Iya Villania signs exclusive contract with GMA Network

Matapos ang halos sampung taon sa ABS-CBN, muling nagbabalik sa GMA Network si Iya Villania. Nakatakda siyang mapapanood sa Sunday All Stars sa Linggo, October 26.


Balik-Kapuso na si Iya Villania.

Ito ay matapos siyang pumirma ng exclusive contract sa GMA Network ngayong araw, October 29.

Kagabi, October 28, lumabas sa PEP Alerts ang balitang ito: "Isang TV host/actress/dancer mula sa Kapamilya network ang nakatakdang pumirma ng kontrata sa GMA bukas, October 29. Hindi na bago sa Kapuso network ang TV host/actress/dancer na ito dahil dito nagsimula ang kanyang showbiz career. Sino siya?’

At nakumpirma nga ngayong araw na si Iya ang tinutukoy sa "blind item" na ito.

Sa Instagram account naman ng GMA Network, masayang winelcome ng executives ng istasyon ang nagbabalik-Kapuso na si Iya.

Ayon sa post nito: “Iya Villania-Arellano is officially a Kapuso! This is a homecoming for Iya as she started with GMA’s Click back in 2003."

A photo posted by gmanetwork (@gmanetwork) onOct 10, 2014 at 12:05am PDT

Nagsimula si Iya sa GMA noong 2003 sa teenage drama series na Click.

Lumipat siya sa bakuran ng ABS-CBN noong 2004.

Matapos ang sampung taon, nagbabalik si Iya sa GMA.

Sa kanyang Instagram account, nag-post naman ang 28-year-old Filipino-Australian singer/dancer/actress ng larawan niya na may caption na: “So... It’s official... Hello mga #Kapuso .”

So... It’s official... Hello mga #Kapuso 💙😱😁

A photo posted by Iya Villania-Arellano (@iyavillania) onOct 10, 2014 at 1:20am PDT



OWN DECISION. Ayon sa ulat ng GMA News Online, sinabi ni Iya na hindi talaga ang asawa niyang si Drew Arellano—na matagal nang talent ng GMA—ang nakapag-impluwensiya sa kanyang lumipat.

Kuwento niya, “I wouldn’t say he’s a huge part as to why I’ve decided to come back.

“But of course, he knew all about this.

"When we were negotiating and when I was coming to terms with coming back here, siya talaga yung kausap ko.

"For him being the reason why I transferred, no.”

Ipagpapatuloy raw ni Iya ang kanyang mga hilig sa paghu-host, sayaw, at pagkanta.

Sa Linggo, mapapanood na si Iya sa Sunday All Stars, katapat ng iniwanan niyang programa sa ABS-CBN, ang ASAP 19.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May inihahanda na rin daw drama series ang GMA para sa kanya.


CAMILLE PRATS WELCOMES IYA. Kagabi rin, sa pocket presscon ng mga artistang bida ng GMA upcoming primetime series na Second Chances, natanong si Camille Prats tungkol sa muling pagbabalik ni Iya sa GMA.

Magkasama sina Camille at Iya sa ALV Management ni Arnold Vegafria.

Nagulat pa si Camille tungkol dito dahil wala raw siyang alam.

Sabi niya, “I don’t know about that. Talaga?

"Iya is actually my sister sa management. We have the same manager, so its really good to know na natuloy siya.

"Kasi dito rin naman siya nagsimula, ‘di ba?

“And I think marami siyang opportunities dito sa GMA at ang daming hosting stints, kasi that’s what she’s really good at, even acting.

"So, at least, madadagdagan tayong mga Kapuso ng alam nating isa na namang magaling na aktres at host.

"Ano kasi siya, madami siyang kayang gawin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN