Janine Gutierrez feels relieved after boyfriend Elmo Magalona admitted their relationship

How did Janine Gutierrez feel after Elmo Magalona admitted their relationship? She says, “Actually, sobrang positive ng nararamdaman ko after niyang umamin. Parang hindi ko na kailangang mag-isip sa interview kung how much can I say.”


Magkahalong gulat at saya raw ang naramdaman ni Janine Gutierrez, 25, nang aminin na ng boyfriend niyang si Elmo Magalona, 20, ang tungkol sa kanilang relasyon.

Matatandaang sa nakaraang pocket press conference ng bago nilang teleserye, ang More Than Words, bigla na lang inamin ni Elmo na girlfriend na niya ang dalagang anak nina Lotlot de Leon at Ramon Christopher.

Ito ay pagkatapos ng ilang buwang pagtanggi sa tunay na estado ng kanilang relasyon.

Read: Elmo Magalona admits real score with Janine Gutierrez: "Yes, kami na!"

“Nabigla rin ako roon kasi wala naman kaming napag-usapan, so nagulat lang din ako,” sabi ni Janine nang makauusap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters sa grand press conference ng More Than Words kaninang tanghali, October 28.

Pero pag-amin niya, “Siyempre, I was flattered because he’s okay to tell people, ’di ba?

"Siyempre, nakaka-flatter ’yon for a girl.

“’Tapos, feeling ko, ang saya niya na he’s with me."

Mabuti na rin daw ang ginawang pag-amin ni Elmo.

Ani Janine, “Actually, sobrang positive ng nararamdaman ko after niyang umamin.

"Parang hindi ko na kailangang mag-isip sa interview kung how much can I say."



NOT INTENTIONAL. Ayon kay Janine, “a few months” na ang relasyon nila ni Elmo.

Nagsimula raw lumalim ang kanilang pagkakamabutihan pagkatapos ng soap opera nilang Villa Quintana.

Dahil hindi inaasahan ang naging pag-amin ni Elmo, tinanong ng PEP kung plano nilang itago talaga sa publiko ang kanilang relasyon.

Paglilinaw ni Janine, “Hindi naman intentional na itinago.

“Parang siyempre, it’s super new, gusto mo na sa ’yo na lang muna ’yon, ’di ba?

“Kasi kapag marami na ang nakakaalam, baka yun na lang palagi ang itanong, katulad ngayon.

“We just wanted to keep it to ourselves for a while para kami lang muna.”

Sa kabila nito, naniniwala si Janine na mabuti ang magiging epekto ng relasyon nila ni Elmo sa kani-kanilang career.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, “I think marami rin namang iba na umaamin din.

“Lucky for me and Elmo na loveteam din kami. So, it’s not a problem for our work.

“I don’t think it will be a problem, kasi we get to help each other out sa trabaho.

"At saka pareho kami ng mga pinagdadaanan, so mas madali kaming nagkakaintindihan."



OKAY WITH FOLKS. Samantala, aprubado raw ng mga magulang ni Janine na sina Ramon Christopher at Lotlot ang relasyon nila ni Elmo.

Saad ng Kapuso actress, “My parents are very supportive [of our relationship] kasi kilala din nila si Elmo, e.

“Hindi naman siya yung biglaan lang na nag-appear sa buhay nila.

“Napakilala ko rin siya nang maayos and they have spent time together on special occasions.

“Pati Mamita [Pilita Corales], she really likes Elmo.

“So, nagpapasalamat din ako na talagang tinanggap din nila kung anuman yung mayroon kami."

Maayos din daw ang relasyon ni Janine sa ina at talent manager ni Elmo na si Pia Magalona.

Sa katunayan, sabi ni Janine, “Very thankful ako kasi si Tita Pia, very supportive po siya sa akin.

“Like, noong nag-host po ako ng Miss World, nag-text po siya sa akin.

“Naa-appreciate ko po yung maliliit na bagay na ganun, kasi si Tita Pia, since matagal na rin siya sa industriya bilang manager, pinagkakatiwalaan ko rin yung mga opinyon niya.

“At saka, I’m so thankful na yung pamilya ni Elmo is very nice towards me.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN