Jaclyn Jose on on-off relationship of Andi Eigenmann and Jake Ejercito: “Wala namang bago sa isyung ‘yan!”

Hahayaan daw ni Jaclyn Jose na si Andi Eigenmann ang sumagot sakaling magtanong ang apo niyang si Ellie kung nasaan ang kanyang ama. Paliwanag ni Jaclyn, "Alam kong maipapaliwanag niya nang maayos kay Ellie yung sitwasyon niya. Alam ko na hindi siya mabibigo na tanggapin ni Ellie kung anuman ang sasabihin niya."


“Ano bang isyu ngayon?”

Ito ang natatawang balik-tanong ng aktres na si Jaclyn Jose nang tanungin kung naaapektuhan pa rin ba siya ng mga isyu tungkol sa anak na si Andi Eigenmann.

Binaggit naman ng mga reporter na nag-interview sa kanya sa presscon ng More Than Words, noong October 28, ang mga isyu sa anak: Na nagkabalikan na naman pala sina Andi at Jake Ejercito, at sa edad ni Andi ay grabe rin ang mga pinagdadaanan nito.

Reaksiyon dito ni Jaclyn, “Well, mabuti naman na nagagawa niyang lusutan on her own. Na kaya niyang lutasin.

“Actually, hindi naman niya ako nilalapitan for any advice.

“Ano naman siya, she can stand on what she can do.”

Nagkabalikan na nga ba sina Andi at Jake?

“Ayoko na ngang makialam, ’di ba?” paalala niya.

Dugtong pa niya, “E, ‘di ba, nagkabati na kami ni Andi, ‘tapos sabi ko, ayoko nang pakialaman ulit ang lovelife niya.

“Kasi, ayoko namang mag-away kami.”

Hindi ba nagsasabi si Andi sa kanya kung ano ang bagong estado ng relasyon nito kay Jake?

“Hindi siya nag-o-open up. Siguro, kailangan niya munang salain ang utak niya bago niya siguro sabihin sa akin, parang ganun.”

Pagdating naman kay Jake, sinabi ni Jaclyn na nakakausap naman niya ito.

Kaya tinanong namin ang aktres kung nakikita niyang nandoon ang hangad ni Jake na maging sila pa rin ni Andi.

Pahayag ng Kapuso actress, “Hindi namin napag-uusapan kapag nag-uusap kami.

“Kasi, si Jake, ang kaibigan niya, nanay ng kaibigan niya, kaibigan ko.

“Let’s say, we go to a place and I see Jake around, kasama ng anak ng kaibigan ko na matagal na rin niyang kaibigan.”

Hindi ba niya kaibigan ang nanay ni Jake na si Laarni Enriquez?

Pagbabalita ni Jaclyn, “A, okey na, okey na…

“I heard, she’s even inviting us for dinner.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Wala naman… magkaibigan naman sila ng sister ko [Veronica Jones].

“Na parang labas ang friendship doon sa issue ng dalawa.”

Ano naman ang reaksiyon niya sa on and off relationship nina Andi at Jake?

“Wala namang bago sa isyung ‘yan!” natawang sabi ni Jaclyn.

“Hayaan niyo sila. Kami, hindi na lang namin pinapansin, e.

“Sa amin, kumbaga, ito yung away-bati, away-bati. Nangyayari naman talaga sa totoong buhay.

“They’re just being human, you know.

“Hindi naman sila mga simbolo nina Malakas at Magaling.

“Hindi naman nila sinasabi na ako ang simbolo ni Maganda at ako ay simbolo ni Malakas at ni ganito, wala naman silang image na sinasabi.

“They’re only human.

“If they want to fight, let them fight.

“If they want to go back to each other and love each other again, then let them be.”



ANDI AS A MOTHER. Kagagaling lang daw sa Hong Kong ni Andi kasama ang anak na si Ellie.

Kasama rin sa naturang biyahe ang mga kapatid at pamangkin ni Andi sa Eigenmann side; ‘tulad ni Sid Lucero kasama ang nababalitang girlfriend na si Alessandra de Rossi, si Gabby Eigenmann at ang pamilya nito, at pinsan na si Geoff Eigenmann.

Nakalipat na ba si Andi sa sariling bahay nito?

“Nandoon pa rin sila sa bahay. Ako na lang ang lilipat,” biro niya.

Paliwanag niya, “Sem-break kasi, nandoon kami sa Sta. Rosa, and I think she’s very, very busy with her horror movie.”

Nakikita ba ni Jaclyn ang sarili niya noon kay Andi bilang young mother?

“Siyempre, hindi ko puwedeng ikumpara yung kapanahunan noong araw.

“Iba tayong magpalaki. Iba tayo noon.

“Sila ngayon, medyo paiba na naman. Everything is beautiful.”

Bilang isang ina, ano ang gusto sana niya para kay Andi?

“Kung ano ang ginagawa niya na sa tingin niya masaya siya, go ahead and continue, live a life.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Life is so short and life is so beautiful. Kaya enjoy, go ahead. Walang problema sa akin yun.

“Kung sa palagay niya, pagkatapos niyang magtrabaho at gusto niyang mag-bar, ‘tulad ng sinasabi nila na ‘palagi kang nasa bar, maging nanay ka naman, et cetera,’ hindi pinapansin ni Andi ‘yan.

“Kasi, alam ni Andi kung ano ang ginagawa niya.

“Professional naman siya. Disiplinado naman siyang artista.”



ELLIE’S DAD. Sa edad ngayon ng kanyang apo na si Elli ay hindi pa ba ito nagtatanong o nag-uusisa tungkol sa kanyang tunay na ama?

Ayon kay Jaclyn, “Alam niyo, hindi.

“Katulad ni Andi, ni hindi niya tinatanong.

“Kasi—pasintabi na lang sa pamilya—lumaki si Andi na alam niya kung sino ang tatay niya, pero hindi niya hinahanap.

“I feel na napalaki ko siya nang buo.

“Dyusko, hindi nga lang ako mother, father.

“Psychologist din ako, teacher din… lahat na rin ng career.

“You know, parang nakikita ko rin kay Ellie na ganoon din siya.

“Siguro akala niya, ganoon talaga.

“Kasi yung bunso ko, wala rin tatay sa bahay.”

Paano kung isang araw, tanuingin siya si Ellie, ‘Where’s my dad?’ Paano niya ito sasagutin?

“Naku, oo, mahirap ‘yan. Kailangan paghandaan ko ang panahon na ‘yan.

“Kasi, hinding-hindi manggagaling sa bibig ko,” sabi ni Jaclyn.

Sasabihin niya sa kanyang apo na si Andi ang tanungin?

“Yes, ‘I know, but ask your mom.’”

Sa palagay ni Jaclyn, ano ang magandang sagot ni Andi kung sakaling tanungin na ito ni Ellie?

“Alam mo, si Andi, matalino. Magaling magsalita ‘yan.

“Ang utak, grabe. Nakikita niyo rin naman how she talks, how she writes.

“Alam kong maipapaliwanag niya nang maayos kay Ellie yung sitwasyon niya.

“Alam ko na hindi siya mabibigo na tanggapin ni Ellie kung anuman ang sasabihin niya.

“Alam ko si Andi, napaka-honest na tao rin niyan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya nga minsan, napapa-trouble, masyadong honest.

“Kumbaga, mula sa puso, dito na agad sa bibig.

“E, wala, ganoon daw siyang talaga. She can’t be someone that she’s not, so, okay.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN