Tom Rodriguez denies losing his temper after taping Don’t Lose the Money

“Nothing like that happened. Maybe someone else was a different way, but definitely not me,” says Tom Rodriguez about a rumor saying that he lost his temper after taping an episode of Don’t Lose The Money.


Itinanggi ni Tom Rodriguez ang napapabalitang pagwawala diumano niya matapos mag-taping ng game show niyang Don’t Lose the Money kamakailan.

Ang isyung ito ay isinulat din ng StarTalk host na si Lolit Solis sa kanyang tabloid column sa Pinoy Parazzi kahapon, October 28.

Gayunman, walang pagpapabulaanan o pagkumpirma tungkol sa isyu ang nasulat ni Lolit sa kanyang column.

Nagkaroon ng pagkakataon ang entertainment reporters na matanong si Tom tungkol dito sa ginanap na block screening ng pelikulang Beauty In A Bottle kagabi, October 29.

Sponsored ng Belo Medical Group ang nasabing block screening ng pelikula na kinabibilangan ng Kapuso actor.

Agad namang itinanggi ni Tom ang isyu.

Sabi niya, “Nagkasakit ako. My blood pressure was a 160/100. That much I can admit. Pero yung [nagwala], no.”

Nilinaw rin ng aktor na tinapos pa niya ang dalawang episodes para sa kanyang game show.

Isa rito ay ang episode kung saan guest si Rey “PJ” Abellana, ang ama ng nali-link ngayon kay Tom na si Carla Abellana.

Kuwento pa niya, “They even said na they want to give me pain killers para makapagpatulog sa akin, pero tumakas ako.

"Sabi ko, ’I have to go back because I have two more episodes.’

“I got the mild shot lang and I went back.

“Kahit yung producers namin, they asked me if I want to pack up, sabi ko, ’No, let’s do it.’

“I know it’s hard to produce and a lot money goes into it.

“So, I wanted to do it for the team, I wanted to finish the episode. Yun nga yung nandoon si Sir Rey.”

Diin pa ni Tom, “Nothing like that happened. Maybe someone else was a different way, but definitely not me.”

Sinabi rin ng aktor na naging maayos ang unang pagtatagpo nila ni Rey sa Don’t Lose the Money.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN