Christian Bautista spends 33rd birthday working

Ipinagdiwang ni Christian Bautista ang kanyang ika-33 kaarawan noong October 19 sa pamamagitan ng pagiging abala niya sa trabaho rito sa Pilipinas at sa Indonesia.


Last October 19 ay nagdiwang ng kanyang 33rd birthday ang Kapuso singer na si Christian Bautista.

Kakaiba raw ang nangyaring celebration kaugnay nito kumpara sa kanyang mga nakaraang kaarawan.

Kuwento ni Christian sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “It was actually a work celebration.

“Ang ganda, kasi sa Marian, nagkaroon kami ng full dance number with Marian [Rivera] and Julie [Anne San Jose] that I never did in my life.

“Yung talagang dance lang, ha, na walang kanta.

“’Tapos nag-number din ako sa Sunday All Stars.

“And then, first time ko ring pumunta sa Philippine Arena.

“Kumanta ako ng halftime show sa PBA, sa laban ng KIA at ng Blackwater.

“I was tensed, super-laki!” pagtukoy niya sa Philippine Arena.

Patuloy ng singer, “And the after that, pumunta ako sa Indonesia to sing for MNC TV, 25th anniversary nila. In-invite nila ako doon.

“Meron ding Malaysian singer, and then Indonesians, ‘tapos an Indian singer.

“Kasi parang small ASEAN [Association of Southeast Asian Nations] event na rin iyon.

“Saglit lang ako sa Indonesia, in and out lang. Parang nagpunta lang ako ng Cebu!

“So, talagang fulfilling na worth… birthday.”

PROJECTS IN GMA. May mga projects na siyang ginawa sa Indonesia noon, hindi ba?

Sagot niya, “Yes, I did a TV show there, and a movie also, yung A Special Symphony.”

Open ba siya sakaling may offers ulit sa kanya doon?

Sabi ni Christian, “Right now, I’m concentrating here in GMA.

“I thank God I have three shows here now—yung Marian, Sunday All Stars, and Strawberry Lane.

“So, medyo dito muna ako hanggang December.”

Kahit magkaroon ng offers ulit sa kanya to do projects in Indonesia, hindi pa pala siya puwede dahil sa commitments niya rito?

“Mahirap, oo. If ever, it has to be like… so big siguro.”

Kahit support lang ang kanyang role sa Strawberry Lane, nag-e-enjoy raw si Christian sa taping nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ito rin ang unang ginawa niyang teleserye na wala siyang love interest.

“Para maiba naman, kasi the focus naman is more on the kids, e. It’s really more of their story. And that’s totally fine,” sabi ni Christian.

Mga bida sa Strawberry Lane sina Bea Binene, Joyce Ching, Kim Rodriguez, at Joanna Marie Tan.

NEW SINGLE. Noong Linggo naman, October 26, ay nag-launch si Christian ng bago niyang single sa Sunday All Stars.

Ito ay ang “Up Where We Belong” na siyang theme song ng bagong Koreanovela ng GMA Network na Empress Qi.

Sabi ni Christian, “It’s my first single sa new album ko under Universal Records called Soundtrack.

“It’s a remake album ng mga favorite theme songs of movies.

“At kasama na rin dun yung song from Seasons of Love na isa pang GMA series… it’s a good, good, new, offbeat, fun OPM song.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN