Elmo Magalona surprises girlfriend Janine Gutierrez by admitting their relationship

Elmo Magalona on working with girlfriend Janine Gutierrez: “Siyempre, iba ang experience kapag katrabaho mo ang mahal mo. Nakakasama mo siya. Siyempre, kapag may trabaho, most of the time mo sa isang linggo, doon napupunta. At least, nakakasama mo ang taong gusto mong makasama sa mga araw na yun, blessing na rin.”


Itinanggi ni Elmo Magalona na nagsimula ang relasyon nila ng kasintahang si Janine Gutierrez habang ginagawa nila noon ang afternoon soap na Villa Quintana.

Sabi ng actor-rapper, “Hindi pa po, nagsimula yun noong pagkatapos ng Villa…”

May gusto na siya kay Janine noon pa man?

“Sino ba ang hindi magkakagusto kay Janine, sa totoo lang, ‘di ba?” sagot ni Elmo.

Mas naging kampante siya nang maging sila na?

“Opo, mas naging kampante naman ako, mas open.

“Mas open ang relationship namin at saka nakakagaan sa loob.”

Nakatulong ba sa relasyon nila ni Janine ang onscreen team-up nila?

“Siyempre, iba ang experience kapag katrabaho mo ang mahal mo. Nakakasama mo siya.

“Siyempre, kapag may trabaho, most of the time mo sa isang linggo, doon napupunta.

“At least, nakakasama mo ang taong gusto mong makasama sa mga araw na yun, blessing na rin.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press sa si Elmo sa press conference ng bagong teleserye nila ni Janine, ang More Than Words, kaninang tanghali, October 28, sa 17th floor ng GMA Network Center.



NOT THEIR PLAN. Inamin nina Elmo at Janine ang kanilang relasyon sa pocket presscon ng More Than Words noong October 9.

Read: Elmo Magalona admits real score with Janine Gutierrez: "Yes, kami na!"

Ayon sa ilang miyembro ng press na naroon, napilitan lang umamin ang dalawa dahil sa sunud-sunod na tanong sa kanila ng reporters noon. Pero wala raw talaga sa plano nila ang umamin.

Paliwanag ni Elmo, “Hindi naman talaga plinano.

“Pero ‘tulad naman ng lahat ng ginagawa ko, hindi ko pinaplano ang mga bagay.”

Pero totoo bang hindi sana sila aamin?

Sabi ni Elmo, “Hindi naman talaga namin pinag-usapan. Gusto ko lang din i-surprise si Janine.

“At saka, sa lalaki naman talaga manggagaling ang balita kung kami na.”

Tumanggi namang sabihin ni Elmo kung kailan opisyal na naging sila ni Janine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang importante, masaya kami ngayon. Yun lang ang importante, inamin ko na kami na.”

Paano sila mag-celebrate ng monthsary nila?

“Well, mahilig kasi kami sa mga simpleng bagay lang. Lalabas kami, kakain kami.

“Yung nakakatanggal lang ng oras sa trabaho, yung maiba lang sa trabaho.”



FIRST TRIP ABROAD. Nakalabas na rin ng bansa sina Janine at Elmo dahil noong August ay nagbakasyon sila sa Hong Kong at nagpunta sa Disneyland.

“First trip together po namin. May iba rin kaming mga kasama.”

Ano ang pakiramdam ng una nilang travel sa ibang bansa?

Sabi ni Elmo, “Masaya ako kasi isa sa mga dreams ni Janine ay makarating sa Disneyland. Masaya ako na natupad ko ang pangarap niya.”

Treat daw ni Elmo sa girlfriend ang biyahe nilang iyon.

Lumabas ang pagiging galante niya kay Janine?

“Palagi naman akong galante!” natawang sabi ng binata.

“Treat ko lang din kasi super-naglabas kami ng effort noong magkasama kami sa Villa Quintana.”

Ano pa ang mga gusto niyang tuparing pangarap ni Janine?

Saad ni Elmo, “Well, siyempre, nangyayari na ngayon—yung pagiging successful niya.

“Sunud-sunod na simula noong pag-start niya sa Villa… kailan lang, nag-host siya ng Miss World.

“Nakikita ko na excited din siya sa nangyayari sa career niya.

“At yun din ang wish ko para sa kanya—maging successful pa.”



JANINE’S PARENTS. Masaya rin si Elmo dahil may tiwala naman daw sa kanya ang mga magulang ni Janine na sina Ramon Christopher at Lotlot de Leon.

“Happy naman ako na pinayagan kami ng parents ni Janine. Pinayagan kaming lumabas.

"At first time din ni Janine na out of the country.

“Yung trust nila sa akin, masaya ako,” sabi ni Elmo.

Ngayon lang daw ulit nakalabas ng bansa si Janine dahil baby pa raw ito nang huling magbiyahe sa ibang bansa.

Isa pa sa ikinatuwa ni Elmo ay nang malaman niyang naging masaya si Lotlot nang inamin niya ang relasyon nila ni Janine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Masaya naman po ako na yun ang reaksiyon niya. Akala ko, iba ang reaksiyon niya.

“Nabasa ko pa nga yung Twitter niya. May pinabasa sa akin si Janine na, ’I’m so happy for you.’”

Kumusta naman ang relasyon ng mommy niyang si Pia Magalona kay Janine?

Sabi ni Elmo, “My mom, she super loves Janine! Nakikita yung pagiging mabait niya.

“At saka, binibigyan naman niya ko ng freedom sa relationship. Basta siya, sa work lang.”



LAUREN YOUNG. Sa hiwalay na panayam ng PEP sa rumored ex-girlfriend ni Elmo na si Lauren Young, sinabi nitong hindi na nabalik yung dating closeness nila ng young actor. Hindi na rin daw sila nag-uusap.

Sabi naman ni Elmo tungkol dito, “Mas close naman talaga siya sa mga kapatid ko.”

Pero naging very close din naman sila ni Lauren, ‘di ba?

“Naging very close kami, pero matagal na yun.”

Wala siyang ginagawa para maging okey sila dahil sina Lauren at Janine?

Sabi ni Elmo, “Ako kasi, hindi ako nagpaplano ng mga bagay-bagay.

“Gusto ko, kung sakali, mangyayari na lang.

“Kapag nagkita naman, nagha-hi kami.”

Okay lang bang kung magkatrabaho silang tatlo sa isang proyekto?

Nakangiting sabi niya, “Wala namang ganun.

“Hindi naman puwedeng hindi kami mag-work professionally.

“Sa tingin ko, ngayon, okey pa naman ako sa work ko, masaya naman ako.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN