Raymart Santiago opens up about mom’s death; expresses frustration over Claudine Barretto’s actions

Raymart Santiago on mom Cielito Legaspi-Santiago’s death: “Isang buwan yun sa hospital. Two weeks siya sa regular room, ‘tapos nilipat sa ICU [Intensive Care Unit]. Parang baligtad, e. May complication sa lungs, e. Barado na pala ang buong baga niya. Nag-deteriorate.”


Magaan na ang paglalahad ni Raymart Santiago ngayon tungkol sa pagyao ng kanyang inang si Cielito Legaspi-Santiago, na sumakabilang noong September 28.

Hindi raw naging ganun kadali ang nangyari dahil isang buwan nasa hospital ang kanilang ina bago ito pumanaw.

Lahad ni Raymart sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Hindi rin, e, kasi biglaan ang nangyari.

“Isang buwan yun sa hospital. Two weeks siya sa regular room, ‘tapos nilipat sa ICU [Intensive Care Unit]. Parang baligtad, e.

“May complication sa lungs, e. Barado na pala ang buong baga niya.

“Nag-deteriorate.”



THE LETTER. Ikinuwento rin ni Raymart ang tungkol sa iniwang sulat ng kanilang yumaong ina na may mga ibinilin sa kanilang magkakapatid.

Binasa nila ang sulat pagkatapos ilibing ang mga abo ng kanilang ina sa may crypt ng St. Peter Parish Church, sa Quezon City.

Sa halip na maiyak sila sa mga habilin ng kanilang ina, natawa raw sila dahil sa mga nakakatawang bilin nito.

Nalaman nila bandang huli na gawa-gawa lang pala iyon ng nakatatandang kapatid ni Raymart na si Randy Santiago.

“Akala namin totoo na galing talaga sa Mama yun. Gawa-gawa lang pala niya!” sabi ng Kapuso actor.

Pero sa patuloy na pagkukuwento ni Raymart, “’Tapos after nun, nung gabing yun, nag-Viber ang kapatid na may sulat talaga ang Mama sa amin.

“Meron talagang tunay, ginawa niya year 2000, bilin ng mommy ko sa amin.

“’Tapos dun sa ending, sinabi niya na, ‘Please cremate me like Papa.’

“E, papa’no kung nandun ‘please do not cremate me,’ e, na-cremate na namin! Paano pa namin mabalik yun?

“Buti na lang nagkatugma.”

Natawa naman si Raymart sa ilang katanungan namin tungkol sa ilang bilin ng kanilang ina, na halos nagkatugma sa gawa-gawang sulat ni Randy.

Ang sabi dun sa ginawang sulat ni Randy, binilinan ng kanilang ina si Rowell na puwede na itong mag-asawa, pero huwag lang daw sa “babaeng baliw.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi naman ni Raymart, iyon naman daw ang gusto ng lahat na ina na mapunta ang kanilang anak sa babaeng hindi baliw-baliwan.

“Sino naman ang gustong sumama sa baliw? Sino namang magulang ikasal ka sa baliw?” pahayag ng aktor.



RAYMART’S CHILDREN. Naikuwento rin ni Raymart na sa burol ng kanyang ina ay nakausap niya ang estranged wife na si Claudine Barretto na papuntahin ang mga anak nilang sina Sabina at Santino.

Pumunta naman daw ang kanyang mga anak.

Pero nang dumating ang kapatid ni Claudine na si Gretchen Barretto at mga kasamahan nito ay kaagad daw pinauwi ang mga bata ng mga taong ipinasama ni Claudine rito.

“May dumating dun, pinull-out niya yung mga bata.

“Hindi ko alam kung bakit, e.

“Bitbit na ng mga assistants niya, e.

“Masyadong pinipersonal, e,” tila napipikon nang pahayag ni Raymart.

Pagkatapos doon sa burol ay hindi na raw nasundan ang pagkikita at pagsasama nila ng kanyang mga anak, kaya tila galit na ito sa mga sumunod niyang pahayag tungkol kay Claudine at sa kampo nito.

Ani Raymart, “Nabasa ko sa interview na may effort.

“Sana gawin niya, hindi na puro interview.

“Magaling sila magsasalita na ganito, na ganun. Pero sa totoo niyan, wala!”

Samantala, hindi na nagkomento si Raymart tungkol sa insidenteng nangyari sa burol ng kanyang ina, kung saan nagkaroon ng gulo sa pagitan ng dating mag-asawang sina Dennis Padilla at Marjorie Barretto.

Sabi niya, “Hindi ko talaga alam yun. Narinig ko na lang, pero ayoko na magsalita dun.”

Sinundan namin ng tanong kung totoong nangyari iyon.

Sagot ni Raymart, “Nasulat na, e.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN