Frank Magalona advises brother Elmo to ignore bashers: “If these people do not understand... problema na nila iyon.”

Frank Magalona on bashers of his brother Elmo’s relationship with Janine Gutierrez: “But of course, not everyone is happy about it. Pero sabi ko naman kay Elmo not to mind them because he did something that made him and Janine very happy. If these people do not understand that, problema na nila iyon.”


Si Frank Magalona na pala ang namamahala sa mga designs ng T-shirt business ng kanilang pamilya na Three Stars and a Sun.

Fine Arts graduate si Frank sa University of the Philippines, Diliman, Quezon City kaya sa kanya na pinamahala ang mga bagong disenyo ng kanilang T-shirt business.

“Right now, we’re making major changes in the designs para makuha pa namin ang maraming buyers.

“Marami na kasing dumarating na mga foreign brands ngayon and we still want to be competitive.

“Kaya we are coming up with different designs, colors para mas magkaroon pa ng malakas na appeal sa publiko.

“Since I’m the one in the arts and I know a lot about design, ako na ang namamahala sa branding and new designs for Three Stars and a Sun.

“I’m also in charge of marketing. Ako ang nakikipag-usap sa mga buyers and distributors ng shirts.

“Kaya kung hindi ako masyadong busy with showbiz work, dito naman ako sa business namin.

“Additional income din ito for me and it’s also taking care of the legacy that my dad [the late Francis Magalona] left us,” pahayag pa ni Frank nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa GMA Network Center kamakailan.

Dahil nga sa pagdating ng mga foreign brands ngayon, inamin ni Frank na malaking challenge ito sa kanilang business dahil hindi naman ito kasing-laki ng mga big-name brands na nagdadagsaan ngayon sa mga malalaking malls.

“We are a small company kung ikukumpara sa mga big-name brands ngayon.

“But what’s good is that we still have loyal customers. Nandiyan pa rin yung mga may gusto ng Three Stars and a Sun shirts namin.

“I guess ang maipagmamalaki namin is that our brand is a genuine Filipino product.

“’Tsaka nakatatak na siya sa isipan ng maraming tao because of my dad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ngayon nga that we are coming out with new designs, we are hoping na lalawak pa ang market namin,” ngiti pa niya.

MIXING BUSINESS AND SHOWBIZ. Napagsasabay nga ni Frank ang pag-asikaso ng family business sa kanyang showbiz career.

Kasalukuyang nasa teleserye na Yagit si Frank kunsaan gumaganap siya bilang kaibigan ni Renz Fernandez.

“Wala namang nagiging conflict when I have taping for Yagit.

“I can always keep track of our business by phone. May mga reliable people naman kami in our staff to take care of things kapag hindi ako available.

“Kapag tapos naman na ang taping, yung negosyo naman ang hinaharap ko.

“I’ve learned to balance everything.

“It was a big challenge for me noong una because big responsibility ang asikasuhin ang family business.

“But I am learning every day.

“Mas naging responsableng tao ako dahil sa business namin,” aniya.

NO TIME FOR LOVE. Dahil abala sa pag-asikaso sa kanilang negosyo si Frank, wala na raw itong time sa kanyang lovelife.

Hanggang pa-date-date na lang daw siya dahil hindi pa raw niya kayang mag-commit fully sa isang relationship ngayon.

“Actually, boring ang lovelife ko. Wala e,” tawa pa niya.

“I do go out on dates but hanggang doon lang.

“I’m really focused on our business and of course, may commitment din tayo sa trabaho natin sa GMA.

“I guess it’s better this way para walang masyadong pressure on my personal life.

“Tama na yung busy tayo sa showbiz at negosyo. Wala munang lovelife,” diin niya.

HAPPY FOR BROTHER ELMO’S LOVELIFE. Hindi ba siya naiinggit sa lovelife ng kanyang kapatid na si Elmo Magalona, lalo na’t inamin na nila ni Janine Gutierrez ang kanilang matagal nang tinatagong relasyon?

“I am not jealous; I am actually happy for him.

“Noong aminin na nga niya na sila na ni Janine. Good for both of them.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Para wala na rin silang tinatago from their fans.

“But of course, not everyone is happy about it. May mga bashers and haters pa rin sila.

“Pero sabi ko naman kay Elmo not to mind them because he did something that made him and Janine very happy.

“If these people do not understand that, problema na nila iyon.

“What’s important is that they are happy with the love they have for one another,” pahabol ni Frank.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN