Jolina Magdangal returns to ABS-CBN after 12 years

Jolina Magdangal on returning to ABS-CBN: "Kinakabahan pa rin ako. Parang umpisa kasi ulit. Pero at the same time, kampante ako kasi sila yun. Kaya naman sobrang excited ano sa project na ibinigay nila."


Kumpirmado na ang pagbabalik ni Jolina Magdangal sa bakuran ng ABS-CBN.

Nagkaayos na sa pagitan ng management team ni Jolina at ng pamunuan ng ABS-CBN para sa pagbabalik ng actress/singer/TV host sa orihinal nitong tahanan.

Ang unang proyekto ni Jolina sa Kapamilya network ay ang daytime soap na Flordeliza, na siyang papalit sa timeslot ng highly-successful na Be Careful With My Heart nina Jodi Sta. Maria at Richard Yap.

Ito rin ang magsisilbing reunion project ni Jolina at ng kanyang original loveteam partner na si Marvin Agustin.

Nagsimula ang showbiz career ni Jolina sa ABS-CBN noong 1992, sa pamamagitan ng youth-oriented show na Ang TV.

Ngunit pagkalipas ng sampung taon, noong 2002, ay nagdesisyon si Jolina na lumipat sa GMA Network.

Ngayong buwan, October 2014, nagtapos ang kontrata ni Jolina sa Kapuso network.

Ngunit ilang buwan bago ito ay may mga balita nang posible siyang bumalik sa ABS-CBN.

Bagamat hindi sumasagot si Jolina tungkol sa balitang ito, ngayong araw, October 27, ay nakumpirma ang pagbabalik niya sa Kapamilya network.

Sa exclusive interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ngayong gabi, sinabi ni Jolina na nagulat na lang siya nang sabihin sa kanya ng manager niyang si Perry Lansigan na magpe-first taping day na siya para sa Flordeliza.



Nakausap ng PEP si Jolina sa pamamagitan ng telepono habang nasa taping siya.

Ano ang pakiramdam na balik-ABS-CBN na siya?

Ayon sa 35-year-old actress-singer, "Unang-una, thankful ako sa ABS para sa tiwala.

“Dahil, after all these years, iba pa rin ang ibinigay nilang pag-aasikaso sa akin.

"Kinakabahan pa rin ako. Parang umpisa kasi ulit.

“Pero at the same time, kampante ako kasi sila yun.

“Kaya naman sobrang excited ano sa project na ibinigay nila."



LEAVING GMA. Ang huling proyekto ni Jolina sa GMA ay ang musical-variety show na Sunday All Stars at ang huli naman niyang drama series doon ay Ang Mundo Mo’y Akin noong 2013.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kumusta naman ang naging pag-alis niya sa GMA? Nakapagpaalam ba siya nang maayos?

Saad ni Jolina, "Okey naman, nakapagpaalam ako nang maayos at masaya sila para sa akin.

“Kaya sobra akong nagpapasalamat sa Diyos.

"Happy sila sa kung anuman daw ang bago kong tatahakin.

"Gusto ko ulit magpasalamat sa kanila para sa 12 years na pag-alaga nila sa akin."

Ngayong balik-Kapamilya siya, anu-ano naman ang mga inaasahan niya?

Sagot ni Jolina, "Ang makasama at makatrabaho ko ulit ang mga kaibigan ko noon at ang mga bagong magiging kaibigan ko ngayon."



REUNION WITH MARVIN. Gaya ng nabanggit, magkakasama muli sina Jolina at Marvin sa Flordeliza.

Matatandaang ilang taon pagkatapos lumipat ni Jolina sa GMA ay sumunod din sa kanya si Marvin kaya nagkasama rin sila sa ilang proyekto doon, kabilang na ang primetime series na I Luv NY noong 2006.

Ang direktor naman ng Flordeliza ay si Wenn Deramas, na nakatrabaho na rin ni Jolina noon sa mga proyekto niya sa ABS-CBN.

Ano ang pakiramdam na makasamang muli si Marvin at gayundin si Direk Wenn?

Sabi ni Jolina, "Kakaibang Marvin-Jolina ang makikita nila dito. Abangan na lang.

"Excited ako to work with Marvin again, lalo na kay Direk Wenn na twelve years kong hindi nakasama at siya rin ang huli kong nakatrabaho na director sa Star Cinema."

Ngayon gabi rin ay nag-post si Jolina sa Instagram (mariajolina_ig) ng mensaheng ito na may caption na: “Always will. Have faith.🙏 Happy monday everyone. Long day for me today and im thankful.🙏 #proven #quote #inspiration #repost”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN