Ryzza Mae Dizon, Eat Bulaga Dabarkads to stage free show in Hong Kong

Sa ikalawang pagkakataon ay mabibisita ni Ryzza Mae Dizon ang Hong Kong, kasama ang Eat Bulaga! Dabarkads, dahil magkakaroon ng free show roon ang noontime show na kinabibilangan niya.


Sobrang excited si Ryzza Mae Dizon na bumalik sa Hong Kong.

Magkahalong excitement at kilig ang nararamdaman ni Ryzza nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) last Wednesday afternoon, October 29, sa shooting ng “Prinsesa” episode ng My Big Bossing sa Paco Park, Manila.

Sabi ng nine-year-old child actress at TV host, gusto niyang pumunta ulit sa Disneyland pagbalik niya ng HK.

Ngayong umaga, October 31, ang lipad ng Eat Bulaga! Dabarkads papuntang Hong Kong.

May show sila roon sa Linggo, November 2, na gaganapin sa Chater Garden na nasa Central District.

Bale second time na ni Ryzza sa HK.

Una siyang nagpunta roon noong April this year, na nag-shoot pa siya sa Disneyland ng episode para sa The Ryzza Mae Show.

Kung last time ay ang kanyang Mommy Rizza lang ang kasama niya, ngayon ay ka-join na ni Aleng Maliit sa HK ang dalawang kapatid niya—ang panganay na si Nicole at ang bunsong si Nathan—kaya mas excited siya.

Second time din ito ni Ryzza na makasama sa show abroad ng Eat Bulaga! Dabarkads.

Ang una niya ay sa Toronto, Canada nung April 2013, kung saan first time na-experience ng bagets na maglaro sa snow, doon sa may Niagara Falls.

Pangungunahan ng famous trio nina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon ang Eat Bulaga Live in Hong Kong.

Almost complete ang EB Dabarkads except for Pia Guanio and Isabelle Daza na hindi kasama sa nasabing trip.

Makikisaya sa Chater Garden with the TVJ and Ryzza Mae sina Jose Manalo, Wally Bayola, Paolo Ballesteros, Allan K, Jimmy Santos, Anjo Yllana, Keempee de Leon, Ryan Agoncillo, Ruby Rodriguez, Julia Clarete, Pauleen Luna, at ang EB Babes.

Si Ryan ay nauna na sa grupo at nung Wednesday pa nasa HK. Kasama ni Ryan ang kanyang mag-iina na sina Judy Ann Santos-Agoncillo, Yohan, at Lucho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagliwaliw na sa Disneyland ang pamilya Agoncillo. Nakapunta na roon before si Yohan, pero this time ay kasama na nito ang younger brother na si Lucho kaya ang saya ng mga bagets.

Si Joey de Leon ay manggagaling naman sa birthday vacation nito sa London, kasama ang misis nito na si Eileen Macapagal.

Kilalang puntahan ng mga kababayan nating Pinoy ang Chater Garden sa Hong Kong lalo na tuwing araw ng Linggo.

3:00-6:00 P.M. ang show dito ng Eat Bulaga sa November 2.

Handog ng SMART Pinoy ang free show na ito ng EB Dabarkads.

Punong-abala sa nasabing event ang Hong Kong-based Pinoy actor-director na si Eric Quizon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN