Ritz Azul feels pressure to keep up with her hunky leading men: "So, dapat sexy din ako!"

Isa raw sa bucket list ni Ritz Azul ay manalo ng acting award. Sabi ng Kapatid actress, “Siyempre, gusto ko ring magka-award, siyempre at least may trophy ka. Pero hindi ko ini-expect na magkakaroon ako ng best actress. Ayokong ma-disappoint kung mag-e-expect pa ako. Mas maganda yung surprise.”


Pasok sa listahan ng FHM 100 Sexiest at YES! 100 Most Beautiful ngayong taon ang TV5 Talent Center artist na si Ritz Azul.

Dahil sa angking kagandahan at kaseksihan ng Kapatid actress kaya pawang guwapo at hunk na mga aktor din ang nagiging leading men niya sa kanyang recent TV projects.

Una na nga riyan si Derek Ramsay sa Kidlat at For Love Or Money.

Sa Misibis Bay ay tatlong hunks naman ang nag-agawan sa kanya—sina Vin Abrenica, Victor Silayan, at Daniel Matsunaga.

Sa latest niyang show sa TV5, ang primetime mini-series na Wattpad Presents The Savage Casanova—na magsisimulang umere ngayong gabi Oktubre 27—ay isa na namang hunk ang katambal niya sa katauhan ni Edward Mendez, kasama pa sina Victor Basa at Luke Jickain.

Ano ang masasabi ni Ritz na pawang mga hunk actors ang ipinapareha sa kanya?

“Oo nga, sabi ko, busog na busog ako dito!” biro ni Ritz.

“Ang saya lang, kasi si Edward, nakatrabaho ko na siya sa For Love Or Money.

"Si Victor Basa naman sa Mga Nagbabagang Bulaklak, and then si Luke sa Misibis Bay.

“So, parang reunion nga yung nangyari.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ritz sa pocket presscon ng Wattpad Presents The Savage Casanova noong Oktubre 23, sa TV5 Media Center sa Reliance St., Mandaluyong City.

Mas nararamdaman ba niya ang pagiging seksi dahil sa pagkakaroon ng hunk partners?

Sagot ni Ritz, “Sa totoo lang, nai-intimidate ako, parang nape-pressure ako kasi ang ha-hunk nila.

“So, dapat sexy din ako, makikibagay ako sa kanila, parang ganun.”

So, nagpa-sexy din siya sa mini-series?

“Abangan na lang nila. Medyo may pagka-sexy.”



LOVE CAN WAIT. Paano niya ilalarawan sina Edward, Victor, at Luke?

Ayon kay Ritz, “Si Edward, siya yung nakikita kong medyo may pagkaseryoso kasi hindi siya masyadong madaldal.

“Si Victor Basa, ngayon ko lang siya nakilala na may pagka-childish pala siya, yung tawa siya nang tawa, kuwento nang kuwento, ganun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“’Tapos si Luke naman, nakakatawa siyang kasama, kasi parang magka-utak din kami, picture kami nang picture.

“Kanina nga lang, nag-selfie kami... masaya.”

Hindi ba siya nagwo-worry na baka ma-link siya sa kanyang co-actors?

Ayon sa Kapatid actress, “Hindi naman, kasi professional naman kaming lahat dito.

“At saka alam naman ng mga tao na focus talaga ako sa career ko ngayon.”

Hindi naman daw siya naghahanap ng boyfriend ngayon.

“Hindi naman, darating sila.”

Pero ano ba’ng hinahanap niya sa isang guy?

Saad ni Ritz, “Unang-una, siyempre gusto ko yung malinis yung hitsura.

“Siyempre ‘pag malinis, guwapo na siya para sa akin.

“Mas matangkad sa akin, siguro minimum of 5’9”.”

Kailangan ba artista?

“Not necessarily.”

Director?

“Okay lang!” sabay tawa ni Ritz.



GB SAMPEDRO. Speaking of director, binasted niya nga ba si Direk GB Sampedro sa panliligaw nito sa kanya?

Paglilinaw ng dalaga, “Hindi ko siya binasted. Lahat ng chances nasa kanya pa rin.

“Kaya lang, nung umpisa pa lang, sinabi ko na sa kanya na focus muna ako sa career ko.”

Pero may komunikasyon pa ba sila?

“Actually, magka-text at tumawag lang siya sa akin last week.”

So, hindi na ba itutuloy ni Direk GB ang panliligaw sa kanya?

“Hindi ko alam. Nandiyan pa rin naman siya.”

BUCKET LIST. Ang role ni Ritz sa Savage Casanova ay si Moira na mada-diagnose na may taning na ang buhay kaya naman gumawa siya ng bucket list ng mga gagawin niya bago siya mamatay.

Kung sa totoong buhay ay mangyayari sa kanya ito at gagawa rin siya ng bucket list, anu-ano ang gusto niyang gawin bago siya mamatay?

Sabi ni Ritz, “Gusto kong mag-parachute.

“Gusto ko yung mga weird na bagay. Yung from the air, yung skydiving.

“’Tapos mag-mountain climbing… basta yung mga extreme talaga yung gusto kong gawin.”

Ilalagay niya rin ba sa listahan yung makahanap ng boyfriend and "make love" tulad ng character niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Make love? Naku!” bulalas niya.

“Naawa naman ako kung magkaanak ako doon, nakakaawa naman siya kung wala siyang nanay [‘pag namatay na ako].

“Yung sa boyfriend? Depende kung may dumating, e, di go, bahala na.

“Siguro makikipag-casual-casual-an ako. Hindi naman wild, siguro friendly.

“Ngayon kasi, hindi ako ganung ka-friendly at nakikipag-flirt.

“Siguro ita-try ko ring makipag-flirt kung ganun yung mangyayari sa akin.”

Willing din ba siyang gawin ang makipag-deal na ikasal?

“Kung sa totoong buhay? Puwede, puwede, may chance.

“Pero depende doon sa tao nga kung okay siya at willing din siya.

“Kung pogi rin naman siya [katulad ni Edward] at may bakery siya sa katawan, e, di go!

“Ang dami ko nang nakitang tinapay. Busog na busog ako!” biro ni Ritz patungkol sa abs ng kanyang leading man.

Kasama rin daw sa bucket list ni Ritz ay ang matupad ang pangarap niyang maging beauty queen.

Sa ngayon daw ay hindi pa niya magawang sumali sa beauty pageant dahil marami pa raw plano ang TV5 sa kanya.

“Nag-uusap pa kami ng management. Nasa plan din ng network yun na one day siguro daw isasali nila ako.

“Well, pangarap ko rin yun, nasa bucket list ko rin yun,” sabi ni Ritz.

Sa huling mga sandali raw ng kanyang buhay ay gusto niya ring magpasaya ng mga bata.

“Gusto ko rin mag-spend ng day with the kids, parang charity work para sa kids.”

Sa career naman, gusto niyang gampanan ang kanyang dream role.

Saad ni Ritz, “Siyempre gusto ko ngang makagawa ng dream role ko na action. Yung parang Lara Croft [Tomb Raider].

“Gusto kong mas makilala pa sana as magaling na artista.

“Siyempre, gusto ko ring magka-award, siyempre at least may trophy ka.

"Pero hindi ko ini-expect na magkakaroon ako ng best actress.

“Ayokong ma-disappoint kung mag-e-expect pa ako. Mas maganda yung surprise.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN