Ryzza Mae Dizon’s pregnant mom narrates thrill-ride experience in Hong Kong Disneyland

Nag-enjoy man sa kanilang pagbisita sa Hong Kong Disneyland, nawindang ang ina ni Ryzza Mae Dizon na si Rizza Dizon nang sumakay sila sa Space Mountain na hindi niya akalain ay isa palang roller-coaster ride.


CAUSEWAY BAY, HONG KONG. Mabuti na lang at hindi napaanak nang wala sa oras ang nanay ni Ryzza Mae Dizon na si Rizza Dizon nang dahil sa isang ride sa Hong Kong Disneyland.

Five months pregnant ngayon ang ina ni Ryzza.

Noong Sabado, November 1, namasyal sila sa Disneyland kasama ang ate ni Ryzza na si Nicole at bunsong kapatid na si Nathan.

Buong-ningning na sumakay si Mommy Rizza sa isa sa mga attraction sa Tomorrowland na Space Mountain.

Ang akala raw ng ina ni Ryzza ay simpleng ride lang ‘yon na pambata. Hindi niya in-expect na ‘buwis-buhay’ pala ito na roller-coaster, na feeling niya any moment ay mapapaanak siya o katapusan na ng buhay niya.

Ang description na nakasulat sa official website ng HK Disneyland tungkol sa nasabing attraction ay:

“Rocket at warp speed to synchronized music and sound effects on this one-of-a-kind indoor roller-coaster. Launch into the inky blackness of the nether reaches of space.

“Known for its exhilarating hairpin turns, quick dips, high tech sound and special effects, this state-of-the-art space journey takes you past shooting stars, careening comets and into the future!”

Sabi ng Mommy Rizza sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong gabi na nakabalik na sila ng hotel, wala siyang nabasang sign doon na bawal ang ride na iyon sa mga buntis kaya kampante siyang sumakay kasama ng mga anak niya.

Hindi pa rin kasi gaanong malaki ang tiyan ng nanay ni Ryzza at kung hindi mo alam na buntis siya ay puwede mong isipin na mataba lang siya.

Ang sabi niya pa, pumasok sa height requirement si Ryzza at ang five-year-old na bunsong si Nathan kaya akala niya ay pambatang ride lang iyon.

Halos magka-height lang ang nine-year-old na si Ryzza at ang bunsong si Nate.

Huli na nang matuklasan niyang nakakawindang na roller-coaster na paikut-ikot at pagkabilis-bilis pala ang Space Mountain.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Grabe talaga. Hindi ko alam na ganun ‘yon. Pagkatapos, tatlong oras ako bago nahimasmasan!” ang medyo windang pang bulalas ni Mommy Rizza sa PEP.

Dahil sa nangyaring ‘yon ay umupo na lang daw muna siya at nagpahinga.

Hilung-hilo at hinang-hina siya pagkatapos na akala niya ay mawawalan siya ng ulirat.

Kaya ang mga bata na lang ang umikot at nag-enjoy sa nasabing theme park.

After three hours ay umokey na ang lagay ni Mommy Rizza at pakiwari niya ay hindi naman natagtag ang bata sa loob ng tiyan niya.

Pero hindi na siya sumakay ng anumang rides at pinanood na lang ang mga anak niya.

FIRST TIMERS. Kuwento ni Mommy Rizza, sobrang enjoy ang tatlong anak niya sa HK Disneyland, lalo na ang first timers doon na sina Nicole at Nathan.

Kung halos panawan siya ng ulirat sa sobrang pagkahilo at pagkalula sa Space Mountain, ang tatlong bagets ay super-enjoy sa nasabing ride.

Bukod doon ay sumakay pa raw ang tatlo sa Autopia ride na mga kotse-kotseng minamaneho at sa isang parang ferris wheel na bago lang daw at wala pa roon nung last year na mag-Disneyland sila ni Ryzza.

Nagkaroon man ng konting aberya ay masaya ang bonding moments ng mag-iina sa HK Disney, na siyempre pa ay treat ni Ryzza sa kanyang pamilya.

Tuwang-tuwa si Aleng Maliit na nakapiling niya sa abroad for the first time ang kanyang mga kapatid.

Nagbalik ng Hong Kong si Ryzza kasama ng EB Dabarkads dahil sa show nila rito kahapon, November 2, na ginanap sa Chater Garden sa Central District.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN