John Lloyd Cruz to decide about renewal of contract with ABS-CBN after U.S. vacation

“For now, ayaw ko na lang muna isipin. Ang gusto ko lang gawin is to have this vacation and break. Then, come back nang mas buo, mas mature ang decision, mas sigurado ako,” says John Lloyd Cruz about his renewal of network contract with ABS-CBN.


Hangga’t maaari, ayaw na raw muna isipin ni John Lloyd Cruz ang nakabinbing pagre-renew niya ng network contract sa ABS-CBN.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters si John Lloyd sa launch ng bagong ad campaign ng iniendorso niyang Magic Flakes kahapon, October 29.

Dito, nabanggit ng award-winning Kapamilya actor na ang nasa isip niya ngayon ay nalalapit na bakasyon niya, kasama ang kanyang pamilya at girlfriend na si Angelica Panganiban, sa Amerika.

Sabi ng The Trial actor, “Aalis kami very soon.

“It will be the first time na makakapagbakasyon kami nang matagal-tagal.

“Nahihiya kasi ako magbakasyon nang matagal noon kasi may kontrata ka, you have to make yourself available.

“Ngayon lang, three years ’yon [contract], ngayon lang ulit ako nakapagbakasyon.”

Umaasa si John Lloyd na makakatulong ang pagbakasyon niya upang mapag-isipan nang husto ang anumang desisyong kanyang gagawin tungkol sa pagre-renew ng kontrata niya sa ABS-CBN.

Aniya, “This vacation that I will have with Angelica and with my family abroad would really help me to clear my head.

“Pagbalik ko siguro, mas maayos na yung proseso ng magiging desisyon ko.

“For now, ayaw ko na lang muna isipin.

“Ang gusto ko lang gawin is to have this vacation and break.

“Then, come back nang mas buo, mas mature ang decision, mas sigurado ako.”



MATURE DECISION. Ngayong Oktubre matatapos ang three-year network contract ni John Lloyd.

Sa nakaraang panayam sa kanya ng PEP, sinabi ng Home Sweetie Home actor na under negotiation pa ang kanyang pagre-renew ng kontrata.

Sa katunayan, ito raw ang dahilan kung bakit hindi siya magiging bahagi ng upcoming teleserye na Bridges.

Read: John Lloyd Cruz still negotiating with ABS-CBN for his new contract

Tinanong ng PEP kung bakit mas matagal ngayon ang pagdedesisyon ni John Lloyd tungkol sa pagpirma ng bagong kontrata sa ABS-CBN.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ng 31-year-old actor, “Well, like I said, hindi na ako bumabata.

“Parang every decision that I make, I expect it to be harder, mas may bigat... not bigat na parang hirap ka sa kalooban mo.

“Kaya lang, kailangan mong maging mas maingat kasi you’re talking about the next two years of your life.

“It’s the next two or three years, so parang hindi ’yon madaling madesisyunan.”

Sa huli, nabanggit ni John Lloyd na wala naman siyang special request mula sa Kapamilya network.

“Basically, parang planning lang, sequencing ng projects, anong klase ng projects ang gagawin mo, ganun lang naman,” sabi ng Star Magic prized talent.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN