Derrick Monasterio on his not-so-serious lovelife: “May nagpapakilig pero wala pa talaga yung seryosohan.”

Derrick Monasterio is willing to put his lovelife on hold for the sake of his career: "Okey naman ako sa ganitong situation kasi, busy rin nga ako sa maraming bagay. Baka kasi pag nagseryoso ako, maraming opportunities ang mawala sa akin, sayang naman yung mga pinagpaguran ko, ’di ba?"


Pinagtatawanan lang ni Derrick Monasterio ang biro tungkol sa kanya na sa mga baguhang artistang lalaki, isa siya sa may ipinagmamalaking “hinaharap.”

Nagsimula ang biruang ito nang mag-post siya ng litrato sa kanyang Instagram account kunsaan naka-board shorts lang siya at kapansin-pansin nga raw ang nakabakat sa kanyang shorts.

Kuha raw ito sa Baler, Quezon, kunsaan naisipan niyang i-try ang surfing kasama ang kanyang mga kaibigan.

Natatawang reaksiyon ni Derrick, "Hindi po.

"Teka, puwede bang ang tungkol sa career ko ang pag-usapan at hindi tungkol sa...

"Ewan ko, ganun talaga, nasa beach e, " sabay biro namin sa kanya na mas mabuti na yun kaysa sa wala.

"Kunsabagay," muling natatawang banggit niya.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang Kapuso actor sa taping ng The Half Sisters sa UP Ayala Land Technohub noong October 29.

GETTING SPORTY. Mahilig ba talaga siya sa surfing?

Aniya, "Hindi naman po, gusto ko lang i-try lahat ng sports.

"Gusto ko ring maging athletic, tulad ni Derek Ramsay. Naks!

"Gusto ko rin maging isang fit na actor. Hayun!"

Paano naman niya binabalanse ang kanyang oras, lalo na’t busy rin siya sa kanyang trabaho?

Sabi ng anak ng dating aktres na si Tina Monasterio, "’Hindi naman lahat ay pinagkakaabalahan ko gawin, not every time naman.

"Basta, kung may free time ako, dun talaga ang nagyayaya sa mga kaibigan ko.

"Nagdyi-gym, nagwu-workout, nagpapapawis."

CLEAN-SHAVEN LOOK. Pagkatapos nito ay pinansin namin ang kanyang new look.

Mula sa pagiging balbas-sarado ay balik na siya sa pagiging clean-shaven.

Bakit nga kaya naisipan na niyang ahitin ang kanyang bigote?

Paliwanag ni Derrick, "Kailangan na kasi sa eksena [para sa Half Sisters].

"Sa eksena kasi, parang na-depress ako, kaya dapat new look ako, parang ganun.

"May kailangang gawin akong bago sa buhay ko, kaya heto ang naisip kong gawin.

"Okay naman po sa akin yun, kasi yung dati, parang experiment nga lang yun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Marami nga raw ang nanghinayang dahil marami raw ang nagsabing ang lakas daw ng dating ng dati niyang ruggedly handsome look.

Saad niya, "Marami ang may gusto, pero marami rin ang ayaw.

"Pero ngayon, itong look ko, marami ang ayaw.

"Madali lang naman magpatubo, e.

"Kung talagang yun ang gusto ng tao, why not? Puwede naman akong magpatubo ulit after ng show."

WISHES TO RECORD ALBUM. Ano naman ang plano sa kanya ng GMA Artist Center pagkatapos ng Half Sisters? May nakalinya na ba para sa kanya?

Tugon ng 19-year-old Kapuso actor, "Hindi ko pa rin po alam.

"Sana matuloy na ang agreement between them sa Universal Records, para makapag-record na ako ng abum.

"O, kahit hindi album. Kahit digital download lang, para at least, kapag nag-hit yun, puwede nang mag-release ng album para kumita."

ON BARBIE. Dahil nasa harapan lang niya si Barbie Forteza na siyang screen partner niya, kinumusta rin namin ito sa kanya.

Mukhang hindi naglevel-up ang special friendship nila noon dahil kay Issa Pressman na siyang nali-link ngayon.

Napapangiting sabi niya, "Siyempre, ano naman, ganun pa rin.

"Alam namin ang secret sa isa’t isa, at close pa rin kahit paano.

"And sobrang wala na kaming madi-discover pa sa mga sarili namin kasi, na-discover na namin."

Dugtong pa niya tungkol sa isyu ng pagli-level up, "Ewan ko, malay natin.

"Hindi po natin alam, malawak ang future.

"Bata pa ako, bata pa rin siya, hindi naman kami nagmamadali, e. Kaya hintay-hintay lang."

LOVELIFE NOT A PRIORITY. Nasa punto ba siya ng buhay niya na marami pa siyang gustong maranasan o gusto pang gawin, kaya hindi niya priority ang lovelife?

Pasubali niya, "Hmmm, ano ba?

"Marami naman po akong nakikilala, marami naman po akong friends.

"May nagpapakilig pero wala pa talaga yung seryosohan.

"Okey naman ako sa ganitong situation kasi, busy rin nga ako sa maraming bagay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Baka kasi ’pag nagseryoso ako, maraming opportunities ang mawala sa akin. Sayang naman yung mga pinagpaguran ko, ’di ba?"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN