Solenn Heussaff prefers secret wedding over publicized wedding: "Hindi ko type, e. Hindi ako showbiz."

Marriage is not in the cards yet for Solenn Heussaff whose relationship with live-in partner Nico Bolzico appears to be going strong, "Wala pa pero, kung meron man, hindi ako... it’s gonna be private."


Umiwas na ang Kapuso actress-TV host na si Solenn Heussaff na pag-usapan ang tungkol sa ex-boyfriend niyang si Derek Ramsay dahil wala naman daw siyang kinalaman sa kung ano ang nangyayari sa buhay nito ngayon.

Minsan na raw siyang nagsalita tungkol sa kanilang nakaraan, at tama na raw iyon.

May kanya-kanya na raw silang buhay at masaya naman siya sa piling ng kanyang live-in partner, ang Argentinian model-businessman na si Nico Bolzico.

Magkasamang dumalo sina Solenn at Nico sa red-carpet premiere ng pelikulang Blood Ransom, na ginanap sa Newport Mall, sa Resorts World Manila, noong October 25, para suportahan ang kaibigan niyang si Anne Curtis na bida sa pelikula.

Nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entetainment Portal) kung ano ang masasabi niya sa balitang nagkaayos na sina Derek at ang estranged wife nitong si Mary Christine Jolly, tumangging magbigay ng komento si Solenn.

"What about? No, nothing about that issue," pakiusap ng Kapuso star.

Sa halip ay pinag-usapan namin ang tungkol sa kanila ni Nico, na escort niya noong gabing iyon at sweet na sweet sa kanya.

First time ba niyang nakasama ito sa ganitong okasyon?

Tugon ni Solenn, "We’ve been out together in public before, alam naman ng mga tao.

"Pero I prefer him not be in the showbiz light, at kahit siya, hindi niya gusto.

"But since in English ang movie, at least, we decided to attend na. Maiintindihan niya ang movie."

Excited nga raw itong mapanood si Anne onscreen.

Baling na tanong ni Solenn kay Nico, na katabi lang niya sa upuan ng main theater, "Are you excited to watch the film?"

Sagot ni Nico, "Yeah, I’m pretty excited."

Sabi naman ni Solenn, "We’re here to support Anne."

Pero hindi raw panonoorin ni Nico ang pelikula ni Solenn na T’yanak.

Pambubuking ni Solenn, "No, he’s not going to watch kasi it’s in Tagalog, mabu-bore lang siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"He will not understand naman.

"’Pag may English movie ako, I’ll make him find time."

WEDDING PLANS. Kasunod nito ay napag-usapan namin ang tungkol sa kanilang relasyon.

Aminado naman si Solenn na matagal na silang live-in ni Nico. Wala pa ba silang planong magpakasal?

Sagot niya, "Wala pa, pero kung meron man, hindi ako... it’s gonna be private.

"Baka mag-secret wedding din kami."

Naging balita sa showbiz ang secret wedding nina Jennica Garcia at Alwyn Uytingco at nina Nadine Samonte at Richard Chua.

Maging si Solenn pala ay ganito rin ang gustong mangyari.

"A, oo. Ayoko nang pa-PR, PR [public relations].

"Hindi ko type, e. Hindi ako showbiz."

Pero sa ngayon ay hindi pa rin daw nila ito naiisip ni Nico.

"Wala, I’m enjoying... go with the flow.

"’Pag meron, it’s gonna be private, nothing.

"We’ll see in the future, pero no, not now."

Wala ba silang balak na mauna ang baby bago kasal?

"Ah, no... not now din. We’ll see," sabi ni Solenn.

ANNE CURTIS. Gusto na rin ba niyang makitang ikasal ang kapatid na si Erwan Heussaff kay Anne Curtis?

Nakangiting sagot niya, "Ah, yeah! They’re perfect together, ’di ba?

"Yeah, I love Anne to be my sister-in-law, sobrang vibes kaming dalawa.

"But I think, mana sila sa amin ni Nico na they aren’t in a rush.

"Tama lang yun, they both should enjoy each other first as a couple, their careers, kasi ang daming opportunities para sa kanilang dalawa.

"I think naman they both love each other, they’ll stick together."

May hot love scene sa Blood Ransom si Anne sa leading man niyang si Alexander Dreymon.

Ano sa palagay ni Solenn ang magiging reaksiyon ng kanyang kapatid kapag napanood ito?

Natawang sabi niya, "I really don’t know... maybe he’ll cover his face?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I think they both agreed upon naman bago ginawa ’yan ni Anne, so no big deal.

"That’s why he’s here. Kasi he knows kung ano ang makikita niya, ’di ba?"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN