Paolo Bediones will not stop from pursuing culprit behind leaked sex videos

Paolo Bediones on those responsible for his leaked sex videos: "I’m still pursuing, but I don’t know… medyo behind tayo sa technology. Hindi pa nila ma-trace. So, ipapasa-Diyos ko na lang yung taong yun, yung grupong yun. Pero hindi ako titigil. Kasi, until I make an example of people who do things like this, meron at meron pa ring ibang mabibiktima."


Ang pagkakaroon daw ng resto-lounge ang nagsisilbing therapy ni Paolo Bediones mula sa kontrobersiyang kinasangkutan kaugnay ng paglabas ng kanyang sex videos.

Ang nasabing eskandalo ang dahilan kung bakit pansamantalang namahinga si Paolo bilang anchor sa news program ng TV5 na Aksyon Tonite.

Ngunit nanatili naman ang pagiging host niya sa mga programang Demolisyon, Rescue 5, at Astig.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Paolo kahapon, October 30, sa pag-aari niyang resto-lounge, ang Puñta Manila, na matatagpuan sa Shaw Blvd., Mandaluyong City.

Dito ginanap ang presscon para sa nalalabing teams ng The Amazing Race Philippines Season 2.

Sinabi ni Paolo na pagkaalis niya sa news program ng TV5 ay ang pag-aasikaso agad ng pinasukang negosyo ang pinagkaabalahan niya.

“July 25 technically nung nag-start ito, e. Pero August na kami talaga nagsimula nang husto.

“So, nung nag-leave ako from work sandali, ‘eto ang naging resulta noon.”

Aminado naman siyang na-miss niya ang paghu-host ng news program.

“Na-miss ko naman talaga.

“Hindi naman ako totally nawala. Umeere pa rin yung episodes natin.

“Siyempre, nami-miss ko yung ginagawa nating evening news.

“Pero yun, e, things happen, and now I have this [resto-lounge] kaya happing-happy ako.”



AFTER THE STORM. Okey na ba siya ngayon pagkatapos ng kinasangkutang eskandalo?

Tugon ni Paolo, “You know what, naging okey ako dahil, number one, sa mga kaibigan, sa mga taong malapit sa akin, yung magulang ko, family members ko, kayo [press] na naging napakabait sa akin.

“Siyempre, kahit paano, hindi mo maiiwasan, magbabasa ka pa rin, aalamin mo what’s out there.

“Yung sa social media na napakabait and understanding… so, yun.

“Ako naman, ang feeling ko, kaya naging ganito ang hitsura nito [Puñta], kasi lahat ng nangyari sa akin, dito ko ibinuhos at ginawa kong positive.”

Hindi kaya blessing in disguise ang nangyari para pagtuunan niya ng pansin ang iba pang bagay na puwede niyang gawin?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagsang-ayon ni Paolo, “I think so. ‘Eto yung sinasabi nilang everything happens for a reason.

“Hindi ko sinasabing ito ang dahilan nun. At least, may magandang kinalabasan pa rin.”

Nagsilbi bang eye-opener sa kanya ang insidenteng iyon?

“Oo, kung sino yung mga totoo mong kaibigan, kung sino yung totoong sumusuporta sa iyo, kung sino yung nandiyan talaga at, kumbaga, kung sino yung hindi nawawala.”

Anong leksiyon ang natutunan niya sa nangyari?

“I just have to be more careful. Be more aware.

“And appreciate more yung mg taong nasa paligid mo.

“Kasi hindi ko ito mabubuo kung wala yung mga tao sa paligid ko, e.”



THE EFFECT. Sa palagay ba ni Paolo ay nakaapekto nang malaki ang paglabas ng kanyang sex videos sa imahe niya?

Saad ng 40-year-old TV personality, “I think, siyempre the first two weeks, para kang namatayan na ewan, ‘di ba? Gumuho ang mundo mo.

“After that, ano’ng gagawin mo? Magmumukmok ka na lang? Hindi puwede, e.

“So, I wanted to show na kahit anong grabeng mangyayari sa buhay mo, meron at meron pang magandang puwede mong lingunin.

“Hopefully, giving hope to people.”

Na-trace na ba kung sino ang nag-upload ng videos?

“No… I’m still pursuing, but I don’t know… medyo behind tayo sa technology. Hindi pa nila ma-trace.

“So, ipapasa-Diyos ko na lang yung taong yun, yung grupong yun.

“Pero hindi ako titigil.

“Kasi, until I make an example of people who do things like this, meron at meron pa ring ibang mabibiktima.

“Siguro yun ang dahilan kung bakit nangyari sa akin dahil ako yung may boses. Ako yung puwedeng lumaban.

“Yun ang magiging advocacy ko for the rest of my life, to make sure that this will not happen to people again.

“Recently, meron na naman.

“Paano ba matitigil ito? Kailangang gawing ehemplo ang isang tao o isang grupo na puwede kang mahuli or makulong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Krimen ito,” diin pa niya.

Sa paglabas ng sex video ni Paolo, tila natigil naman ang matagal nang espekulasyon tungkol sa kanyang gender. Marami ang nakumbinsing straight siya at hindi bading.

Napangiti si Paolo at sinabing, “Ilang taon na tayong magkakilala?

“It never bothered me naman, ever since, ‘di ba? Ang importante sa kung sino ka.

“There’s no point really to defend yourself and going out announcing yourself na hindi ka ganito or ganito ka.

“Ang importante, na yung mga tao sa paligid mo, gaya mo, alam mo yung katotohanan.”



BACK TO NEWS. Kailan naman kaya siya babalik sa News?

Banggit ni Paolo, “Meron lang akong scheduled return on November 3, Monday, sa morning show, sa umaga.

“I’ll be assigned as the senior correspondent for National Defense.”

Pati ba ang managerial position niya sa TV5 News department ay nandoon pa rin?

Sabi niya, “I’m still doing, kumbaga, the role of a programming manager of sort sa mga shows ko.

“Like, sa Demolisyon, ako pa rin ay part ng creative team, nagdidirek, sa concept.

“And then, ‘pag may bago akong konsepto, ganun pa rin ang mangyayari.

“And then, active pa rin ako sa Rescue 5. Katatapos lang namin na mag-training sa Philippine Air Force.

“So, sundalo na kami. Sarhento na ang tawag ko diyan,” turo niya sa isang female staff ng TV5 Corporate Communications.

At ayon naman sa staff, si Paolo ang kanilang “corps commander.”

Hindi niya ba nami-miss ang paghu-host ng reality show?

Si Paolo ang unang host ng reality franchise show ng GMA na Survivor Philippines at ang Extreme Makeover: Home Edition Philippines ng TV5.

Pag-amin niya, “Sobrang nami-miss ko.

“E, kung iba talaga ang nakalaan para sa iyo, at kung makakagawa ako ng sarili kong konsepto, why not?

“I’ve learned throughout the years, almost two decades sa showbiz, na at this point, I can slow down na, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“’Eto na yung pinaghirapan ko.”



STILL SINGLE. Pagdating naman sa kanyang personal life, wala pa raw matatawag na girlfriend ngayon si Paolo.

“Malay niyo, dito ko makilala,” na ang ibig niyang sabihin ay sa kanyang resto-lounge.

“Yeah, I’m dating, trying to know people.

“Malay mo, dito ko nga makilala. Puwede naman yun.

“Sa ngayon, wala pa naman.”

Mayroon ba siyang ideal age to marry?

“Siguro mga forty-two? I’m now 40… kaka-forty ko lang ‘etong March.”

Ibig bang sabihin nito, kung sino ang magiging girlfriend niya ay posibleng ito na rin ang pakasalan niya?

“Oh, yes, definitely!” bulalas ni Paolo.

“That’s why it’s really a matter of deciding na ‘eto na.

“Eto na yung taong panghabuhay.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN