Rhian Ramos bent on settling down at the age of 35

Rhian Ramos: "I’m really not in a hurry to get in a relationship. Siguro, if I get in another relationship in my 20s, he’s gonna have to be a very patient guy because talagang 35 pa yung gusto ko, e!"


Natapos na noong Oktubre 3 ang ika-24 na kaarawan ng Kapuso actress na si Rhian Ramos, pero nagsagawa pa rin siya ng charity works kaugnay ng selebrasyon ng kanyang birthday.

Noong Biyernes, Oktubre 24, ay nagpa-party siya kasama ang mga lolo at lola ng Golden Reception and Action Center for the Elderly and other Special Cases (GRACES), isang home for the aged institution sa Bago Bantay, Quezon City.

Nang sumunod na araw, Oktubre 25, ay mga batang maysakit sa Child Haus naman ang kanyang pinasaya.

Katulong ni Rhian sa pag-organisa ng charity events na ito ang kanyang management team sa Primeline with support mula sa kanyang sponsors.

May kung ilang taon na ring ginagawa ni Rhian ang charity events para sa mga bata ng Child Haus. Pangalawang taon naman niya sa mga matatanda ng GRACES.

“Every year, I try to throw a children’s party.

“Pero last year kasi, yung gift ng fans ko sa akin ay nag-set sila ng party dito sa GRACES.

"And sobrang na-enjoy ko siya, so gusto ko na siyang gawin every year.

“I’m so touched kasi, I think, I have a soft spot talaga in my heart for lolos and lolas,” sabi ni Rhian nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa GRACES.

Ano ang naibibigay na kasiyahan sa kanya ng paggawa ng charity works tuwing birthday niya?

Tugon ng aktres, “Well, ako, mas masaya for me to celebrate with them.

"Kasi, I mean, yung mga friends mo naman will always be there and willing naman sila to spend anytime with you any time of the year.

“Pero ‘pag birthday ko, I want to spend it with the kids and grandparents, kasi parang mas naa-appreciate nila yung party na dinadala namin sa GRACES at sa Child Haus.

“Mas nae-enjoy nung kids, mas nae-enjoy nung grandparents.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, it makes me happy, they make me happy also.”



GIFT OF TIME. Ano naman ang natanggap niyang pinakaespesyal na regalo para sa birthday niya?

Ayon kay Rhian, “Time with the people that I love.

“I got to have not just one but about three dinners na siguro with family and friends.

“I was able to celebrate in a small restaurant in BF [Parañaque] where it was just my mom, my sister, and about five friends.

“And then, I had another celebration with the racers and some of the people involved in the Vios Cup [car racing event], who has become my very good friends also.

“So, it was just very nice to spend time with people that I’ve come to like.”

Speaking of racing, naintriga siya kamakailan dahil sa pagkaka-link niya sa isang racer na diumano’y nanliligaw daw sa kanya. Ano ang masasabi niya rito?

“I don’t know, maybe… I have no plans of answering that’s not from a credible source, so never mind,” sabi ni Rhian.



DREAM OF PUTTING UP HER OWN FASHION COLLECTION. Ano ang ini-expect niyang ma-achieve sa panibagong taon ng kanyang buhay?

Saad ni Rhian, “Ako, this coming year, I see that it’s gonna be a year of a lot of discoveries.

"Parang maraming changes, I think, na mangyayari this year for me.

“Also, I’ve been putting it off, parang sasabihin ko sa sarili ko, ‘Okay, I’m gonna take sewing lessons na,’ ganyan and then may papasok na show, so on hold.

“But now na katatapos lang ng My Destiny, I really got to do it and start my sewing lessons already bago pa biglang may pumasok ulit na project.”

Bakit pananahi ang gusto niyang matutunan?

Paliwanag niya, “Oo, kasi before I took up basic fashion design, basic pattern making, so I just wanna learn how to sew para lahat ng parts ng process or yung buong process ng paggawa ng clothes, alam ko na.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isa raw kasi sa mga pangarap niya ngayon ang maging part-time fashion designer at mag-put up ng sarili niyang koleksiyon ng mga damit.

Parang na-imbibe niya raw ang role niyang si Joy sa My Destiny na nananahi rin.

“Oo nga, e, parang pareho kami ng dreams.

"Eventually, I want to come out with my own collection.

“Pero I want to make sure na talagang may knowledge ako every step of the way.

“Ayoko nung medyo half-baked lang. Ayoko nung idu-draw ko ‘tapos iba ang gagawa.”

Anong collection ang gusto niyang gawin?

“I’d go for the streetwear, casual. Hindi ko kasi masyadong passion yung formal wear, yung avant garde.”



NEXT GMA PROJECT. Pagkatapos ng My Destiny, ano na ang susunod na gagawin ni Rhian sa GMA Network?

Aniya, “There’s one being discusse, pero it’s in the very early stages, and I’m not sure if I can talk about it yet.

“But we haven’t made our decision yet.”

Pero it’s another teleserye?

“Yeah.”



TO MARRY AT 35. Usung-uso sa showbiz ngayon ang celebrity couples na magpapakasal na.

Kahit walang nababalitaan na may bagong lovelife si Rhian, hindi naman daw siya naiinggit sa mga gusto nang magpakasal.

Sabi niya, “Hindi naman.

“Ako kasi, ang ideal marrying age ko is 35.

"So, talagang I’m really not in a hurry, that’s more than ten years from now.

“So, I’m really not in a hurry to get in a relationship.

“Siguro, if I get in another relationship in my 20s, he’s gonna have to be a very patient guy because talagang 35 pa yung gusto ko, e!”

Pero nakikipag-date ba siya ngayon?

Sagot ni Rhian, “I’m dating a little but, you know, I can’t really get into it because my head, parang as much as I wanna see someone, I can’t din, because in my head, I’m focused on other things.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And then, it’s kind of a hassle to explain when you… if you start seeing someone and then ‘Oh, by the way, I really can’t get into it talaga.’

“So, parang, you know, I just don’t take it seriously now, I don’t think about the lovelife part.”

Bakit ganito na ang pananaw niya sa pakikipagrelasyon? Dahil ba ito sa mga naranasan niya sa mga nagdaan niyang relasyon noon?

Pag-amin ni Rhian, “Yeah, I guess.

“Parang, I think, the last thing lang na I want to happen right now…

“Let’s say I get involved, I’m not ready to take one step up, ‘tapos he is—that concept kind of scares me.

“So, I’d like to take it really super-duper slow.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN