Charice fires manager over money issue

Walang sinabing dahilan si Charice sa kanyang post kung bakit sila naghiwalay ng landas ng kanyang manager. Pero ayon sa impormante ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “pera” raw ang dahilan ng kanilang alitan.


Tinanggal na bilang manager ni Charice si Glenn Aldueza.

Ito ang inanunsiyo ng singer sa kanyang Instagram at Facebook accounts noong October 30:

“Hello everyone,

"Just letting you know that Mr. Glenn Aldueza is no longer my Manager. My apologies to all the people who have been trying to contact the management and getting no answers.

"We are going to announce my New Management/Team/Website/Projects as soon as possible and I am very excited about it.

"You can send your email to charice.entertainment@gmail.com for bookings, etc.

"Have a nice day!"

Kalakip nito ang larawan kung saan sinabi niya ang mga paraan kung paano makuha ang kanyang serbisyo.




MONEY PROBLEM? Ngayong araw, November 3, sa pamamagitan ng Facebook messaging, ay nagpadala ng mensahe sa PEP ang ninong ni Charice na si Robert Ybera.

Dito ay sinabi ni Robert ang ilang dahilan kung bakit tinanggal ni Charice si Glenn bilang kanyang manager, ayon sa kuwento sa kanya ng ina ng singer na si Raquel Pempengco.

Narito ang magkasunod na mensahe ni Robert, published as is:

“Isa sa dahilan po ay MADAMI pong anumalya ang ginawa ng manager, ayon kay RAQUEL po, Nakipag ayos sa akin si raquel bago mag undas po ISA sa anumalyang ginawa ng MANAGER ay HINDI IBINAYAD DAW PO ANG BALANCE ni CHARICE sa lote kung saan inilibing ang kanyang AMA.

“Kaya po mag pa hangang ngayon, HINDI PA BAYAD SI CHARICE SA LOTE NA KINUHA SA PASTURE kung saan napa libing ang ama. na pag aari naman ni EX GOV, NINGNNG LAZARO.

“Last week lang po, october 30 kung hindi ako nag kakamali po, kasi NOV. 1 PO INIIMBITA NYA AKO NG 1 YEAR ANNIVERSARY NG KAINAN SA BAYAN NG CABUYAO. tinawagan po ako ni raquel, pero hindi ko nasagot po pero nag iwan sya ng mga txt sa akin. pls call me HINDI AKO MAKIKIPAG AWAY SAYO! KAYE ,hangang sa mag palitan na nga po kami ng txt. at nakipag ayos sya sa akin. yunnga po na ikwento nya na IDENEMANDA DAW NILA SI GLENN.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“May ilan milyon daw po ang nawawala, kaya mag pahangang ngayon INAALAM PO NILA KUNG NASAAN ANG PERA.

“Pwede nyo alamin sa PASTURE IN HEAVEN memorial park. Sala, Cabuyao Laguna.

“Kaya pala last year ng sadyain ko mismo si charice sa bahay ni glenn KUNG SAAN PO SYA NAKIKTULUYAN, Dahil ako nga po ang kausap ng pasture mulat mula pa, kaya ako mismo ang sumadya kay charice pero ng sabihin ni charice sa akin na okey na yun at kaharap si GLENN, sabi ko hindi pa. KAYA ORA MISMO TINAWAGAN KO YUN OFFICE NG PASTURE AT IBINIGAY KO KAY GLENN ANG FONE KO MEDYO LUMAYO PANGA SI GLENN kaya may napanisn nko kakaiba. ETO NA NGA PO YUN KUTOB KO NA MAY NANYAYARING HINDI MAGANDA.”

Bukod daw sa pera, binastos daw ni Glenn si Raquel sa hindi pa detalyadong imporamasyong naibahagi ni Robert, pero isa rin daw ito sa nagpalala ng sitwasyon.

Si Robert ang ninong ni Charice na nagbigay ng ekslusibong pahayag noon tungkol sa tunay na kasarian ng singer, ng kanilang alitan ni Raquel, at iba pang mga detalye sa awayan ng mag-ina na naging daan ng pag-amin ni Charice na siya’y isang tomboy.

Read: PEP EXCLUSIVE Charice’s ninong Robert Ybera confirms singer’s rift with mom Raquel; claims Oprah no longer connected to Charice

Hindi ito ang unang pagkakataon na kumalas si Charice sa namamahala ng kanyang career, nanuna na rito ang pag-alis niya kay Grace Mendoza bilang kanyang manager.

Nagpadala na ang PEP ng mensahe kay Glenn para sa kanyang panig, ngunit hindi pa siya sumasagot.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN