Pinoy Fear Factor winner Jommy Teotico busted for drugs

Huli sa akto na gumagamit ng marijuana ang Pinoy Fear Factor winner na si Jommy Teotico sa San Pedro, Laguna, noong October 23.


Inaresto sa San Pedro City, Laguna, noong Huwebes, October 23, ang Pinoy Fear Factor grand winner na si Jommy Teotico.

Kinasuhan ang reality game show winner dahil sa aktong paggamit ng ipinagbabawal na droga.

Naganap ang pag-arestro kay Jommy sa Barangay San Vicente, San Pedro City.

Naaresto siya sa bahay ng kanyang live-in partner, ang ex-housemate ng Pinoy Big Brother Teen Edition na si Jamilla Obispo.

Napag-alamang seven months pregnant ngayon si Jamilla sa anak nila ni Jommy.

Ayon sa acting police chief na si Supt. Cecilio Ison, Jr., caught in the act si Teotico sa paggamit ng marijuana at nasa kanyang possession ang ilan pang drug paraphernalia.

Naghain ng drug charges laban kay Jommy sa San Pedro City Prosecutor’s Office noong Biyernes, October 24.

Sa Instagram account naman ni Jommy ay nag-post siya noon ng tungkol sa pagsuporta at paggamit niya ng marijuana:

“The people who are against Marijuana are the same people who have box knowledge, which means anything beyond school and television is not real from them. They need news to tell them that its right or wrong they don’t want to think because its time consuming to research the truth so they just sat on their couch and watch tv. Do your Homework READ A LOT. #HelpEducateMisinformedPeople #jommyteotico #STONERthoughts #THINKwhileitsstillLEGAL --- Yes Or No?”

Ang profile photo naman niya sa kanyang Twitter at Instagram account ay may may imahe ng marijuana leaves.

Nakilala si Jommy Teotico dahil sa pagkapanalo niya sa franchise reality show na Pinoy Fear Factor—na umere noong November 10, 2008 hanggang February 20, 2009—sa ABS-CBN

Ginanap sa Buenos Aires, Argentina, ang naturang reality game show.

Tinalo ni Jommy ang mga nakalaban niyang sina Janna Dominguez, Manuel Chua, Phoemela Baranda, LJ Moreno, Jose Sarasola, at Ram Sagad.

Napanalunan ni Jommy ang premyong P2 million.

Naging contract artist si Jommy ng ABS-CBN at lumabas siya sa mga programang George and Cecil, Love Me Again, Kung Tayo’y Magkakalayo, Guns & Roses, Nasaan Ka Elisa?, Angelito: Batang Ama, Imortal, Wako-Wako, Pintada, at Toda Max.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Lumabas din siya sa mga pelikulang And I Love You So, Cinco, at Won’t Last A Day Without You.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN