretto.

“Si Julia Barretto po ang showbiz crush ko, kasi nagagandahan ako kay Julia,” matipid na sagot pa niya.

READY FOR INTRIGUES. Pagdating naman sa mga intriga sa showbiz, sinabi rin ni Manolo na handa siya sa mga bagay na ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Opo, handang-handa na po ako sa mga intriga sa showbiz. May mga nagsasabi nga po na bakla raw ako, gano’n…

“Pero okay lang po iyon, kasi sabi nila, normal lang daw yun sa showbiz,” lahad niya.

Sa naturang panayam din, inamin ni Manolo na hindi pa siya nagkakaroon ng girlfriend at virgin pa siya.

“Hindi pa po ako nagkaka-girlfriend, never pa po. Sa tingin ko po kasi, too young pa po.”

So, he has never been kissed?

“Ang mommy ko po, na-kiss na niya ako,” pabirong saad niya.

“Of course po, virgin pa ako! Rated PG naman po ang tanong ninyo,” nakatawang wika ni Manolo.

Nang usisain pa ng ibang press kung paano niya patutunayan na lalaki talaga siya, sinabi ni Manolo na sigurado siya sa kanyang gender.

“Kasi po... I get attracted to girls. And I think, hindi ko na po kailangang patunayan sa iba na lalaki ako,” nakangiting pagtatapos ni Manolo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN