Myrtle Sarrosa admits to dating son of Senator Grace Poe

Myrtle Sarrosa is the November cover girl of FHM magazine, a sign she’s ready to shed off her wholesome image. She says, "It’s my way of saying, ’Hello Philippines, Hello World!’"


Mula sa pagiging wholesome at isang cosplayer, ginulat ng Pinoy Big Brother Teen Edition 4 winner na si Myrtle Sarrosa ang marami dahil sa pagpu-pose niya sa FHM Magazine November 2014 issue.

Nali-link din si Myrtle sa anak ni Senator Grace Poe na si Brian Llamanzares.

Close na nga raw si Myrtle sa senador, at humingi pa raw siya rito ng permiso kung puwede siyang mag-cover sa FHM.

Sabi ni Myrtle sa panayam niya siya sa The Buzz, “I asked permission and she’s very supportive.”

Bakit siya nagpaalam kay Senator Grace?

“Kasi we’re very good friends, palagi akong bumibisita sa family niya.

"Yung little sister ni Bryan, naging friend ko.

"So, noong nakita ko si Tita Grace, I told her I might do a cover for FHM and I asked permission from her.”

Ano naman ang sabi ng senador?

“She said, sure, susuportahan nila ako. As long as wala akong super-hubad.”

Ano ang "super-hubad"?

“I think, yung super-hubad, yung wala nang top!” natawa niyang sabi.

Kuwento pa ni Myrtle, “I was working out na before they invited me.

"I was working out for myself. I was doing it for myself.

"Noong makuha ko na ang body na gusto ko, timing din, yung FHM, niligawan ako para mag-cover sa kanilang magazine.

“Me and my management said yes.”



THE REAL SCORE. Ano nga ba ang totoong estado ng relasyon nila ni Brian?

“Sabi niya, nililigawan niya ko,” sagot ni Myrtle.

Pero si Myrtle, ano ang sabi niya?

“We’re dating, nasa getting-to-know stage.”

Mukha naman daw may patutunguhan talaga ang anumang meron sila ngayon, ayon na rin sa obserbasyon ng mga host ng The Buzz.

“We both believe in courtship.

"At yun nga ang sabi ng mom ko, ’Magku-cover ka na sa men’s magazine, hindi ka pa nagkakaroon ng boyfriend.’"

Nakilala na ba niya ang lola ni Brian na si Ms. Susan Roces?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yes, she’s very nice,” sagot niya.

FHM COVER GIRL. Sinasabing ang ginawang pagpu-pose raw ni Myrtle sa FHM ay para raw mapansin siya dahil tahimik lang ang kanyang career simula nang manalo siya sa PBB noong 2012.

Ayon naman kay Myrtle, “Siguro it’s my way of saying, ’Hello, Philippines! Hello, World!’

"Hindi na ako teenager dati and I’m ready for more mature roles."

May mga usap-usapan ding madalas daw siyang makita sa mga club at nagwawala raw siya.

Pagtanggi ni Myrtle, “Hindi yun totoo.

“I don’t smoke. I don’t drink.

"And I’m still studying sa U.P. Diliman.

"Nagulat nga ako.”

Sinabi rin ni Myrtle na ang diet daw niya ay 70 percent fruits.

Nagdya-jogging din daw siya sa U.P. Kaya nasasaktan daw siya kapag may nagsasabing edited ang cover niya.

“Nahe-hurt din ako kapag sinasabing edited ang photos ko.

"I did my best. Nag-workout ako.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN