Paolo Bediones picking up the pieces after sex video scandal

Paolo Bediones is starting to move on after his sex video scandal. Aside from continuing his work as a TV host, Paolo has also put up a restaurant business with some of his friends.


“Nothing has changed.”

Ito ang bungad ng kontrobersiyal na TV host na si Paolo Bediones nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa press conference ng The Amazing Race Philippines Season 2, sa Puñta Manila restaurant, sa Mandaluyong City, kaninang tanghali, October 29.

Hindi si Paolo ang host ng naturang franchise reality show ng TV5 kundi si Derek Ramsay, ngunit siya ang may-ari ng restaurant na pinagdausan ng presscon para sa natitirang racers sa programa.

Ayon pa kay Paolo, kung may pagbabago man sa buhay niya nitong mga nakaraang buwan dahil sa mga kumalat na sex videos niya, ito ay mas naging maingat na siya sa mga taong pagkakatiwalaan niya.

Saad niya, “I still have friends. Nandiyan pa naman yung mga taong alam kong sumusuporta sa atin.

“What happened to me was something na hindi na natin mababawi.

“We just need to learn from it.”

Naka-focus daw ngayon si Paolo sa kanyang restaurant business na itinayo niya with a few friends. South American dishes daw ang specialty ng Puñta Manila.

Saad niya, “This is therapy for me.

“Dito ko na ibinuhos ang lahat ng energy ko.

“Instead na magalit tayo, negosyo ang harapin natin.

“Naisip namin ang business na ito even before the scandal happened.

“So, matagal na nating iniisip ito. Nataon lang na may nangyari.

“The resto is doing good. Nag-soft opening na kami and eveything is going great.”

Abala rin si Paolo sa ilang shows niya sa TV5 na Rescue 5 at Demolisyon.

“I’m still blessed and that’s what I am thankful for.

“Whatever comes, I am very thankful for it,” sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN