James Reid admits bad breakup with Ericka Villongco

James Reid on breakup with Ericka Villongco: "We didn’t end as friends, but I think it was better that way for everyone."


Nagsalita na si James Reid tungkol sa ex-girlfriend niyang si Ericka Villongco

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si James sa birthday party ng ka-loveteam niyang si Nadine Lustre noong Biyernes, October 31, sa The Glass Garden, Santolan, Pasig City.

Dito ay pinatotohanan ni James na hindi naging maganda ang hiwalayan nila ni Ericka.

"Well, actually if you read my YES! magazine [interview], I said in there, it was a bad breakup.

"We didn’t end as friends, but I think it was better that way for everyone."

Sinabi rin ni James ang rason ng hiwalayan nila pagkatapos ng tatlong taong relasyon.

“I wanted to take my showbiz career seriously.

"And I found it too hard when I was handling both at the same time—relationship and work.

"I had such a big opportunity, I didn’t wanna waste it."

Ngunit taliwas sa sinabi ni Ericka, iginiit ni James na nagkaron ng closure ang relasyon nila.

"There was closure. There was a decision to break up so… she understood naman."

Naiintindihan naman daw siya ni Nadine noong mga panahong kahihiwalay lang nila ni Ericka.

Sabi ni James, “Nadine was a good friend.

"She knew what I was going through, so she’s really helpful, really understanding."

NADINE LUSTRE. Nabanggit din ni James ang birthday wish niya para kay Nadine.

“She has everything she wants.

"She’s successful, she has work, she has her family, she has friends. What more can a girl ask for?

"So I just wish that she’s happy."

Inaasahan din daw ni James na umpisa pa lang ang lahat ng ito para sa kanila ni Nadine, at lalo pa silang magiging close sa mga susunod nilang proyekto.

“Our loveteam is just getting started, it’s our first year.

"Whether or not we want to, we’re gonna get closer."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN