Former teen star Leni Santos makes a showbiz comeback; revives loveteam with Rey "PJ" Abellana

Leni Santos has been pining for a showbiz comeback and now that it has happened, she’s more than thrilled to be working with well-bred young stars like Elmo Magalona and Janine Gutierrez. "May tamang pagpapalaki sa kanila. Mabait pareho yung dalawang bata... walang hangin sa ulo, very low profile,” she notes.


Nagbabalik sa pag-arte ang aktres na si Leni Santos pagkatapos ng labindalawang taong pagkawala sa industriya.

Ang huling proyektong ginawa raw niya ay ang teleseryeng Sa Puso Ko Iingatan Ka ng ABS-CBN noon pang 2001. Pinagbidahan ito nina Judy Ann Santos at Piolo Pascual.

Ngayon ay mapapanood muli si Leni sa pamamagitan ng drama series na More Than Words sa bakuran naman ng GMA Network.

Balik-tambalan din sila rito ng dating ka-loveteam niyang si Rey “PJ” Abellana.

Kuwento ni Leni, “Huli kong nakita si PJ noong pinuntahan niya ako dati sa bahay ko sa Tandang Sora dahil meron siyang gagawin.

"May offer sa kanyang TV show at ako ang inirerekomenda niyang leading lady niya.

"Hindi ko ma-remember, but I think that was 1999 or 2000, maybe."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Leni sa press conference ng More Than Words kahapon, October 28, sa 17th floor ng GMA Network Center, sa Quezon City.

TOGETHER FOREVER. Sa presscon kahapon, sabay na ipinakilala sina Leni at PJ. At habang lumalakad sila ay sinabayan ng background music na “Together Forever."

Sumikat nang husto ang tambalan nila noong dekada ’80.

Ano ang naging reaksiyon ni Leni nang malaman niyang sila pa rin ni PJ ang magkakapareha?

Tugon niya, “Nakakatuwa kasi ilang years na, ‘di ba?

"Natuwa ako na nakita ko si PJ. Natuwa ako na nakita ko siya ulit. Makakatrabaho.

"Ang tagal naming nagkatrabaho, parang nagre-reminisce noong dati.

"Siyempre, yung loveteam namin dati, sikat na sikat.

“Parang pinagkakaguluhan kami ng mga fans.

“Sabi nga ni Ate Redgie [Magno, GMA executive] noong nilapitan ko siya kanina, ’Parang kayo ang bida, a, parang kayo ang pinagkaguluhan ng mga reporters.’

"So, natutuwa rin siya. Ako rin, tuwang-tuwa rin ako.”

Ilang beses sinabi nina Leni at PJ, kahit noon pa man, na ang onscreen romance nila ay hindi nauwi sa off-screen romance dahil hindi raw talaga sila nagkaroon ng opisyal na relasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad ng comebacking actress, “Totoo… hindi nga, hindi talaga.

"Matagal kaming magka-loveteam, matagal kaming magkasama during Anna Liza.

"Pero hindi ko siya nakasama noong start kasi nag-start ako ng bata dun. But matagal-tagal din.

“Pero hindi talaga naging kami.”

Hindi talaga siya niligawan ni PJ?

“Hindi kami dumating sa chance na dumating sa ganun, e.”

Kung nanligaw si PJ, posibleng naging sila?

“Hindi ko masagot, hindi talaga kami umabot sa ganun.

"Siguro kung naging kami, baka hiwalay na rin kami.

"Mas better na ganito kami, magkaibigan, kesa naging mag-asawa kaming dalawa."



BACK TO SHOWBIZ. Sa Las Vegas, Nevada na naka-base ngayon si Leni.

Umuwi lang daw siya ng Pilipinas para sa More Than Words.

Nagtatrabaho raw siya sa isang nursing home, bilang in-charge sa medication, bago siya nakumbinsing umuwi muli ng Pilipinas.

Dalawa na ang anak ni Leni na naiwan naman daw sa Amerika.

Natawa naman ito nang tanungin tungkol sa kanyang mister.

"Yung mga tanong!" bulalas niya.

"Hiwalay na kami, pero married talaga kami.

"Divorced na kami, matagal na rin kaming separated, eight years na, nandoon din siya sa America.

"Magkaibigan pa rin naman kami, walang nagbago.

"It’s just hindi lang kami magkasama."

Ang tumatayong manager ngayon ni Leni ay ang editor ng People’s Journal na si Eugene Asis. Ito raw ang kumumbinsi na magbalik siya sa Pilipinas at umarteng muli.

Pero biro niya, “Hindi ba si Eugene ang kinonvince ko?"

Kuwento ni Leni, “Pinuntahan niya ako talaga. Nagulat nga ako dahil hindi ko nga alam na ginagawa niya lang palang Quiapo ang Amerika!

"Tinanong niya ako kung may balak pa ako, siguro nag-usap sila ni Ate Redgie.

"Sabi ko naman, ’Why not, kung meron?’ Kung may project, e, di okey.”

Noong November 2013 ay nakauwi rin daw si Leni ng bansa dahil sa pagpanaw ng kanyang ina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Wala naman daw siyang ideya na seryoso pala ang GMA na bigyan siya ng proyekto.

Inamin naman ni Leni na kahit hindi pa niya nakakausap ang kanyang manager, iniisip na rin daw niyang bumalik sa pag-arte.

“Hindi ko pa nakakausap si Eugene, talagang gusto ko na. Gusto ko nang mag-comeback.

“Totoo yung sinasabi ng mga co-actors and actresses mo na kapag galing ka ng showbiz, ang laging nasa isip mo, bumalik, umarte ulit.

"Hindi ko alam kung bakit.

“I started when I was nine years old.”

WELL-BRED STARS. Puring-puri naman ni Leni ang mga bagong artista at mga bida sa More Than Words na sina Elmo Magalona at Janine Gutierrez.

Sabi niya, “Napaka-professional ng dalawang bata.

“Hindi ko sinasabi ‘to dahil kasama ko sa show, pero marami akong nakikitang mga baguhan, and I’m so proud of them.

"Kay Elmo, kay Janine, napaka-professional. Napakababait.

"And totoo, kasi ako ang nakakakita behind the scene, yung attitude ng mga artista.

“And I can say na yung dalawang bata, may galang, may turo. May breeding.

"May tamang pagpapalaki sa kanila. Mabait pareho yung dalawang bata.

"Sina Elmo at Janine, walang hangin sa ulo, very low profile.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN