Andre Paras may give up basketball to focus on acting career

Andre Paras follows the advice of his dad Benjie Paras, "I just have to be good daw, kung saan man ako ngayon. Yun nga ang ginagawa ko, improve on it and not work on something na I’m not good at."


Masasabing proud big brother si Andre Paras sa naging achievement ng kanyang nakababatang kapatid na si Kobe Paras sa larangan ng basketball.

Kasalukuyang nasa U.S. ngayon si Kobe na nasa third year sa Cathedral High School. Pagsapit niya ng kolehiyo ay naka-commit na siyang maging bahagi ng University of California Los Angeles Bruin.

Sina Andre at Kobe ay mga anak ng dating PBA superstar at komedyanteng si Benjie Paras sa dating aktres na si Jackie Forster.

Nang eksklusibong makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Andre sa taping ng Kapuso teleserye na The Half Sisters sa UP Ayala Land Technohub, noong October 29, buong pagmamalaki siyang nagkuwento tungkol sa latest update ng training ni Kobe.

Pahayag niya, "We’re really proud of him kasi third year high school pa lang siya, na-discover na ang talent niya.

"There are other schools na nag-offer sa kanya but masaya kami na he commited himself sa UCLA.

"But apart from this, mas happy kami na kinakaya niya ang lahat ng challenges na pinagdadaanan niya dun.

"At least ngayon, lahat ng sacrifices niya ay pina-pay back na talaga."

Kumusta naman ang karanasan ng kapatid sa paglalaro ng basketball sa ibang bansa?

Aniya, "Ikinukuwento niya na sa States, mas matatangkad, malalaki.

"And then, he improves a lot, dahil mahirap talaga ang training niya dun.

"Hindi naman niya ako iniinggit. I’m just so happy for him.

"Tinatanong ko nga siya kung ano puwede niyang i-sahare sa akin para ma-improve ko rin ang sarili back here."

Dugtong pa niya, "It’s actually the same system here, the thing nga lang is, the people there are bigger.

"Si Kobe naman, he picked up really quick, he picked up very good.

"Kasi nga, when he was noticed by other people, he showed his talent talaga.

"Matapang kasi si Kobe."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

JUST LIKE DAD. Sana nga raw ay nagkaroon siya ng ganoong lakas ng loob sa hard court.

Aniya, "I wish nga na sana ay nakuha ko rin yun just like my daddy.

"Si Daddy kasi, matapang din kaya it paid off talaga.

"Yeah, I was also inspired na sana nga, ngayong bata pa rin ako, I could also go there.

"The thing is, I have this [showbiz] na, and I don’t wanna ask for more pa.

"I just have to work harder na lang siguro."

Ibig bag sabihin nito ay handa siyang talikuran ang basketball sa ngalan ng showbusiness?

Sabi ni Kobie, "Well, as of now, I love doing showbiz.

"I got the chance to entertain people, and it’s my dream talaga.

"After I finish college, I hope I can study film or anything behind the camera."

Dagdag pa niya, "Quitting basketball? Maybe.

"There’s nothing wrong for me quitting or giving up something.

"But in the future, if you’re gonna ask me same question, kung ano ang bibitawan ko, I still don’t know.

"I haven’t been there yet, so let’s see."

Ano naman ang sinasabi sa kanila ng ama niya tungkol sa pagbabago ng kanyang priorities?

Ayon sa 18-year-old cager/actor," Si Daddy naman, he was able to separate yung pagiging athlete niya sa pagiging actor niya, ’di ba?

"He just tells us to really work hard.

"Kasi not everybody daw has the talent to play basketball.

"I just have to be good daw kung saan man ako ngayon.

"Yun nga ang ginagawa ko, improve on it and not work on something na I’m not good at."

Kaya nga raw, may payo siya sa nagsisimula pa lang magbuo ng kanilang mga parangap kahit saan mang departamento ito ng buhay.

Aniya, "For those building their dreams, ang masasabi ko lang is, kung saan ka magaling o kung saan sa tingin mo ay kaya mong gawin, dun ka na lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"But it doesn’t mean also na you have to totally na iwanan whatever skills na meron ka pa.

"Kasi you really don’t know what’s in store for you sa future.

"Pero kailangang maging happy ka talaga kung ano mang path ang i-choose mo sa life."

Tungkol naman sa kanyang showbiz career, wala naman daw pagsisisi na dito siya naka-focus nang husto ngayon.

Ani Andre, "Wala naman.

"Sabi ko nga, whatever GMA gives me, I happily accept it kasi nga, blessing itong masasabi.

"Binibigyan naman nila ako ng importance that I need, kaya cool lang talaga ako.

"Wala pa naman akong mataas na expectations kasi alam ko na bago pa lang ako.

"Marami pa akong dapat na i-prove at i-improve nga."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN