Angeline Quinto on relationship status with Erik Santos: "Hindi pa po kami."

"Alam naman ng lahat na isa po si Erik sa nagpapasaya sa akin. So, yun na muna," says Angeline Quinto about rumored boyfriend Erik Santos in an interview with PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) earlier today, October 27.


Inihayag ni Angeline Quinto na si Erik Santos pa rin ang natatanging lalaking malapit sa puso niya ngayon.

Ganunpaman, wala pa rin silang pormal na relasyon sa kabila ng patuloy na pagkakamabutihan nila.

Pahayag ni Angeline, “Actually, happy naman ako kung anumang meron ako ngayon.

“Alam naman ng lahat na isa po si Erik sa nagpapasaya sa akin. So, yun na muna.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Angeline pagkatapos ng bloggers conference para sa Beauty In A Bottle, na ginanap sa Star Cinema office, ngayong araw, October 27.

Habang kausap ng PEP si Angeline, isa sa mga kasama ng singer-actress ang pumansin sa suot na gold ring ng singer-actress.

Kaya’t biniro si Angeline na baka kay Erik nanggaling ang naturang singsing.

Sagot naman ng Beauty In A Bottle star, “Galing sa isang fan ko. Kapag galing kay Erik, may bato!”

Ang totoo ay hindi pa raw talaga sila ni Erik.

“Hindi pa po [kami]. Sasabihin ko naman po kapag kami na,” sabi ni Angeline.

Dahil sa kanyang single status, naikuwento ng Kapamilya singer-actress na may ibang pang lalaking inirereto sa kanya.

“Si Ate Vice [Ganda] ang madalas ganyan sa akin. Hindi ko malaman [kung bakit].

“Actually, nung Star Magic Ball nga, may gusto siyang dalawang escort ko na maging.

“Sabi pa ni Ate Vice, ‘I-try mo lang naman.’

“Hindi ko kilala. Friend niya daw, e.”

Hindi maalala ni Angeline ang eksaktong pangalan ng lalaki, pero nabanggit niya na winner ng Mr. Chinatown 2014 ang inirereto ni Vice Ganda sa kanya.

Tila ang tinutukoy ni Angeline ay si Kurt Ong, na nagkaroon ng guest appearance sa Gandang Gabi Vice (GGV), noong nakaraang buwan.

Sabi pa ni Angeline, “Nanalo yata sa Mr. Chinatown. Pero hindi pa naman kami nagmi-meet nang personal.

“So, siguro kay Ate Vice ko rin siya makikilala.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tinanong ng PEP si Angeline kung interesado pa siyang makilala kung sino man ang mga lalaking inirereto sa kanya.

Ngunit iginiit ng singer-actress na malaki pa rin ang lamang ni Erik na itinuturing niyang higit pa sa isang kaibigan.

“Siguro bilang kaibigan, okey naman [may bago akong makilala]. Pero kung magiging relationship ulit, siguro huwag muna.

“Kasi nag-e-enjoy lang din ako everytime na magkasama kami ni Erik Santos, e.”

Kailan kaya magiging handa si Angeline na pumasok sa isang relasyon?

Sagot ng 24-year-old singer-actress, “Sa totoo lang, ang dami ko pa talagang gagawin ngayon.

“So, alam din ni Erik na mas kailangan ko ng maraming trabaho.

“Lahat naman tayo kailangan nun. So, dun muna.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN