Julia Montes becomes tongue-tied when asked about her aborted romance with Coco Martin

Julia Montes on being inspired by Coco Martin: “Kapag may mga advice siya, nakikita ko rin naman sa kanya yun. So, talagang sigurado akong susundan ko dahil nakikita ko naman talaga.”


Isa si Julia Montes sa mga bisita ni Coco Martin sa 33rd birthday partyniya at 10th anniversary celebration ng aktor na ginanap sa Cities Events Place, sa Sgt. Esguerra, Quezon City, noong October 29.

Ilang acting projects na rin ang pinagsamahan nina Coco at Julia—ang mga teleseryeng Walang Hanggan (2013) at Ikaw Lamang (2014), at ang pelikulang A Moment in Time (2013).

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Julia, sinabi niyang masaya siya sa nakikitang kasiyahan sa mukha ng aktor.

“First time kong maka-attend sa birthday ni Coco na ganito kaengrande.

“Yung mga birthdays kasi ni Coco, natataong nagti-taping kami ‘pag paparating yung kaarawan niya. So, wala ring celebration.

“’Eto pa lang talaga yung malaki niyang birthday.

“For sure naman po, super happy si Coco, kasi bilang private siyang tao, sobrang tahimik, hindi siya masyadong pa-party.

“Siguro way na rin niya ito para mag-thank you sa lahat ng mga sumusuporta at sa mga friends niya, nakakatrabaho.”

Mayroon na ba siyang gift para kay Coco?

“Meron, simple lang… nagagamit siya ’pag nagse-celebrate ang isang tao.

“Secret na lang po. Nakakahiya po, e,” sabi ni Julia.

Ano ang wish niya para kay Coco?

Ani Julia, “Lagi kong sinasabi ko na good health.

“Kasi halos lahat nasa kanya na, e. ‘Pag sinasabing Coco Martin, ano pa nga ba?

“Siguro lahat ng dini-desire ng heart niya na nais niyang matupad, for him at sa family niya, sana magkatotoo.

“At sana marami pa siyang ma-inspire na mga tao.”

Ano ang mga katangian ni Coco na nakaka-inspire sa kanya o gusto niyang i-apply sa kanyang buhay?

Pahayag ni Julia, “Marami po… siguro idyi-generalize ko na lang.

“Mahalin mo yung katrabaho mo. Mahalin mo yung katrabaho mo kasi sila yung magdadala sa kung nasaan ka.

“Kasi kung hindi mo mamahalin yung mga katrabaho mo, mahirap pa rin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, yun ang pinatunayan niya at itinuro niya sa akin.

“Kasi nakikita ko talagang isinasabuhay niya yun, e.

“Kapag may mga advice siya, nakikita ko rin naman sa kanya yun.

“So, talagang sigurado akong susundan ko dahil nakikita ko naman talaga.”



THE ART OF DEADMA. Ano yung mga advice ni Coco sa kanya na ginagawa niya ngayon?

“Siguro yung maging masaya lang.

“Kung may mga issue, deadmahin lang.

“Kung ano ka sa sarili mo, alam mo ang sarili mo, deadmahin mo lang.”

In-apply ba ni Julia sa kanyang sarili ang pangde-deadma sa mga isyu?

“Oo, kasi hindi mo mapi-please lahat, e.

“Like ako, ang daming issue sa akin.

“Sabi ko, mag-explain ako nang mag-explain, hindi rin naman sila naniniwala.


“So, okey lang, tatahimik na lang ako.”

Ano ba yung mga isyu sa kanya?

“Before pa naman… Like, yung issue na nagpagawa ng ilong, na kesyo nali-link sa ganito, sa ganyan.

“So, sabi ko, hindi ko na papatulan, tahimik na lang ako.”

Nakatulong ba nang malaki ang pagkakaroon niya ng ganitong outlook sa buhay?

Sagot ni Julia, “Opo, masaya lang kung ano lang. Happy and thankful sa mga blessings.

“Happy lang ako, positive lang.

“Yung mga haters, hindi mo maiiwasan.

“Iniisip ko na lang yung time nila nasa akin kahit hate nila ako.”



CLOSE FRIENDS. Pagdating naman sa walang katapusang tanong tungkol sa kanilang dalawa ni Coco, na puwede silang magkatuluyan, lalo’t very supportive sila sa isa’t isa, napangiti lang si Julia.

Sabi niya, “Siguro ano po muna… yun lang ang masasabi ko na busy ako sa work, busy rin siya.

“Pero yung friendship at clonesness namin, hindi naman nababawasan, hindi naman nawawala.”

Napangiti nang husto si Julia sa tanong kung may pagkakataong muntik na silang magkatuluyan ni Coco pero naudlot lang dahil sa pagiging busy nila sa trabaho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Busy lang… ang hirap sumagot! Nakakaloka!” bulalas ng 19-year-old Kapamilya actress.

IDEAL GUY. Handa na ba siyang magkaroon ng lovelife?

“Right time, right time,” nakangiti niyang sagot.

Ano ba ang hinahanap ni Julia sa isang lalaking pagkakatiwalaan niya ng kanyang puso?

“Siguro, yun nga, yung makikita kong talagang responsible siya, hindi lang bilang boyfriend kundi bilang makakapareha sa buhay.

“Masyado sigurong too forward, pero gusto ko yung matuturuan ako sa tama, hindi yung baka maligaw ako.

“Imbes na focus ako sa work at wala akong iniintindi na baka mamaya ma-divert.

“Gusto ko yung guy na talagang okey, tuturuan ako ng tamang…

“Siyempre bata pa ako, so gusto ko yung mas mature sa akin na tuturuan ako ng mga bagay-bagay sa buhay.”

Dapat ba ay taga-showbiz din ang makakarelasyom niya para maintindihan nito ang kanyang trabaho?

Saad ni Julia, “Siguro para rin maintindihan.

“Pero hindi ko rin masasabi dahil ang hirap din ‘pag showbiz.

“Kung non-showbiz naman at maiintindihan yung work… yun ang ipinagdarasal ko na tamang guy lang.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN