Nadine Lustre on Ericka Villongco: "Hindi naman kami magkaaway or anything..."

Nadine Lustre on Ericka Villongco: "I’m not against her naman okay naman kami hindi naman kami magkaaway or anything,"


Nakausap nga raw ni Nadine Lustre sa Twitter ang naging girlfriend ni James Reid na si Ericka Villongco.

Binanggit ito ng VIVA star sa kanyang birthday party noong October 31, sa The Glass Garden, Pasig City.

VIEW PHOTOS Nadine Lustre celebrates 21st birthday

Ang kuwento ni Nadine sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba oang miyembro ng press, “Well, nagkuwento siya ng konti.

"I’m not against her naman. Okay naman kami. Hindi naman kami magkaaway or anything so para sa akin lang siyempre, parang from a breakup, masakit din.

"Kasi ako na-experience ko din yung ganyan so mahirap talaga.”

ADVICE TO ERICKA. Nagkakuwentuhan daw sila, at ang naging advice ni Nadine kay Ericka:

“...kaya mo yan, keep being happy lang, ’wag ka made-depress. Yun lang."

Newcomer Ericka Villongco breaks silence about breakup with James Reid

Pero nilinaw ni Nadine na hindi nila napag-usapan talaga ang detalye ng breakup.

“Actually hindi, nakuwento niya lang na na-feel bad nga daw siya, nalulungkot siya, yun lang.

"Pero hindi ko na pina-elaborate sa kanya kasi wala naman akong right na magtanong in the first place, binigyan ko na lang sila ng privacy.”

Hindi naman daw kasi siya talagang involved.

Dagdag pa ng dalaga, "...ayoko rin naman makialam, hindi pa naman kami masyado close that time, sobrang saglit ko pa lang nakakatrabaho nun si James, Diary ng Pangit pa lang nung time na yun.

“Wala rin ako sa posisyon na makialam.

"Ako parang, ’Okay, it’s your problem. Kayo na mag-handle diyan.’"

Ano naman ang naging reaksyon niya nang sinabi ni Ericka na boto naman siya sa kanila ni James?

“Masaya, well kasi, at least kahit papano, kahit hindi maganda yung breakup nila ni James, somehow may supporta pa rin siya sa ’kin and kay James. Masaya naman ako,” sagot ni Nadine.

NOT THE CAUSE OF BREAKUP. Apektado ba siya ng mga bashers na nagtuturo sa kanya bilang dahilan sa hiwalayan nina James at Ericka?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Wala, kasi hindi ko naman na kailangan i-explain sa kanila yun. Kasi hindi naman talaga, plus kung ayaw naman nila maniwala, hindi ko naman problema yun.

"Pero at least we all know the truth naman talaga."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN