Rico Blanco on doing a TV series: "It’s something exciting, kaya lang nakakapagod po talaga."

“Exciting kaya lang ’yong schedule mo... If I do this, that means I have to do less music,” Rico Blanco says about doing a TV series.


Natutuwa ang singer-songwriter na si Rico Blanco dahil gagamitin ang isa sa mga original composition niya, ang “Liwanag sa Dilim,” para sa ginagawang pelikula ng APT Productions.

“They used my song as a theme and title. I think, inspiration din nila when they were writing it,” pagbabalita ni Rico nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters sa press conference ng concert nila nina Yeng Constantino at Gloc-9, ang ICON: The Concert, kahapon, October 27.

Bukod sa paggamit ng kanyang kanta, na sumikat noong bahagi pa siya ng bandang Rivermaya, magiging bahagi rin si Rico ng nasabing pelikula.

Ang Liwanag sa Dilim ay pagbibidahan ng magka-loveteam na sina Bea Binene at Jake Vargas, at ididirehe naman ni Richard Somes.

Paglalarawan ni Rico sa pelikula, “Kung iisipin mo, it’s a horror film. But I saw how Direk Richard was working.

“It’s really like an ode to their provincial life, from the Negros region, my parents also.

“Parang match siya ng provincial life then there’s takutan.

“Ang dynamic nun, people who came from Manila, kung ano ang impression nila sa province; at the same time, impression ng mga taga-province kapag may dumarating na taga-Manila.

“There’s so many angles in the movie that it will be too simplistic to say that it’s a horror film.”

Bukod kina Bea at Jake, makakasama rin daw sa pelikula sina Sarah Lahbati at Sunshine Cruz.

Nakatakdang ipalabas ang Liwanag sa Dilim sa 2015.



ON DOING TV SHOWS AGAIN. Bukod sa pagiging singer, nakilala na rin bilang actor si Rico sa pamamagitan ng mga teleserye ng ABS-CBN na Imortal (2010) at May Isang Pangarap (2013).

Hindi na ba masusundan ang pag-arte niya sa isang teleserye?

Napaisip at napailing nang bahagya si Rico, sabay sabing, “Kasi parang kapag may ginagawa akong serye, napapagod talaga ako, ’tapos nauubos talaga ang oras ko.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Para kay Rico, mas marami sana siyang magagawa kung hindi nasasayang ang oras sa taping.

Aniya, “You think you can do other things kapag sinabing [Monday, Wednesday, Friday] lang naman [ang taping].

“Pero parang wala ka talagang nagagawa kasi, the next day, nakakauwi ka 8 A.M., ’tapos out of town.

"[Pag-uwi mo] parang may sakit ka na, so huwag ka na lang gumalaw para hindi matuloy ang lagnat mo.”

Gayunman, minsan ay nalilito pa rin daw si Rico kung gusto niyang gumawa ulit ng teleserye o ituon na lamang ang atensiyon niya sa musika.

Saad niya, “Parang after nun, lagi kong sinasabi, ayaw ko na.

“Pero after a while, gusto ko rin, kasi it’s something that I really enjoy.

“I enjoy the creative part and working with a team, and you’re creating something na hindi lang ikaw.

“It’s like having bandmates, ’di ba? It’s something exciting, kaya lang nakakapagod po talaga.”

Sa kabila ng isyung ito, masaya naman daw si Rico dahil magaganda ang mga role na ibinibigay sa kanya.

“To be fair po sa mga ino-offer nila sa aking project, parang alam naman po nila ang mga type of project na gusto ko.

“Parang binibigyan naman ako ng actor’s role, na parang napa-flatter nga ako dahil sa tingin nila, made-deliver ko,” pahayag ni Rico.

Pagkatapos ay inulit niya na tila may panghihinayang, “Yung schedule lang talaga.

“Exciting kaya lang yung schedule mo... if I do this, that means I have to do less music.

“Like I said kanina, limited din talaga ang time mo sa mundo to create.”

Samantala, kung mayroon man daw siyang gustong subukan na bago, ito ay ang pagiging bahagi ng isang variety show.

“I actually wanna do live TV. That’s what I wanna do now, like, a noontime show.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“That’s also something different to make people happy.

“I haven’t really talked to anyone yet, ngayon lang.

"Parang naisip ko, it’s also something I would enjoy doing," pagtatapos ni Rico.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN