Michelle Van Eimeren to doubters of her closeness to Regine Velasquez: “Kung ayaw maniwala na close kami, problema niyo ’yon.”

Masaya na raw si Michelle Van Eimeren ngayon sa kanyang buhay kasama ang kanyang mga anak at asawa, kaya wala siyang dahilan para hindi maging masaya para sa dating asawang si Ogie Alcasid at sa misis nitong si Regine Velasquez.


Hindi iniintindi ni Michelle Van Eimeren ang mga taong pinagdududahan ang closeness nila ni Regine Velasquez.

Si Regine ang kasalukuyang asawa ni Ogie Alcasid, na dating mister naman ni Michelle.

Samantala, si Michelle naman ay ikinasal muli sa Australian ding si Mark Morrow.

Dalawa ang naging anak ni Ogie kay Michelle, sina Leila at Sarah; habang ang anak naman ng singer-comedian kay Regine ay si Nate.

Sa second part ng guest appearance ni Michelle sa Sarap Diva, ang morning weekend program ni Regine sa GMA Network, inilahad ni Michelle kung bakit nanatili silang malapit ni Regine kahit na nagmahal sila sa iisang lalaki.

Paliwanag ng former beauty queen, na matatas pa rin sa pagsasalita ng wikang Filipino, “Kasi, feeling natural naman sa akin, e.

"At alam mo, ’pag meron naman sasabihin about Regine na hindi kami totoo na kaibigan or whatever, medyo inis na lang ako."

Very vocal si Michelle sa pagsasabing mahal niya si Regine bilang kaibigan at kapamilya.

“Kasi talagang napakamabait na tao siya. She’s tunay.

"Napakabait sa lahat ng tao at yung mga laging kasama sa kanya, alam na ‘yan, pati yung mga fans niya, alam na mabait siya.

"She would do anything to help people.

“Alam ko naman lahat ng ibang tao dito, hindi nila makita ’yon, pero it’s not my problem.

“Kung ayaw maniniwala na close kami, e, di problema niyo ’yon.

“Ako kasi, family ko ‘to, e, and she’s very important to me, and I like having her in my life.”

Ipinaliwanag din ng dating Miss Universe candidate na marami silang pagkakatulad ng Asia’s Songbird.

“It’s really nice to raise kids and to [be a] family with someone else who gets it.

“She’s also going through the same thing.

“So what if we both loved the same guy at different times in our lives?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“We’re the same kind of persons.

"We’re both interested in arts, we’re both medyo crazy."

Tungkol naman sa dati niyang asawang si Ogie, ayon kay Michelle, isang kapatid ang tingin niya ngayon dito.

“When I look at Ogie, he’s like a brother to me, and I really love him but as a brother.

"I’m in love with my husband [Mark]. He’s the sweetest man and he’s really bagay for me."

Dagdag pa ni Michelle, “So I have no reason to feel anything.

"And I’m happy for Regine and I’m happy for Ogie, and I love that little boy [Nate].

“My two girls, they have this gorgeous little brother, and napakaimportante sa akin ang masaya ang mga anak namin.

"So, kailangan, whatever parents have to do, dapat you just work it out para the kids can be with their whole family."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN