Jomari Yllana finishes third in Super Race Championship in South Korea

Paiba-iba raw ang panahon ngayon sa South Korea kaya medyo nahirapan ang actor-racer na si Jomari Yllana sa pagsalang niya sa Super Race Championship. Pero hindi pa rin nagpatinag ang actor at nakuha niya ang pangatlong puwesto sa naturang car racing competition.


Pumangatlo ang actor-racer na si Jomari Yllana sa Super Race Championship, na ginanap sa Yeongam International F1 circuit, sa South Korea, noong November 1.

Ito ang ibinalita sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng showbiz writer na si Pilar Mateo, na kasalukuyang kasama ni Jomari sa South Korea.

Lumaban ang aktor sa kategoryang Accent One Race V720.

Ang naturang kategorya sa 2014 Super Race ay sinalihan ng halos 35 Koreano, at si Jomari lamang ang nag-iisang Pinoy na naimbitahan upang sumali sa karerang ito.

Ani Pilar, “Jomari Yllana is the first Filipino to win a podium finish in the prestigious Super Race Championship. YLLANA-GTR racing team is the first Filipino racing team to win in the said event.”

GREAT RESPONSIBILITY. Sabi naman ni Jomari sa maiksing panayam sa kanya ni Pilar, "Yes, very, very difficult kasi maraming crash, banggaan.

"Which means kung nabangga tayo, ‘di tayo makakatapos… wala na posisyon… ’di na masasama sa top 3.



"Nakalito sa isip ko yung Friday, ulan, Saturday, basa nung umaga ang racing circiut, then tuyo in the afternoon.

"Then the race itself, dry na uli, pero ’di natin alam kung tuyo nung hapon o lalabas ba ang araw.”

Inialay naman ni Jomari ang kanyang panalo sa lahat ng Filipino.

Sabi niya, "Kung sa hirap, oo, mahirap talaga. At pinaghirapan talaga.

"This is not for myself, pero para sa ating lahat.

“Mabigat pala dalhin ang bandila natin.

"In other words, it’s a great responsibility rin.

"But I am happy and feeling blessed."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN