Gardo Versoza no plans of getting married; prefers a partner for life

Gardo Versoza with wife Ivy Vicencio and baby Uziel


Kaarawan ng baby ni Gardo Versoza na si Deity Uziel Polingtan (tunay na apelyido ng aktor) sa mismong araw ng press conference ng aktor para sa lalabas niyang bagong serye sa GMA na More Than Words.

READ Gardo Versoza baby Uziel turns one

Kasama ni Gardo ang anak sa presscon na naganap noong October 27.

Pero sa nakaraang interview niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), sinabi nitong ayaw na niyang magkaanak dahil sa pag-aalalang baka hindi niya maibigay ang tamang atensiyon o pagpapalaki sa bata.

May kaugnayan ito sa mga naglalabasang balita tungkol sa umano’y pagkakaroon ng mga anak ng aktor sa iba’t-ibang mga babae.

Kaya naman sa exclusive interview ng PEP, tinanong namin kung ano ang nakapagpabago ng isip niya na magkaroon ng anak?

Sagot nito, “Noon kasi, totoo naman na hindi ko alam kung paano maging father.

"Siguro gaya nung sinasabi nila na destiny mo, pag yun ang nakaguhit, hindi mo na siya mapipigilan.

“And as they always say, blessing yung baby.

"Ayun, nakakatuwa dahil nandiyan na siya ngayon.”

OTHER CHILDREN. Sinasabi ni Gardo na marami siyang mga anak pero hindi naman daw lumilitaw yung iba. May lumitaw na ba sa kanila?

“Pag diyan, gugustuhin ko munang quiet pagdating sa kanila.

"Like kasi para wala namang mga public figure sa kanila, unfair din naman kung gagambalain pa.”

Pero meron nga siyang mga anak?

“Oo,” mabilis niyang sagot.

Nakikita ba niya ang mga ito?

“Hindi, e. Parang sa ngayon, nagku-concentrate ako kay Uziel ngayon.”

“Masayang mahirap" daw ang maging father, "like, for me, halos lahat first time—yung mga tantrums niya, kakapain mo.

“And then matutuwa ka kapag nakikita mo yung mga responses niya na positive doon sa ginagawa sa kanya."

NO WEDDING BELLS. Siyam na taon na raw magkasama sina Gardo at ang partner na si Ivy Vicencio. Magpapakasal ba sila?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ako, na-eksplika ko naman sa kanya at tanggap naman niya...Thankful naman ako dahil naintindihan naman niya.

“Basta, sa ngayon, kamukha ng sinasabi ng iba na kapirasong papel lang yun.

"Kung hindi naman nagwu-work out yung ano [relasyon] ninyo, balewala rin.”

May trauma, takot o phobia ba siya sa kasal?

“Hindi. Parang ang nakikita ko lang sa kasal, parang, my opinion kumbaga, may feeling of ownership, e.

“Pag sinabing kasal parang antimano literal na nakatali. Unlike yung ano [’di kasal], may leeway ka, may freedom ka.

“Kumbaga, pag kasi sinabi mong asawa mo na kaagad, ah, asawa ko na ’yan, e. May gano’ng feeling.

"Pag kasi partner, like for me, mas nami-maintain yung fire and then mas hindi nawawala yung kulay...or kung paano ninyo iha-handle yung relationship ninyo.

"Like yung sa posibleng maghiwalay, ayun, nakakatakot.

"Kasi kung pinagbuklod na kayo, may basbas ng pari at blessing ni Lord, parang mahirap for me.

"Nakapangako ka na through thick and thin ’tapos all of sudden babakliin mo yun.

“So you might as well, pagbutihin niyo na lang yung pagiging mag-partners ninyo.

“Parang binibitbit niyo parehas pataas yung isa’t-isa.”

ENDURING. Paano mo ipapaliwanag kay Uziel , pag nagkaisip na ang bata, kung bakit hindi mo pinakasalan ang mommy niya?

“Siguro parang habang lumalaki at nagkakaisip na, dahan-dahanin ko para hindi na siya mabibigla.”

Natawa si Gardo sa tanong namin kung ilang anak ba ang gusto niya?

“Nakakatakot ka naman. Oo, okey na yung isa.

"Kumbaga, may little Machete na," banggit niya sa launching movie niya sa Seiko noong ’90s.

Mag-a-artista din ba si Uziel?

“Pag ginusto niya. Pero kung Machete rin naman.”

Sa mga contemporaries niya, isa si Gardo sa mga aktibo pa rin sa showbiz.

Paano niya nagawang magtagal sa industriya?

“Siguro parang yung pagiging seryoso mo sa trabaho, pagmamahal mo sa craft.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And basically just be yourself, be truthful, at pakikisama.

“Parang mas makakatulong sa iyo as an actor yung interaction ninyo.

"Mas maganda kung if you look at the brighter side [of things].”

Samantala, ang role ni Gardo sa More Than Words ay isang businessman-father. Magiging balakid daw siya sa pagmamahalan nina Janine Gutierrez at Elmo Magalona, na bida sa serye.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN