Jonalyn Viray afraid to love again after three-year relationship with commercial model

Jonalyn Viray will have a duet with Tom Rodriguez in the repeat concert of her show, Fearless. Her composition "Help Me Get Over" became a hit when it was made the theme song of My Husband’s Lover.


Marami ang nakakapansing blooming ngayon ang Kapuso singer na si Jonalyn Viray.

Madalas tuloy siyang biruin kung in love daw ba siya.

Sabi niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Siguro po, natututo lang talaga akong mag-ayos sa sarili.

"Like, sa pagmi-makeup, sa pananamit and everything.

“Pagdating po sa lovelife, wala po ngayon, five years na rin pong wala.

“Sinasabi nga nila na ang isang artist kapag walang lovelife e kulang sa inspirasyon. Tingin ko po, hindi rin.

“Kasi puwede rin naman pong humugot sa mga situation ng ibang tao.

"Like, sa mga kaibigan mo, kung ano yung napagdadaanan nila.

“Puwedeng iyon ang maalala mo once na nagpi-perform ka. Or isipin mo lang talaga kung ano yung content ng kanta.

"Puwede mong ilagay ang sarili mo doon at maidi-deliver mo na kung ano yung message ng kanta.”

Ang huling naging boyfriend ni Jonalyn ay ang commercial model na si Arran "Caloy" Sese, na naging endorser dati ng isang brand ng softdrinks.

Lahad ng singer, “Nung pumasok po ako ng showbiz, isa lang po ang naging boyfriend ko. Siya nga po.

“Almost three years din po ang itinagal ng relationship namin na on and off."

Sa nakalipas na limang taon, imposible namang wala siyang naging mga manliligaw?

“Uhm… meron din pong mga ibang nag-attempt.

"And sa una, parang medyo madadala ka.

“Pero kapag nakilala mo na yung tao at kapag may napansin kang parang hindi pa talaga ito.”

Bakit masyadong careful na siya ngayon pagdating sa pakikipag-boyfriend?

Paliwanag ni Jonalyn, “Kasi po base rin sa mga nakikita kong nae-experience ng mga kaibigan ko.

"Parang paulit-ulit din silang nasasaktan.

“And hindi ka naman po paulit-ulit na masasaktan if you will not let them.

"So, ngayon po, sobrang nag-iingat din lang po ako na ayoko pong masaktan na hindi naman po worth it talaga.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Yung ex-boyfriend niyang commercial model, hindi ba worth it?

Saad ng 24-year-old singer, “Hindi naman po sa hindi worth it, kumbaga, mas nakita ko lang po na sana pala mas pinagtuunan ko ng pansin yung career ko that time.

“Like yung nangyayari po ngayon na single ako, mas nadi-devote ko po yung panahon ko, yung oras ko, at yung energy ko sa career.

"Mas may nagyayari na mas maganda.”

REPEAT CONCERT. Sa November 14 ay magkakaroon ng repeat ang Fearless concert ni Jonalyn sa Music Museum, at pinaghahandaan daw niya ito nang husto.

“Ibang guests naman po this time. Sila Thor ng The Voice, Tom Rodriguez, and Ms. Jaya."

Magdu-duet sila ni Tom?

“Ay, siyempre po, magdu-duet kami.

“Kasi naalala ko po nung My Husband’s Lover US tour namin, pagkatapos ng concert, may chance kami na parang gathering ng buong production, nagkakantahan po kami.

"Nagka-karaoke po kami hanggang sa nagkatuksuhan na, ’O, guest ka sa concert ko.’

"Finally umokey naman po sa schedule ni Kuya Tom.

“And siyempre, kailangan ko din pong magkaroon ng another diva na guest, kaya po kinausap namin si Ms. Jaya.”

Iba na ang lineup ng guests niya, iba na rin ba ang mga songs na kanyang kakantahin sa repeat ng Fearless concert niya?

“Parehas din lang po kasi repeat naman po siya. Pero may iba lang po dun sa part ng mga guests.”

Nakakadalawang album na si Jonalyn.

Last year yung second na self-titled album niya kung saan kasama ang awitin niyang "Help Me Get Over" na naging theme song ng My Husband’s Lover at nanalo bilang Song of the Year sa PMPC Star Awards For Music. Kailan ang kasunod nito?

“We were thinking kung maglalabas po kami ng bagong album for next year, hindi ko pa po ma-confirm,” sabi niya.



ACTING. Nasubukan na rin ni Jonalyn ang pag-arte. Naging co-star siya ni Glaiza de Castro sa indie film na Cattleya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi ba niya susubukan din ang teleserye?

Saad niya, “Wala pa po akong plan.

"Pero kung may guesting-guesting lang po sa mga drama anthology o sitcom, okey lang po sa akin.

“Kasi kaya hindi po ako maka-commit for a teleserye, dahil yung schedule po nila dun, very tight, e.

“E, may mga events po ako na dumarating. May mga gigs out of the country, sayang din po.

“Like, for this year, marami po kaming napuntahan talaga.”

Sa dami ng kanyang singings engagements, mayaman na siguro siya?

“Naku, mayaman po sa kaibigan!” sabay tawa ni Jonalyn.

“Kailangan din po kasing magtrabaho nang magtrabaho kasi tinatapos po yung bahay na pinapa-renovate ko.

“Iyon po yung bahay na prize ko sa Pinoy Pop Superstar. Dati sa Tanza, Cavite po yung bahay, e.

“Ipinalipat po namin. Nag-request po kami sa office ng Filinvest kung puwedeng ilipat sa isang subdivision din nila sa Quezon City.

“Grinant naman po nila. Pero medyo naging matagal yung process, almost two years din po yung hinintay ko.

“So ngayon, pinapalakihan ko po yung bahay, ipinapagawa ko pong four-bedroom kasi kasama ko po ang family ko.

“Naghiwalay na ang parents ko kaya kasama ko po ang Papa ko ngayon, kapatid ko rin po.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN