Miles Ocampo denies rumored romance with CJ Navato; but admits, "Natutuwa naman ako sa kanya. Kinikilig naman ako."

The teener in the sitcom Home Sweetie Home gets advice from Toni Gonzaga. Miles Ocampo relates, “Sabi ni Ate, ’Huwag mong isu-surrender yung sarili mo agad, maghintay.’” About John Lloyd Cruz, "Nagpapayo naman siya, pero mas madalas na binu-bully niya ako."


Nali-link ngayon ang Kapamilya young stars na sina Miles Ocampo at CJ Navato.

Parehong nanggaling ng programang Goin’ Bulilit ang dalawa hanggang sa mag-graduate sila sa maituturing na pinakamatagal na kiddie gag show sa bansa.

Magkasama na naman ang dalawa ngayon sa youth-oriented Sunday show na LUV U ng ABS-CBN.

Sa unang batch ng LUV U ay hindi naman sila ang magka-loveteam, pero ngayong bumabalik na ang original cast ng show, kapansin-pansing sila na ang parang may love angle.

Nasundan pa ito ng balitang sila na raw sa totoong buhay.


Itinanggi naman ito ni Miles nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng Home Sweetie Home noong October 24.

Itinanggi rin daw ito ni CJ nang makausap ng ilang entertainment press sa pocket presscon naman ng Forevermore.

Ayon kay Miles, “Actually po, nagulat na lang din ako na sa LUV U, kami na po ang magka-partner.

"Marami rin po ang nagkakagusto at marami rin pong gumagawa ng page na gusto raw po nila kami.

“Kanina po, dumaan din po siya sa dressing room at may ipinakita po siya.

"Sabi nga po niya, lahat daw po ng tinatanong, about daw po sa akin.”

Naging sila?

“Hindi po,” nakangiting tanggi ni Miles.

Binasted niya si CJ?

“Hindi ko alam!” natawang sabi niya.

“Actually, hanggang ngayon naman, nagpapakita rin po siya…

"Ang ibig ko pong sabihin, tuloy pa rin ang pagpapakita ng pagiging sweet niya.

"Gentleman siya, yung ganun po.”

Hindi ba parang naudlot lang dahil nililigawan na raw siya nito noon, kaso nagkaroon siya ng ibang ka-loveteam o nagkaroon ng ibang girlfriend si CJ?

Bulalas ni Miles, “Grabe naman po, wala naman po kami dati!

"Hindi ko naman masasabing nagpaparamdam siya ng official kasi wala naman siyang sinasabi.

"Basta ang napapansin ko lang sa kanya, tuloy pa rin ang pagpapakita niya ng sweetness, yung ganyan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siyempre, natutuwa naman ako sa kanya. Kinikilig naman ako.

"Ewan ko, siguro wala pa po talaga sa isip ko na pumasok sa relationship.

"At saka siguro, naiilang din ako, kasi magkasama kami sa Goin’ Bulilit dati.

"Ngayon... nakakatuwa na hindi ko po ini-expect.”

Sino na ang mas gusto niyang ma-push na ka-loveteam niya—si CJ o si Marco Gumabao?

Sagot ni Miles, “Siguro po si CJ, na-experience ko na siya kung paano ko siya maka-work, kung paano siya makatrabaho.

"Kaya ngayon, excited naman po ako na iba naman po ang maka-experience ko sa mga kilig na eksena.

“Okey naman po parehas, pero yun nga po, siguro mas kumportable lang ako kay CJ.”

JOHN LLOYD & TONI. Ang isa pang regular show ni Miles sa Kapamilya network ay ang sitcom na Home Sweetie Home, na pinagbibidahan nina John Lloyd Cruz at Toni Gonzaga.

Isang taon pa lang ang programa at mahal na mahal daw ni Miles ang sitcom nila.

“Sobrang saya ko po talaga rito, sobrang saya lang.

"Ang pinaka-favorite ko po talaga kapag nagkukuwentuhan kami, si Nanay Sandy [Andolong], si Ate Toni.

"Talagang masaya lang at may matutunan ka talaga.”

Ano ang payo sa kanya ni Toni?

“Marami po, sa career, sa lahat… sa boys, about kay God. Ganyan yung mga payo ni Ate.

"Halimbawa, sa showbiz, dapat lahat ng tao pakikitunguhan mo.

"Kahit hindi mo sila ma-please lahat, at least ikaw, nice ka sa kanila.

“Pagdating naman sa boys, sabi ni Ate, ’Huwag mong isu-surrender yung sarili mo agad, maghintay.’”

Si John Lloyd, may ipinapayo rin ba sa kanya?

“Si Kuya po kasi, matagal ko nang nakatrabaho, sobrang gaan na namin sa isa’t isa.

"Nagpapayo naman siya, pero mas madalas na binu-bully niya ako... biro lang,” natatawa niyang sabi.

FALLING OUT. Ipinarating namin kay Miles ang nabasa naming comments ng followers niya na nagsasabing sana raw ay maging okey na sila ni Kathryn Bernardo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sila ni Kathryn ang masasabing best of friends noon, kunsaan una silang naging magkakaibigan sa Goin’ Bulilit. May usapan pa sila na sa isang university sila papasok at same course ang kukuhanin nila.

Ano ang nangyari at mukhang hindi na sila okey ngayon?

Paglilinaw ni Miles, “Hindi naman po kami magkaaway, pero totoo po na matagal na kaming hindi nakakapag-usap.”

May pinag-awayan sila?

“Hindi ko rin po alam bakit hindi kami nag-uusap.

"Siguro dahil busy rin siya. Palagi siyang may work, palagi siyang nasa tour.

"Walang time na mag-usap kami.”

Kailan sila huling nakapag-usap?

“’Eto totoo po, after siguro ng debut niya, nagka-textan kami ng sandali lang.

"Binati niya ako noong birthday ko. Nagkita kami sa ASAP.

"Pero siyempre, busy rin lahat, hindi kami nakapagkuwentuhan.”

Sa palagay niya, may nangyari sa pagitan nila?

“Hindi ko po alam, hindi ko po talaga alam.

"Ako naman po, nagtataka rin at confident naman ako sa sarili ko na wala naman akong ginawa.

"Siguro nga po, sobrang busy lang."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN