Ruru Madrid says Above the Clouds was well-received in Japan

In the two years after he emerged a finalist in the talent search Protégé, Ruru Madrid has done a movie that is being shown in several film festivals abroad, bagged a best actor nomination in Singapore filmfest, and merited recognition from four local award-giving bodies.


Unang beses lang ma-experience ni Ruru Madrid na bumiyahe abroad. At first time din niyang maranasan na magkaroon ng pelikulang kasali sa isang international film festival.

Ang pinagbibidahan niyang indie film na Above The Clouds, kung saan kasama niya si Pepe Smith, ang naging entry ng Pilipinas sa katatapos na Tokyo International Film Festival.

Tungkol sa Typhoon Ondoy at sa mga biktima nito ang pelikula.

October 26 ng gabi umalis patungong Japan si Ruru. Nakabalik naman siya nitong Sabado ng gabi, November 1.

Noong Linggo, November 2, ay nasa Sunday All Stars na siya kung saan nakausap ito ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal)

Kuwento ni Ruru, "Pagdating pa lang namin doon, ang lamig!

“’Tapos kinabukasan po yung first screening ng pelikula namin.

"Itong Above The Clouds lang po ang Filipino film na kasali.

“May pelikula din po from Cambodia, Malaysia, Indonesia… marami pa pong Asian.

“Last Friday [October 31] po yung awards night. Basta ang alam ko pong maraming napanalunan ay ang Poland.

“Maraming entries, e. Buong mundo po talaga ang sumali."

Sa kategoryang Asian Future nakasali ang Above The Clouds, kasama ang iba pang Asian films kung saan ang pelikulang The Last Reel ng Cambodia ang nanalo.

Patuloy na kuwento ni Ruru, “Twice po na nagkaroon ang screening ang Above The Clouds.

"First time ko rin pong mapanood doon yung movie.

“At habang pinapanood ko, nagugulat ako, kasi yung mga tao, kahit na mga Japanese po sila at mga taga-ibang bansa… talagang nag-iiyakan sila.

“’Tapos kapag may mga scenes na nakakatawa, talagang nagtatawanan din sila.

“So, talagang na-appreciate nila, lalung-lalo na yung mga Japanese doon, nagtatanong sila about dun sa movie.

“’Tapos meron po dun na isang French na nagulat ako, kasi sinasabi niya na thank you daw dun sa movie kasi iyon daw ang hinihintay niya.

“Bakit daw hindi gumawa ng festival ng mga pelikula tungkol sa maliliit na bagay, gaya nga nung nasasalanta ng bagyo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sobrang na-appreciate daw niya. At naiiyak siya habang sinasabi niya ‘yon.”

Nag-enjoy naman daw si Ruru sa festival.

“Nakita ko po doon si Tim Burton, yung director ng Batman po.

"Nandun din po yung director ng Guardians of the Galaxy. Pati na rin po yung director ng Legally Blonde.

“Sila po yung mga jury. Sila ang namimili kung sino ang papanalunin."

MORE FILM FESTIVALS. Marami pa raw ibang international film festival na kasali ang Above The Clouds. Isa na rito ang Singapore International Film Festival.

Ayon kay Ruru, “Pupunta po ako doon sa December.

"At sinabi na po sa akin na nominated daw po ako for Best Actor doon kaya excited po ako siyempre!

“Napanood na po kasi ng mga jury yung mga entries kaya may mga list of nominees.

“And then next year, we’re going to Europe.

"Inihahabol po nila na maisali ito sa Berlin International Film Festival at saka sa Venice International Film Festival din po.”

Hindi raw inakala ni Ruru na mapapasali pala ang pelikula niya sa kung saan-saang international film festivals.

“Nung nag-shoot po ako ng movie na ito, two years ago, e. So, sobrang bago pa lang ako nun.

"Kakatapos lang po ng Protégé nang ginawa po namin ito,” pagtukoy niya sa sinalihang reality talent search ng GMA Network, kung saan sina Jeric Gonzales at Thea Tolentino ang nanalo.

“Kaya ang dami ko pong shows na natanggihan dahil po dito.

"Ang dami pong in-offer sa akin ng GMA na mga teleserye na hindi ko po puwedeng tanggapin kasi naka-block lahat ng schedules ko for Above The Clouds.”

MOST AWARDED NEWBIE. Baguhan man ay may mga award nang nakuha si Ruru.

Kabilang sa awards na napanalunan niya ay ang Best New TV Personality sa PMPC Star Awards For TV last year para sa pagganap niya sa horror series na Dormitoryo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pinakaunang napanalunan ko ay yung kay Kuya Germs na Youth Achievement Award sa FAMAS.

"Pangalawa po yung sa PMPC Star Awards For TV.

“Pangatlo po yung sa Golden Screen Awards For TV para sa Dormitoryo pa rin.”

GABRIELLE. Sa ngayon, hinihintay ni Ruru ang abiso ng GMA kung tuloy na ang bagong soap para sa kanila ng ka-loveteam niyang si Gabrielle Garcia.

Na-miss ba niya ang young actress nung nasa Japan siya?

“Opo! Kasi po, close na talaga kami.”

Sixteen si Ruru, 15 naman si Gab. Hindi kaya puppy love na yung nasa likod ng pagiging close nila?

“Ewan ko lang po!” tawa niya.

“Basta kami po, hindi pa namin masyadong iniisip yung mga ganung bagay.

“Pero honestly, special po talaga siya sa akin.

"Na parang siguro… sobrang tini-treasure ko yung pagiging magkaibigan namin.

“Kaya parang sobrang pinapahalagahan ko siya.

"As in ayoko siyang makikitang nasasaktan.

“Kapag nahihirapan siya, gusto kong tinutulungan ko siya.”

Sa pagiging magkaibigan lang daw muna niya gustong i-maintain ang closeness nila ni Gab.

“Siguro mas maganda po kung pagkakaibigan muna, e. Hintayin na lang namin ang tamang panahon.

“Basta alam ko po na darating ang tadhana talaga na kung talagang kayo, kayo talaga.

"Usapan na rin namin ‘yon.

“Kasi kailangang unahin muna yung mga bagay na makakapagpaasenso sa amin.

"O yung mga bagay na mas makakapagpaangat sa amin.

“Mahirap kasi kung relationship kaagad, lalo mga bata pa kami.

“Kaya kailangang yung trabaho at saka pag-aaral muna ang ipa-prioritize namin.”

Sa one week na inilagi niya sa Japan, nagkaroon din ba siya ng time para makapamasyal doon?

“Opo. Pero saglit na saglit lang.

"Bumili lang po ako ng mga damit kasi mura, e. One hundred yen lang.

“Kasama ko po ang father ko, yung production people ng Above The Clouds.

“Dapat papasyal din kami sa Tokyo Disneyland kaso wala na pong oras, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero gusto ko pong bumalik doon.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN