Janine Gutierrez on GMA Princess tag: “... I’m flattered.”

Janine Gutierrez on "GMA Princess" tag: “Goal ko rin naman po na mapatunayan yung sarili ko. I mean, sino ba namang artista ang hindi naghahangad na maging proud yung network sa iyo? So gusto ko lang po talagang maging magaling.”


Kapag iniinterbyu si Lauren Young ay magagandang bagay ang mga sinasabi nito tungkol kay Janine Gutierrez.

Pero tila sina Lauren at Elmo Magalona ay hindi pa gaanong maayos ang sitwasyon.

Na-link sina Lauren at Elmo dati, habang magkasintahan naman ngayon sina Janine at Elmo.

“Naku, hindi ko po alam,” ang sagot ni Janine nang tanungin tungkol dito.

“Dapat si Mo yung tanungin niyo.”

Nagpapasalamat naman si Janine sa mga magagandang sinasabi ni Lauren tungkol sa kanya.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang dalaga sa presscon ng upcoming drama series ng GMA na More Than Words noong Martes, October 28, sa GMA Network Center.

Ang More Than Words ay pinagbibidahan nina ,bilang Ikay/Katy Perez, at Elmo, bilang Hiro/Juan Sebastian Santillan III.



MUTUAL EXCLUSIVITY. Samantala, dahil nga open na ang relasyon nila ni Elmo ngayon, hindi na siya maaaring ligawan ng iba at si Elmo rin ay hindi na maaaring manligaw sa iba.

“Dapat!” at tumawa si Janine.

“Hindi. I mean siyempre may understanding naman, kami na.”

Seloso ba si Elmo?

“Ay, dapat siya po yung tanungin n’yo,” natatawa niyang sagot.

Aminado si Janine na siya mismo ay medyo mag pagkaselosa.

SUPPORTIVE. Pagdating naman daw sa ibang mga bagay tulad ng mga damit na isinusuot ni Janine ay walang pagbabawal o reklamo si Elmo.

“Sobrang supportive nga niya sa mga shoot na ginagawa ko and ’yon, super-supportive talaga si Mo actually when it comes to the things I do, kahit yung mga bagay na ginagawa ko na magkahiwalay kami,” pagmamalaki niya.

Wala pa raw silang plano ni Elmo kung paano ise-celebrate ang Pasko. Pero may balak ba silang mag-abroad ulit matapos ang kanilang Hong Kong vacation?

“Gusto ko po. Ang dami ko pa pong gustong puntahan kasi parang I have so much to catch up on kasi ngayon lang ako nakakapag-abroad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Gusto ko po talaga,” saad niya.

THANKFUL. Ano ang masasabi niya na pagkatapos ng Villa Quintana (VQ) ay bida silang muli ni Elmo sa More Than Words?

“Super thankful! Talagang excited ako para dito kasi iba yung kuwento, bago yung kuwento ’tapos nagpapasalamat ako sa GMA na binigyan ulit kami ni Mo right after ng VQ.”

Medyo lighter ang More Than Words kaysa sa Villa Quintana.

“So iba naman,” dagdag pa ni Janine.

Ano ba ang mas gusto niya: heavy or light drama?

“Iniisip ko nga kung ano yung mas mahirap ’tsaka kung ano yung mas madali pero sobrang iba kasi,” paliwanag niya.

Mahirap ring magpatawa tulad ng gagawin niya sa MTW.

Madalas din daw na hindi siya makapagpigil ng tawa kapag kaeksena niya si Jaclyn Jose.

Kuwento niya, “Super funny! As in minsan kaeksena ko siya ’tapos siyempre bawal matawa, pero natatawa ako sa kanya.

“Kasi si Tita Jane [Jaclyn], ang galing.

“Siyempre napanood ko po siya, karamihan drama, pero dito, nakakatawa yung mga punchline niya so talagang minsan kailangan nagpipigil ako.”

GMA PRINCESS? Hiningan naman namin ng comment si Janine kung ano ang nararamdaman niya na isa siya sa itinuturing na prinsesa ng GMA.

“Wow!

“Well, I’m flattered,” ang tila nahihiyang reaksiyon ni Janine.

“And siyempre, goal ko rin naman po na mapatunayan yung sarili ko.

“I mean, sino ba namang artista ang hindi naghahangad na maging proud yung network sa iyo?

“So gusto ko lang po talagang maging magaling,” dagdag pa niya.

May pressure rin ba ito para sa kanya? O may mataas bang expectations ang GMA sa kanya?

“Opo, siyempre kasi ang dami namin, e. Very competitive yung industriya, ’di ba?

“So kailangan patunayan mo na worthy ka sa mga opportunities na binibigay sa iyo.

“So gusto ko lang po talagang sulitin,” ani Janine.

NO MORE BEAUTY QUEEN ASPIRATIONS? Ang pagsali ba sa beauty pageant ay talagang wala na sa kanyang mga plano?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dahil sa kanyang ganda at “regal” na pagkilos, marami ang humihikayat kay Janine na sumali sa Binibining Pilipinas o sa Miss World Philippines.

Pagklaro niya, “As of now ito [showbiz] po talaga ang focus ko, e.

“Gusto ko po talagang matutunan kung paano ito.”

Ang goal ng dalaga ay magkaroon ng acting award.

“Gusto ko talaga gumawa ng movies, gusto kong mabigyan ng iba-ibang klaseng roles,” panalangin niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN