Senator Bong Revilla insists his multi-million-peso assets are not ill-gotten wealth

“I have not been proven guilty by the Sandiganbayan and yet the lawyers of the Ombudsman are now moving heaven and earth to garnish my assets, which are the legitimate fruits of my labor as an action star of more than 20 years,” says Senator Bong Revilla, who is currently facing plunder charges due to his alleged involvement in the pork barrel scam.


Nanindigan si Senator Bong Revilla na wala siyang ninakaw na pera mula sa kaban ng bayan sa kabila ng kasong plunder na kinahaharap niya ngayon.

Lakas-loob na inihayag ng senador na handa siyang ibigay ang lahat ang umano’y pinaghirapan niyang kayamanan, kung sakaling mapatunayang siya ay guilty sa mga alegasyong ibinibintang sa kanya.

“Ibibigay ko lahat ng kayamanan ko kung mapapatunayan niyo at makakapaglabas kayo ng ebidensiya.

“Alalahanin niyo, kahit singkong duling ay wala pa kayong napapatunayan na ninakaw ko,” saad ni Senator Revilla, base sa ulat ng GMA News Online kahapon, October 28.

Sabi pa niya, “I have not been proven guilty by the Sandiganbayan and yet the lawyers of the Ombudsman are now moving heaven and earth to garnish my assets, which are the legitimate fruits of my labor as an action star of more than 20 years.”

Kaugnay ito ng mosyong inihain ng government prosecutors sa Sandigabayan na i-garnish o kumpiskahin ang ari-arian ni Senator Revilla na nagkakahalaga ng mahigit P224 million.

Ito ay sa kadahilanang katumbas diumano ang naturang yaman ng senador mula sa kickback na nakuha nito sa pakikipagtransaksiyon kay Janet Lim-Napoles, ang itinuturing na pork barrel scam mastermind.

Ayon sa Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN) ni Senator Revilla noong 2012, ang kanyang net worth ay nagkakahalaga ng P168 million at mayroon siyang total assets na P251.77 million.

Ang P79.8 million dito ay real properties habang P171.9 million ang personal properties.

SENATOR REVILLA’S ALLEGED DUBIOUS BANK TRANSACTIONS. Sa ginanap na pagdinig para sa petition for bail ni Senator Revilla noong October 9, naghain ang Anti-Money Laundering Council (AMLC) bank investigator na si Atty. Leigh Von Santos ng report tungkol sa bank transactions ng senador at ng “immediate family” nito.

Nakasaad dito na mula April 6, 2006 hanggang April 2010 ay mayroong bank deposits at investments si Senator Revilla na may kabuuang halaga na mahigit P87 million.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang naturang bank deposits ay tugma diumano sa tinanggap na komisyon ng senador “within 30 days” mula sa pakikipagtransaksiyon nito kay Napoles, base sa ledger ng star witness na si Benhur Luy.

Ngunit iginiit ni Senator Revilla na mismong si Atty. Santos ang nagsabi na walang bank receipts o anumang dokumento ang magpapatunay na galing kay Napoles ang mga idinepositong pera sa banks accounts ng senador.

“The cross examination on Atty. Santos clearly showed that the prosecution has no evidence that will show that the deposits in my bank accounts came from Janet Lim-Napoles.

“Even star witness Benhur Luy admitted that he does not know me personally, and that we never met or talked to each other, and that he never transacted business with me,” pahayag ni Senator Revilla sa kanyang official statement kahapon.

ON LANI’S ALLEGED DUMMY CORPORATION. Nauna na ring pinabulaanan ni Senator Revilla ang alegasyong “dummy corporation” ang pag-aaring kumpanya ng kanyang maybahay na si Cavite Representative Lani Mercado-Revilla.

Nabanggit din kasi sa AMLC report na ang negosyo ni Congresswoman Revilla na Nature Concepts Development and Realty Corporation ay mayroong malalaking bank deposits mula 2007 hanggang 2010.

Diumano’y tumutugma ito sa mga pagkakataong tumatanggap ang chief of staff ni Senator Revilla ng kickback mula kay Napoles.

Buwelta ng senador, "S’an ka naman nakakita ng dummy corporation na nandoon ang pangalan ni Lani? Mukha ba siyang dummy?”

Kumpiyansa rin ang senador na siya ay makakapagpiyansa dahil sa kawalan ng matibay na ebidensiya laban sa kanya.

Si Senator Revilla ay nakaditena sa Philippine National Custodial Center sa Camp Crame mula pa noong Hulyo ngayong taon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN