Alden Richards: “I want to be original.”

Hangad ni Alden Richards na makagawa ng sarili niyang marka sa showbiz. “In this industry, it’s very hard to be original, kasi andami nang nauna, so sasabihin nila, ginagaya si ganyan.” Bukod sa pagiging aktor, hangad ni Alden na makilala rin siya bilang isang host.


Nagkaroon ng pagkakataon ang PEP (Philippine Entertainment Portal) na makausap si Alden Richards sa Raniag Twilight Festival, sa Vigan, Ilocus Sur, kung saan ilang Kapuso stars ang nakibahagi sa piyesta na pinangunahan ng GMA Regional TV.

Dalawang araw nanatili si Alden sa Vigan—October 27 at 28—para sa Kapuso Night at Bet ng Bayan Northern Luzon regional finals.

Nagsimula man bilang aktor, nagbe-venture na rin ngayon si Alden sa hosting; at siya ang co-host ni Regine Velasquez sa reality-talent search na Bet ng Bayan.

Saad ng Kapuso heartthrob, “Ang difference kasi now, since I’m hosting Bet ng Bayan, mas may pressure, kasi you have to abide by the lines.

"So, may script and medyo inaaral ko pa yung mastery ng reading the script and then putting it on my own words.

“Bawal magkamali. Yung small mistakes talaga minsan natatandaan ‘yan, so you have to be very cautious.

“Since medyo maalam na ako in doing that, since I’ve been doing this for the past three years and ten months, so alam ko na on how I would work on stage, sa sarili and, of course, sa audience.”

Bukod sa kasalukuyang hosting stint, sumabak na sa hosting si Alden sa pamamagitan ng weekend variety shows sa GMA.

Na-experience na raw niya ang mag-buckle habang naghu-host.

“It can’t be helped, e, dala rin ng kaba and taping in front of live audience.

“Different kasi sa studio. Sa studio, you can commit every mistake that you want, maka-cut ‘yan.

"Dito [Bet ng Bayan, taped as live], although puwedeng mag-cut pero ayaw nating ipakita sa audience, ‘A, ganun pala sila. Akala natin live… yun pala puwedeng mag-cut, puwedeng ulitin ’pag nagkamali.’

"So, we don’t want that.

"So, advice sa amin ng mga writers and mga directors, just continue.

"It happens when you host.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ADDITION TO HIS CREDENTIALS. Hindi isinasantabi ni Alden ang benepisyo ng pagiging host niya.

“So, ngayon, yung credentials ko, whenever they get me for events, hindi na lang singing or whatever. Included na ang hosting.

"So, mas lumaki yung possibilities to get more out-of-town events or company events.

"Now, I’m doing hosting.

“Malaking bagay ang Bet ng Bayan, malaking bagay yung hosting job na ma-add on sa credentials ko.

“Siyempre as an actor, you act on TV, but hindi naman kumukuha yung mga companies na, ‘Halika dito, punta ka dito, umarte ka.’ Walang ganun, e.

“You either host, you sing, or you dance, you do comedy.

"So, ngayon, dalawa na ako out of those four. I can sing and I can host na rin.”

Sabi ni Alden, high school pa lang ay naghu-host na siya sa mga programs.

“Mas nauna akong mag-host than mag-act.

"I never knew na natulog lang pala yung side ko na host.

“And comfortable ako on both fields.

"I’m very comfortable acting and I’m starting to be comfortable hosting now.”

Dagdag pa ni Alden, “Kahit papa’no naman, siguro puwede nang tawaging ’Alden Richards is a host.’”

Bukas din daw siya sa posibilidad na maimbitahan para mag-host ng national beauty pageants.

“I’m very much open if they want me to do hosting for them,” sabi niya.



TO BE ORIGINAL. Paano naman pinapagbuti ni Alden ang kanyang craft, bilang artista man o host?

Saad niya, “Of course, you never stop learning in this industry.

“Every day, manonood ka sa TV.

“Before, I just watch for the sake of entertainment. Gusto ko lang manood.

“But now, since I started in show business, when I watch a movie, I watch the story, I watch how the camera works, I watch their acting and then I adopt.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Adopt not in the way na gayahin sila, but adopt the style on how they attack na may originality pa rin.

Dagdag niya, “In this industry, it’s very hard to be original kasi andami nang nauna, so sasabihin nila, ginagaya si ganyan.

“’Pag naghu-host, sinasabi ginagaya si ganito.

"So I try not be like those people na they have established their own image.

“At this point naman, I want to be original on my own.

"I want to be an original actor and I want to be an original host."

Paano niya makakamit ang sinasabi niyang maging “original?”

“When you’re an actor, there’s this thing na ’pag pinanood ka sa TV, Alden lang ‘yan. Si Alden lang ang makakagawa niyan.

“No other actors, no other person can do what he’s doing.

“So I try to reinvent myself on how would I make such a mark na ganun, also in hosting.

“So I try to be original as much as possible. Original in a way na just sinusunod ko yung gut feel ko.

“If I feel like this is proper, this is appropriate for this part, let say sa acting, yung mga directors na nakakatrabaho ko, so far, they let me do my thing. They don’t direct me much.

“It’s just kung may gusto silang makita, they tell me, ‘Alden, we need to see this, we need to see that.’

“I’m very much open to suggestions talaga, I never disregard. Di ko inii-snub.

“I never rejected suggestions, especially coming from directors. The directors know best, especially when it comes to projects.

“You think you know so much but the director know better pa rin.

“And even people around me, when they comment, kasi usually if I did good, they would tell me it’s good. If not, they would tell me it’s not.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“That’s what I appreciate most sa mga taong nasa paligid ko, hindi sila, ‘Ay, ang galing mo naman!’ Hindi sila nagsu-sugarcoat.

“If I committed a mistake, they would tell me para next time, alam ko na.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN