Arnel Pineda believes Charice will be able to bounce back

Arnel Pineda on why he will never join singing competitions again: "Kasi makaka-meet ka ng isang Simon Cowell [former American Idol judge] na sasabihin how ugly your song is. Kasi, ikaw na nga lang yung kaisa-isang naniniwala sa sarili mo, and then suddenly, isang Simon Cowell ang idi-destroy yung paniniwala mong yun."


Hindi naniniwala si Arnel Pineda na tuluyan nang malulugmok ang career ni Charice Pempengco ngayong nababato ng samu’t saring isyu ang international singer dulot ng paglalantad niya ng tunay niyang pagkatao—ang pagiging lesbian o tomboy.

Kapwa sumikat sa international music scene sina Arnel at Charice, partikular na sa American music arena.

Si Arnel ay ilang taon nang lead vocalist ng rock band na Journey at nakapag-tour na rin sa iba’t ibang panig ng mundo.

Kahit naiiba ang hitsura ni Arnel bilang Asian sa buong miyembro ng Journey na pawang mga puti, minahal at tinangkilik siya ng kanilang mga manonood na iba’t iba ang lahi.

Si Charice naman ay lumikha ng pangalan nang suportahan siya ng Queen of Talk na si Oprah Winfrey matapos itong mag-guest sa programa ng huli.

Naging regular guest ni David Forster si Charice sa lahat ng shows at concerts nito sa buong mundo kung saan humamig ng papuri ang petite Pinay singer.

Ang iba pang achievements ni Charice sa American entertainment scene ay ang pagkakaroon ng solo record album, duet with Andrea Bocelli, appearance sa Celine Dion’s Through the Eyes of the World concert tour, appearance sa musical TV series na Glee, at mga pelikulang Alvin and the Chipmunks at Here Come The Boom.

Sa gitna ng kasikatan at controversy sa pamilya ni Charice ay bigla niyang inilantad ang kanyang pagiging lesbian.

Dito nagkaroon ng malaking pagbabago sa naging tingin ng marami sa Pinay singer, lalo na sa sarili nitong bansa.

START BELIEVING. Sa exclusive interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Arnel, matapos ang presscon proper para sa Asian Music Camp reality-band competition, kahapon, October 25, na ginanap sa Garden Ballroom ng EDSA Shangri-la Hotel, sinabi ng Pinoy singer na masaya siya sa pagiging honest ni Charice sa kanyang sarili.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad ni Arnel, “Actually, I’m very happy na honest na siya ngayon sa sarili niya at sa mga tao.

“Well, maraming hindi naging masaya sa ginawa niya, pero marami naman ang naging masaya na ‘tulad ko.

“Well, inilabas niya kung ano ba siya talaga sa mundong ito.

“Siguro sa akin, masasabi ko lang, kailangan lang niyang mag-continue sa sinimulan niya.

“Yung kung ano ang persona na ipinapakita niya sa tao at kung anong klase ng music na gusto niyang iparanig sa ating mga kababayan at sa buong mundo.

“Kasi yun siya, e.

“And I think it’s just a matter of time... ganun naman ang cycle ng buhay sa mundo.

“Kung lumamig man, siguro kung galing siya sa down ngayon, tataas na uli siya.

“She just have to start believing in herself ngayon.”

Sa opinyon niya, naapektuhan ba talaga ang career ni Charice dahil sa nag-iba ang paningin sa kanya ng mga Pinoy?

Tugon ni Arnel, “Sa tingin ng tao, ganun ang nangyayari.

"Pero, I think, sa akin, it’s best na lumabas na siyang ganyan.

“I’m happy for her.

“Ituloy na lang niya yung pag-awit niya. Kasi napakagaling niyang singer.”

Sikat pa ba sa Amerika si Charice?

Sagot ni Arnel, “Hindi ko na siya nasusundan, e, because I was busy with my tour with Journey.

“Imagine, like this year, nakatapos kami ng fifty-nine shows.

“Sunud-sunod yun. Wala na akong time to watch other ano…”

Hindi kaya dahil malaki ang turnabout na ginawa ni Charice, hindi gaya ng ibang personalities abroad o sa U.S. na umaming lesbian o bading pero nanatili sa kung ano ang hitsura nila?

Komento ni Arnel, “somehow,” na ang tinutukoy nito ay epekto sa image ni Charice.

“Sa ibang tao, nakita nila na parang na-off, e.

“Pero sa akin talaga, honesty is the best.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ilalagay mo ‘yan sa malaking trouble ng career mo, ang importante, kumportable ka sa sarili mo.

“You don’t have to pretend everytime you go out of your house, e.

“Parang sasabihin mo, ‘Eto na naman, I have to be another person.’

“Ngayon, in and out of the house, si Charice siya kung sinuman siya.

“I don’t think Charice is a very stupid girl, alam niya ang ginagawa niya.

“Kung meron siyang kailangang gawin, now is the time kung ano yung kailangan niyang gawin, kung ano yung missing formula para ma-revive niya yung career niya na sinasabi ng tao na lumamig.

“Pero nandiyan yung back-up ng tao na naniniwala sa kanya.

“She just have to figure out what’s missing.”

JOURNEY MEMBER. Pagdating sa karera ni Arnel, nananatili pa rin siyang lead vocalist ng Journey.

Kinontra ni Arniel ang sinasabi ng ilan na parang wala nang Pinoy singer na sumunod sa kanya na napabilang sa isang iconic band at sumikat.

"Naku, marami ‘yan!" bulalas niya.

“Kaya nga etong Asian Music Camp, binubuo natin para mailabas natin yung mga aspiring musicians saan mang dako pa ’yan ng Asia.

“Kaya challenge ito sa atin.”

Bakit hindi na lang Arnel Pineda Music Camp sa halip na Asian Music Camp gayong brainchild niya ang project na ito?

“Kasi mas gusto kong maging global yung ma-reach niya,” paliwanag niya.

Baka naman marami ang ma-disappoint na mga Pilipino kapag hindi sila ang manalo?

Saad niya, “I’m hoping na hindi sila ma-disappoint kasi this is a very special concept.

"Ito, hindi na lang tayo magiging domestic popularity, dito magiging global na tayo.

"Yung aura natin as a band, Pilipino man o may half-Asian blood, iba na yung dating, pang-international na ang dating.”

Paano ang ginawa niya para magkaroon ng magandang relasyon sa mga kabanda niya sa Journey?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Arnel, “Naku, maraming pagsisikap ito, maraming discipline.

"I have to do a lot of discipline sa sarili ko.

"Marami akong kailangang iwasan, marami akong rituals na kailangan kong gawin every now and then.

“I have to be aware doon sa mga ginagawa ko na nakakaapekto sa boses ko.

“Like, bisyo, completely out of drugs ka na. Off limits ka na diyan...”

Kasama ba sa hirap ng pinagdaanan niya ay yung mga argumento nila ng mga kabanda niya? O yung mga pagbabagong gusto nilang gawin sa style ng pagkanta niya at kung anu-ano pa?

“Of course, kasama ‘yan.

“Kasi nung dinatnan ko sila, made na sila, e. They’re legacy already.

“Siyempre, marami akong ginagawa na in-impose minsan, yung pagiging original ko, yung pagiging Arnel ko.

“Pero siyempre, gusto nila, kung ano yung lagi kong i-incorporate ay kung ano yung iniwang footprints ni Steve Perry.”

Nag-a-adjust pa rin ba siya sa sitwasyon niya?

“Of course, nag-a-adjust pa rin ako.

“Kasi siyempre, babalik ako dito, makikipag-usap na naman ako ng Tagalog.

“Pagbalik dun, kailangan maging slang na naman ako. So, medyo okey-okey na yung slang ko.

“’Pag tumagal-tagal ako, parang English-Pinoy na naman ako.”

TALENT SHOWS. Marami ang nagtatanong kung bakit sa laki ng pangalan ni Arnel sa music industry, hindi siya nagdya-judge sa mga singing competition dito, gaya na lamang sa franchise ng The Voice o Pilipinas Got Talent.

Kuwento ni Arnel, inalok na siya sa para sa The Voice, pero hindi ito natuloy.

“Hindi ko naman siya natanggihan.

“Actually, inoohan ko siya, in a way, na puwede siya.

“Pero nung napag-usapan na namin yung time, hindi ako aabot.

“I think, it would be unfair to them na tatanggapin ko, ‘tapos I will only be able to serve them in a such short span of time.

“Siyempre, ’pag inoohan ko ‘yan, I have to be with them all the way e, ma-fulfill ko yung trabaho.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bubuo ng isang singing competition si Arnel pero matapos siyang sumali noon ay hindi na raw niya pinangarap na umulit uli.

Saad niya, “To tell you honestly, that’s the most dreaded situation that I would like to avoid.

"Kasi talagang hindi ko kaya yung scrutiny ng mga judges at ng mga tao.

“I’ve done it but because yung tatay ko, when I was young, lagi akong bina-blackmail, hinu-hostage ako, pinipilit ako para sumali.

“Pero never in a million years na sasali ako katulad ng ginagawa sa Amerika, like American Idol, X Factor.

“Kasi it really takes a solid, genuine guts para magawa mo yun.”

Kaya raw malaki ang respeto niya sa mga contestant ng singing competitions dahil sa lakas ng loob ng mga ito.

“Kasi makaka-meet ka ng isang Simon Cowell [former American Idol judge] na sasabihin how ugly your song is.

“Kasi, ikaw na nga lang yung kaisa-isang naniniwala sa sarili mo, and then suddenly, isang Simon Cowell ang idi-destroy yung paniniwala mong yun.

“Parang sa kanta ng Eraserheads na ‘just a little respect’!” natatawa niyang sabi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN