Christopher de Leon clarifies rumor about wife Sandy Andolong’s health condition

Nilinaw ng mag-asawang Christopher de Leon at Sandy Andolong (nasa larawan, kasama si Coco Martin) ang kumakalat na balitang may malubha ring karamdaman ang aktres. Bago ito, ang anak nilang si Miguel ay na-diagnose na may testicular cancer.


Nilinaw ng award-winning actor na si Christopher de Leon ang usap-usapang may malala raw sakit ang misis niyang si Sandy Andolong.

Ito ay pagkatapos lumabas ng balitang na-diagnose na may testicular cancer ang kanilang anak na si Miguel, na kasalukuyang nasa Amerika.

Ngayon naman daw ay kasalukuyan ding nagpapagamot si Sandy dahil diumano sa kidney problem nito.

Pahayag ni Christopher tungkol sa kalagayan ni Sandy, “No, she’s okay, looking good.

“But she needs to take medicines, ‘tapos yung food intake niya, kailangang measured, kailangan alam mo yung kakainin.

“Magagaling yung mga doctors niya, they are really taking good care of Sandy.

“May mga medications siya, but she’s okay.”

Bilang patunay nga na walang dapat ipag-alala sa kalagayan ng asawa ay ang tuluy-tuloy pa rin daw ang pagte-taping ni Sandy sa sitcom ng ABS-CBN na Home Sweetie Home.

Magkasamang dumalo sina Christopher at Sandy sa 33rd birthday at 10th anniversary in showbiz ng aktor na si Coco Martin, kagabi, October 29, sa Cities Events Place, sa Sgt. Esguerra, Quezon City.

Dito nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang mag-asawa.



SANDY’S CONDITION. Ayon naman mismo kay Sandy, matagal na niyang ipinapagamot ang kanyang karamdaman sa kidney.

Sa ngayon ay isinasantabi muna niya ito upang pagtuunan ng atensiyon at oras ang pagpapagamot ng anak na si Miguel.

Saad ng aktres, “Yes, it’s been a long time.

“I’m under management by my doctors, I have a team of doctors who are managing my ailment, but I’m okay.

“Medyo itinabi ko muna yun… I have to focus first on my son.”

Dagdag niya sa kanyang kundisyon, “Walang dialysis.

“Yung function, my kidneys are not normal anymore, medyo quite low, they are trying to maintain that percentage.”



THEIR SON MIGUEL. Ayon naman kay Christopher, nakatakda siyang lumipad sa Amerika sa susunod na linggo upang muling bisitahin si Miguel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Miguel is okay, I’m visiting him after the Undas, we’re leaving on the 4th.

“I’m visiting him with his son, I’m bringing his son there.”

Dagdag ng aktor, “He is getting better, it’s going to be his last chemo this Friday.

“He’s recovering… he’s kinda weak, kasi chemo, it’s such a hard road, pero okay naman siya.”

Dagdag naman ni Sandy, “He’s trying to cope up with a very aggressive chemotherapy for the past months.

“He has his bad days, good days.

“But we try to talk to him almost every day to inspire and try to uplift his spirits.”

BEST CHRISTMAS GIFT. Para naman kay Sandy, ang tuluyang paggaling ng anak ang maituturing niyang pinakamagandang regalo sa kanya sa darating na Pasko.

Saad niya, “I’m very much concentrated on the welfare of my son.

“I want him to get well soon and I told him that, ‘My only wish for Christmas is to hear from your doctor—who is a very good doctor—that you are cancer-free.’

“That is the best Christmas gift that I will receive for this year.”

Makakauwi na kaya ng Pilipinas si Miguel para sama-sama nilang ipagdiwang ang Kapaskuhan na buo ang kanilang pamilya?

Sagot ni Christopher, “It would be a good Christmas, God is good.

“Makauwi? I don’t know, he needs to rest.

“He really needs to rest that’s why we are going there.

“Mahirap, he’s regaining his balance, his strength, stamina.”

Nagpahayag naman muli ng pasasalamat si Chrostopher sa mga taong nagdarasal para sa paggaling ni Miguel.

“I’d like to thank all the people who prayed for my son.

“Actually, almost all over the world, from here, the Philippines, people from America, my relatives in America, relatives ni Sandy in America.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“From all over, in Europe… kasi we have a lot of friends abroad, so thank God!

“That’s what important about having friends who will help you, who will pray for your needs.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN