Niño Muhlach’s wish for son Alonzo: “I want him to have his own identity.”

Niño Muhlach (left) is optimistic that his son Alonzo (right) will step out of his dad’s shadow: “I know na may mga magku-compare sa aming dalawa. Hindi maiiwasan iyon. I want him to be Alonzo Muhlach and not just the son of Niño Muhlach.”


Natatawa lang si Niño Muhlach kapag tinatawag siyang “stage father” dahil artista na nga ang kanyang apat na taong gulang na anak na si Alonzo Muhlach.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang dating child actor sa huling shooting day ng Metro Manila Film Festival entry na My Big Bossing (“Prinsesa” episode) sa Paco Park sa Manila noong October 29.

Sinabi ni Niño na inaasahan na raw niyang matatawag siyang stage father, pero ikinuha nga raw niya ng manager ang kanyang anak para hindi raw siya ang ma-stress sa career ni Alonzo.

Kuwento niya, “Kaya kinausap ko si Tita Aster (Amoyo).

“Pinakiusapan ko kung puwede bang siya na ang tumayong manager ni Alonzo? Maganda naman ang naging usapan namin.

“Si Tita Aster kasi, parang nanay ko na ‘yan.

“Lahat ng mga naganap noon sa buhay ko—mapa-career, negosyo, lovelife—alam niya lahat. Kaya siya ang pinagkatiwalaan namin kay Alonzo.

“Kasi kung ako pa ang mag-manage, ma-stress lang ako.

“Marami rin tayong inaasikaso, tulad na lang ng mga negosyo namin (Muhlach Ensaymada, El Niño Apartelle). Nakatutok ako doon talaga.

“Kaya it’s better na may ibang nag-aasikaso kay Alonzo.

“Somebody na trusted ko na at alam ang pasikot-sikot sa showbiz.

“Ang naisip ko talaga ay si Tita Aster.

“Kapag may mga projects si Alonzo na darating, si Tita Aster na ang makipag-usap and then i-consult na lang siya sa akin.

“Pero bilang si Tita Aster nga ang manager, yung final decision ay sa kanya.”

MORE PROJECTS. Bukod nga sa My Big Bossing kunsaan bida sina Vic Sotto at Ryzza Mae Dizon, kasama rin si Alonzo sa cast ng isa pang MMFF entry na Kubot: The Aswang Chronicles na pinagbibidahan naman ni Dingdong Dantes.

“Pinakaunang movie ni Alonzo was The Trial. Maliit lang ang role niya doon, pero marami naman ang natuwa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nakilala naman siya ng marami kasi lumabas na siya before sa shows ng ABS-CBN na Bet On Your Baby at sa Pinoy Big Brother: All-In.

“Tapos, dumating na nga ang dalawang movies for the MMFF. Tapos, pareho pang malalaki ang movies at maganda ang roles na binigay nila kay Alonzo,” ngiti pa ni Niño.

SHOWBIZ BIRTHRIGHT. Kabilang ang pamilya Muhlach sa matatawag na “showbiz royalty” dahil sa mga sikat na artistang nagpasikat ng pangalan na ito tulad nina Amalia Fuentes, Liezl Martinez, Aga Muhlach, Arlene Muhlach, Almira Muhlach at siyempre, si Niño na nakilala bilang Child Wonder of Philippine Cinema noong dekada ‘70s.

Kaya hindi nga hindi malayong may mag-artista sa dalawang anak ni Niño at nagkataon na si Alonzo iyon.

“Sabi nga nila, nasa dugo na ng anak ko ang pagiging artista.

“Pero never kong naisip na mangyayari iyon.

“Basta na lang nangyari at nagtuluy-tuloy na.

“As a parent, masaya ako for my son kasi nagsisimula pa lang siya, malalaking artista na ang mga nakakasama niya.

“Tulad ko nga noong nagsimula ako, mga big stars agad ang mga nakasama ko.

“I just want my son to enjoy it. Huwag niyang isipin na trabaho ito.

“Ako kasi noon, ang alam ko maglalaro lang ako sa set. Shooting na pala iyon,” natatawang pag-alala ni Onin.

SON SHOULD HAVE HIS OWN IDENTITY. Dahil nga isang award-winning child actor si Niño noon, hindi rin mapipigilan na mai-compare ang anak niya sa kanya.

“Ayokong ma-pressure si Alonzo.

“I know na may mga magku-compare sa aming dalawa. Hindi maiiwasan iyon.

“As much as possible, ayokong dumaan ang anak ko sa ganyan.

“I want him to have his own identity.

“I want him to be Alonzo Muhlach and not just the son of Niño Muhlach,” diin niya.

UNSURPASSED LEGACY. Sa kasagsagan ng kanyang showbiz career, si Niño ang naging busiest at highest-paid child actor noong ‘70s. Gumawa siya ng higit na 40 pelikula na siya lahat ang bida at lahat ay kumita sa takilya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagbabalik-tanaw niya, “Realistically speaking, walang ibang child actor na nakagawa ng mga ginawa ko noong araw.

“Nagbida ako in more than 40 films.

“Ngayon nga tinatanong ko ang sarili ko kung paano ko nagawa iyon? Hindi ko rin alam, e.

“Given the situation ng film industry ngayon, imposibleng may makagawa pa ng gano’n.

“Noon naman kasi, ang pelikula ang pinaka-business natin. Walang mga teleserye noon, e. Puro mga movies lang. Kaliwa’t kanan ang mga pelikula noon.

“Ngayon, ang kinakabuhay na ng mga artista ay ang TV. Kapag wala kang teleserye, wala kang trabaho.

“Kaya nagpapasalamat ako that I made a name for myself through the movies I made.

“Ngayon kasi makikilala ka lang kapag nagbida ka sa isang teleserye.”

SADDENED BY FILM INDUSTRY’S DEMISE. Isa si Niño sa mga nalulungkot dahil sa nangyayari ngayon sa local film industry.

Lahad niya, “Nakakalungkot lang isipin na kakaunti na lang ang mga film producers ngayon.

“Unlike noon na ang dami nila. Kapag tapos ka na sa movie ng producer na ito, lipat ka naman sa iba.

“Ang pinaka-active ngayon is Star Cinema. Although nandiyan pa rin naman ang Regal and Viva Films.

“Yung iba, tuwing MMFF mo na lang nababalitaan.

“Kasi nga kapag Christmas lang naman may pinakamaraming local movies na pinapalabas.

“The rest of the year, iilang local films lang ang nagagawa at karamihan mga indie films. Na-dominate na ng mga big Hollywood movies.”

NO PLANS TO PRODUCE FILMS. Wala nga sa plano ni Niño na maging active sa pag-produce ng pelikula. Masaya na raw siya sa mga hinahawakan niyang mga negosyo.

“Ayoko ngang ma-stress, ‘di ba?” tawa pa niya.

“Happy na ako sa mga hinahawakan kong businesses namin.

“Mahirap na ang makipaglaban ka sa malalaking foreign movies.

“Manonood na lang ako kesa sa mag-produce!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN