Coco Martin celebrates 33rd birthday and 10th year in showbiz

What does Coco Martin want on his birthday? He says, “Wala. Honestly, siguro nakakahiya namang sabihin, pero halos lahat ay ibinigay na sa akin lahat, e. Kasi nga, sabi ko nga, ang hiling ko naman noong araw ay magkaroon ng regular na trabaho. And then, ngayon, halos lahat ay ibinigay sa akin na blessing. Talagang sobrang pinagsusumikapan ko kung anuman meron ako ngayon.”


Nagdiwang si Coco Martin ng kanyang 10th anniversary bilang isang aktor at 33rd birthday sa Cities Events Place, sa Sgt. Esguerra, Quezon City, kagabi, October 29.

Sa November 1 pa ang eksaktong araw ng kapanganakan ng tinaguriang “Hari ng Teleseryes ng Primetime Bida,” pero nagdesisyon siya at ang pamunuan ng Dreamscape Entertainment, na siyang may hawak sa career niya, na gawin ito nang mas maaga.

Bahagi ng selebrasyon ni Coco ay ang pasasalamat niya sa mga miyembro ng entertainment press, dahil sa walang sawang pagsuporta ng mga ito sa kanyang career, bilang isang indie actor noon hanggang kilalanin siya bilang isa sa pinakamagaling na aktor ng local showbiz ngayon.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Coco ay inihayag niya kung ano ang kanyang birthday wish at ang nararamdaman niya na nakasampung taon na siya bilang isang artista.

Bungad ng Kapamilya actor, “Siyempre, good health.

“Pagkatapos ng sobra-sobrang trabaho ay magkaroon na tayo ng panahon para makapagpahinga, at siyempre, para sa family.

“Madami [akong natutunan]… mas naging careful, iniisip ang bawat bagay, ang bawat hakbang, lalung-lalo na sa trabaho.

“Siyempre, unang-una, ayaw kong nakakatapak ng tao, lalung-lalo na sa mga kababaihan.

“Ang laking aral na natutunan ko dito.

“Pero sa kabila naman nito, nakakatuwa, kasi naiintindihan din naman ako ng mga tao at napatawad din naman nila ako.

“Ngayon, masaya at okey naman ang lahat.”

Ang tinutukoy ni Coco ay ang kinasangkutan niyang kontrobersiya kaugnay ng pagrampa niya sa The Naked Truth, ang Bench underwear and denim fashion show na ginanap noong Setyembre.



BIRTHDAY CELEBRATION. Kasunod nito ay ang pag-amin ni Coco sa totoong pakiramdam niya sa napakalaking selebrasyon na halos lahat yata ng mga nakatrabaho niya ay dumalo at nakisaya.

Nakangiting saad niya, “Honestly, hindi ako sanay.

“Parang sa buong buhay ko ’ata, never akong nagkaroon ng okasyon para i-celebrate ko ang birthday ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang talagang nag-push nito ay ang manager ko [Biboy Arboleda] bilang pagpapasalamat talaga sa lahat ng mga taong tumulong sa akin.

“From indie [movies], sa lahat ng press, sa mainstream movies, at saka sa soap. At sa lahat ng mga taong nakatrabaho ko.

“Ito lang talaga ang chance ko at, yun, ang purpose nito ay para lang makapag-thank you.”

Kung mayroon man siyang gustong matanggap sa darating niyang birthday, ano kaya ito?

Tugon ng award-winning actor, “Wala. Honestly, siguro nakakahiya namang sabihin, pero halos lahat ay ibinigay na sa akin lahat, e.

“Kasi nga, sabi ko nga, ang hiling ko naman noong araw ay magkaroon ng regular na trabaho.

“And then, ngayon, halos lahat ay ibinigay sa akin na blessing.

“Talagang sobrang pinagsusumikapan ko kung anuman meron ako ngayon.”

Wish din ba niyang umabot sa isa pang sampung taon ang kanyang TV at movie career?

Punumpuno ng pag-asang pahayag niya, “Sana, sana.

“Lahat naman ng mga artista ay hinahangad na sana ay tumagal sa industriyang ito at may maiwang magandang marka.

“Kumbaga, yung magagandang trabaho na nagawa natin sa past para sa manonood.”



BREAK FOR HIMSELF. Ano naman ang hiling niya para sa kanyang sarili?

Sabi ni Coco, “Honestly, siyempre yung maging maayos ang relationship ko sa family ko.

“Magkaroon din ako ng time para sa kanila, at para magkaroon ng time para sa sarili ko.

“Siguro kasi, in ten years, hindi pa ako nabigyan ng ganoong opportunity.

“Kasi nga, kaya sinagad-sagad ko ang sarili ko, kasi naranasan ko rin yung, ‘Kailan ka ulit mabibigyan ng trabaho, mabibigyan ng break?’”

Dugtong pa niya, “Lahat ’ata ng pakikisama, lahat ’ata ng raket na matatawag ay napasukan ko.

“Kaya nang ibigay talaga sa akin ang break na mabigyan ng ganitong blessing, sinamantala ko.

“Kaya natutuwa nga ako, lalo na sa mga veteran actors, ang dami kong natututunan sa kanila sa katatrabaho ko na kasama sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang dami kasi nilang naibibigay sa akin na magagandang advice.

“Kaya yun din ang ginagawa ko sa trabaho at sa personal kong buhay.”



COCO’S LOVELIFE. Tungkol naman sa kanyang lovelife, bahagi ba ito ng kanyang mga dasal?

Natatawang bulalas ni Coco, “Oo… naman!


“I’m sure darating naman ’yan, ang dami ko nang...

“Nung nagsisimula pa lang ako, pinagdaanan ko na ’yan, na-experience ko na ’yan.

“And then, I’m sure... sabi ko nga, ipon-ipon muna hanggang sa maging maayos ang lahat.

“Sa [mismong] birthday ko, sa bahay lang siguro ako, o dadalaw sa lolo at mag-celebrate with my family.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN