Director Romy Suzara recounts recurring dreams about late action star friends Fernando Poe Jr. and Rudy Fernandez

Direk Romy Suzara hazards a guess as to why he gets recurring dreams about his late action star friends Fernando Poe Jr. and Rudy Fernandez: “Ang duda ko na message nila, tapusin ko yung mga pelikula...”


Ang madalas na pagpaparamdam at pagpapakita sa kanya sa panaginip ng mga pumanaw na kaibigan na sina Fernando Poe Jr. at Rudy Fernandez ang ikinuwento sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng award-winning veteran director na si Romy Suzara.

May dalawang unfinished movies si FPJ bago ito namatay noong December 14, 2004 na parehong si Romy ang direktor—ang Kahit Isang Butil, Wala Akong Ititira at Tahimik Ngunit Mapanganib.

Kumandidato si FPJ bilang Presidente ng bansa noong 2004, at nang matalo sa eleksyon, kinausap niya si Romy at sinabihang tatapusin nila ang mga nabanggit na projects pero hindi na nangyari dahil binawian siya ng buhay.

VISITS FROM FPJ. Kuwento ni Direk Romy, “Noong matalo siya sa eleksiyon, sabi niya sa akin, ’Tapusin na natin yung pelikula.’ E, namatay. Sayang ang pelikula.

“Ngayon si FPJ, palaging nagpapakita sa akin sa panaginip. Parati, almost everyday. Napapanaginipan ko palagi.

“So one time, nagpunta ako sa espiritista, sabi ko, ’Bakit nagpapakita si FPJ?’

“Sabi ng espiritista, ’Puntahan mo si FPJ, kausapin mo.’ So pinuntahan ko sa Manila North Cemetery, midnight.

“Nagpunta ako roon, lumakas yung hangin, may picture si FPJ doon, gumalaw ’yon. Tinatanong ko kung bakit. E, wala namang sagot, so walang message.

MEMORIES OF RUDY FERNANDEZ. Kinuwento rin ni Direk Romy ang pagkikita nila ni Daboy noong mga panahong lumalala na ang kanyang sakit na pancreatic cancer.

Balik-tanaw niya, “Si Daboy, nung magkaroon ng kanser, ipinatawag kami, lahat ng direktor niya. Nung dumating ako kay Daboy, sabi ko, ’Daboy, parang nagpapaalam ka.’

“Sabi niya, ‘Hindi ha? Punta lang ako sa States dahil may na-discover na gamot para sa pancreatic cancer.

“Sabi ko, ’Bakit sa States, bakit hindi ka sa China pumunta?’ Nag-away pa kami.

“Nung aalis na kami, sabi ni Daboy, ‘Direk maiwanan ka.’

"Inihahatid ni Daboy lahat, pagbalik niya, tumatakbo at saka hindi humihingal. Kung hindi mo alam na may sakit, sasabihin mo normal na normal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nung dalawa na kami, sabi niya, ’Direk, alagaan mo ang sarili mo. Mahirap ang magkasakit.’ Umiiyak siya so nagyakap kami.

“Buti nga walang media, kung hindi mapagkakamalan kami na mag-boyfriend.

“Sabi niya, ’Direk, miss ko na yung pelikula.’ Sabi ko, gawa tayo ng pelikula, hindi na pupuwede ang action.

“Gawa tayo ng love story. Kung napanood mo yung Autumn in New York, gawin natin ganoon. Baligtad nga lang, ikaw ang may kanser.

“Sabi niya, ’Ayusin mo yung story, one month lang naman ako sa States. Pagbalik ko, i-shoot natin.’

“Dumating yung one month, sumalubong ako. Nakita ko si Daboy, naka-wheelchair, saka iba na ang hitsura. From the airport, diretso na siya sa ospital.

“Dumating si Rosa Rosal, so lumabas na ako, usap-usap sila.

“Nang lumabas si Rosa, sabi sa akin, ’Yung kaibigan mo, bilang na ang araw. Manas na yung legs.’

"Pag manas na pala, wala ka nang pupuntahan.

“Sabi ni Daboy kay LT [ Lorna Tolentino, Rudy’s wife], iuwi na siya.

“Medyo nagkakasagutan kami ni LT. Sabi ko, ’LT bakit naman iuuwi mo? Paano kung atakehin ‘yan? Walang doktor, tatawag pa kayo ng doktor. Bago pa makarating ang doktor, patay na.’

“Sabi ni Daboy, siya ang may gusto. Huwag nang tumawag ng doktor. Sabi niya, hirap na hirap na siya.

“Yun ang nangyari. After a few days, namatay na si Daboy.”

MESSAGES FROM BEYOND. Patuloy pa niyang kuwento, “Bumalik ngayon yung panaginip. Dalawa na, si FPJ at saka si Rudy, madalas ko na napapanaginipan.

“Merong ibig sabihin. Merong gustong ipahiwatig na hindi ko malaman kung ano.

“Ang mabuti lang, hindi nila ako tinatawag na sumama sa kanila. Yun lang ang dasal ko, huwag akong tawagin. Basta gagawin ko kung ano ang gusto nila.

“Punta naman ako kay Daboy, dinayo ko yung Heritage Park. Musoleo yung kay Daboy. Hindi mo siya mahahawakan, nasa labas ka lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang duda ko na message nila, tapusin ko yung mga pelikula dahil kaya kong pagdugtungin yung dalawang pelikula, kaya kung buuin.

“Kung papayag si Susan Roces o si Senador Grace Poe, puwedeng tapusin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN