Julian Estrada on detained dad Senator Jinggoy Estrada: "I know he’s innocent."

Sabi ng showbiz newcomer na si Julian Estrada, gabi-gabi siyang nagdadasal na sana ay makalabas na ng kulungan ang amang si Senator Jinggoy Estrada.


“Yes, I think so.”

Ito ang matipid na sagot ni Julian Estrada nang tanungin kung sa palagay ba niya ay masaya ang kanyang amang si Senator Jinggoy Estrada ngayon dahil sa kanyang launching movie na Relaks, It’s Just Pag-ibig.

Kasalukuyang naka-detain si Senator Jinggoy sa Custodial Center ng Philippine National Police sa Camp Crame dahil sa kasong kinahaharap nito dahil sa pagkakasangkot sa P10-billion pork-barrel scam.

Sa press conference ng Relaks, It’s Just Pag-ibig sa Bella Ibarra, Quezon Avenue, Huwebes ng gabi, October 30, tinanong si Julian kung ano ang nararamdaman niya na ipalalabas ang kanyang pelikula sa panahong nakapiit ang kanyang ama.

Tugon niya, “I know naman and Lord knows that he’s innocent, and we believe that he will get out of jail soon.

“And I always pray every night for him to get out [of jail].”

Nagbiro pa ang binata na dadalhan na lang daw niya ng kopya ng pelikula sa CD ang ama para mapanood nito ang kanyang pelikula.

Kasama rin sa Relaks, It’s Just Pag-ibig ang anak ni Piolo Pascual na si Iñigo Pascual at ang newcomer na si Sofia Andres.

Tinanong din kay Julian ang advantages at disadvantages ng pagiging anak ng isang showbiz personality, dahil isa ring artista ang kanyang ama.

Sagot niya, “Disadvantage po, ‘cause my dad has been through a lot now, and I’m starting pa lang po, so this is special for me.

“Advantage po yung mga tips niya po sa akin, yung advice niya po na ibinigay sa akin: be yourself, and be confident, and be honest.”

Sa tanong naman kung tatahakin din ba niya ang career path ng kanyang ama, sinabi nitong masyado pang maaga para malaman niya.

“Right now, ’di ko pa po alam, kasi it’s my first movie pa lang po.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siguro sa susunod na lang po [malalaman ang sagot],” sabi ni Julian.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN