Janine Gutierrez assures she’s mature enough to handle a serious relationship

Janine Gutierrez and Elmo Magalona sing the theme song of their latest teleserye, More than Words, which pilot showing has been moved to November 17.


Hindi pa raw nagtatagal ang relasyon nina Janine Gutierrez at Elmo Magalona, taliwas sa nababanggit na anim na buwan na silang magkarelasyon.

"Wala pa pong six months... just a couple of months, more or less. Basta, okay lang ’yon," nakangiting sambit ni Janine nang nakausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Linggo, November 2, matapos ang hosting stint niya sa Sunday All Stars ng GMA Network.

Excited si Janine these days na nalalapit na ang airing ng More Than Words, ang early evening drama series na muli nilang pagbibidahan ni Elmo Magalona, matapos ang hit remake ng Villa Quintana.

Dahil for real na ang relationship ng JaElmo loveteam, higit na may excitement sa bagong romantic comedy series.

Mula November 3 ay na-move sa November 17 ang pilot episode nito.

Mas okay na rin daw, ayon kay Janine, para makapag-taping pa sila ng mga episode. Almost a month na rin daw silang nagte-taping ni Elmo for the new series.

"Marami po talagang kilig moments, kasi yung character ko, si Ikay, nagsusulat siya dun sa blog niya.

"So, gumagawa din talaga siya ng mga kilig moments, as Katie Perez."

Banggit din ni Janine, "Kami po [ni Elmo] ang kumanta ng theme song ng More Than Words. Hindi pa lang nare-release [as a single]."

Pero hindi raw tiyak ni Janine kung papasukin din niya ang pagkanta liban sa pag-arte at events hosting na siya niyang forte ngayon.

CARING BOYFRIEND. Tinanong din ng PEP si Janine kung ano ang mga nadidiskubre niya tungkol sa personality ni Elmo ngayong mag-boyfriend-girlfriend na sila.

Nakangiting sabi ni Janine, "Well, siguro na-enhance lang po yung mga alam ko before, na talagang maalaga siya. And dedicated siya sa trabaho.

"Nararamdaman ko lang ngayon na mas close kami."

May advice ba kay Janine ang kanyang mommy niyang si Lotlot de Leon hinggil sa lovelife niya, possible heartaches?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ani Janine, "Uhmm... wala po. I’m sure, alam naman niya na alam ko yun."

Is she mature enough, emotionally, to handle a serious relationship?

"Yes, opo. I think we know each other well na."

Janine considers her young actor-boyfriend, Elmo, her best buddy in showbiz.

"Si Mo lang... at yung ibang mga kasama ko sa show, si Enzo [Pineda]…"

Sa More Than Words, masaya naman daw si Janine sa company ng mga kontrabida sa character niya.

"Opo, sina Steph [Stephanie Sol], Mayton [Eugenio], at Coleen [Perez], mababait naman po sila sa totoong buhay," patotoo pa niya.

Sandaling nakausap din ng PEP si Elmo while Janine was at the studio.

Hinggil sa possibility ng pakikipagtambal nila eventually sa ibang artista, at hindi na nila pagkikitang madalas, sabi ni Elmo, "Work is work... okay lang po yun.

"I guess we’re mature enough to handle things like that."

Pero sa ngayon na higit nga ang togetherness nila ni Janine, sabi ni Elmo, "Happy ako, siyempre!"

As for Janine, open din siya sa pakikipag-team up kung sakali sa ibang young actor.

"Depende po sa story," rason niya.



MAMITA’S ADVICE. Si Pilita Corrales, Janine’s grandmother and mom to Ramon Christopher Gutierrez, her dad, nagbibigay ba ng mga payo sa kanya tungkol sa pagkakaroon ng steady boyfriend?

"Masaya din po siya para sa akin, gusto kasi niya si Elmo. Pero wala naman pong nagbibigay sa akin ng advice," Janine giggled a bit.

Dagdag niya, "Hindi naman po sila yung sobrang magpayo, na istrikto, na ganun...

"Basta kung meron akong tatanungin... for sure, magbibigay sila ng advice, pero hindi po sila yung tipong nanenermon nang wala akong tinatanong."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN